❬ 023 ❭

813 33 24
                                    

023

Scandal

NAGING BUSY ANG mga sumunod na Linggo. Tama nga ako noong hindi magiging madali ang college. Although I met a few people, the things that needed to be done were kind of exhausting. Bukod pa roon, matinding pagsusunog ng kilay ang kinailangan kong gawin dahil kailangan matalas ang memorya sa kursong napili ko. I knew I’m really dumb in memorization so I did my best to cope up with it.

Pati si Khalil ay naging busy na rin sa trabaho kaya miminsan na lang talaga kung makakapagkita kami at parehong hindi pa pagod. Swerte ang mga araw na matagal kaming makakapag-usap at magkakasama, tulad ngayong araw.

I was waiting for him in the waiting shed of the highway. Kinuha niya kasi ang resulta ng mga test ng nanay niya at saktong malapit iyong laboratory na pinuntahan niya sa kanto ng university kaya magsasabay na lang kami pauwi. Pagkatapos kasi ng ilang linggo lang na nawala ang mga pag-ubo ni Tita Nette, bumalik na naman ulit. Tapos ay nilagnat pa siya, nahihirapan sa paghinga at laging pagod. Tingin nila ay hindi na lang simpleng ubo pa iyon.

Hindi ako masyadong makagalaw sa takot na maputikan ang puting uniporme. Malakas din ang ulan dahil sa paparating na bagyo kaya hindi ko masilip nang maayos kung parating na ba siya.  

Nasira ang katahimikan ko nang isang pamilyar na babae ang tumabi sa akin sa waiting shed.

Her eyes grew wide after seeing me. “Solar!” Basa ang ibabang parte ng navy blue na palda niya at magulo ang pang-itaas. With her uniform, I could say that she’s an education student. Her wavy hair was wet from the rain. Even with her heels, I’m still inch taller than her.

“Isabele,” I greeted back calmly.

“Kumusta ka na?” kaswal na tanong niya habang inaayos ang nagulong suot. “Nursing ka?”

I nodded, trying to act cool with our little conversation. “Oo. Ayos lang naman.”

“Ang tagal na nating hindi nagkita! Parang kailan lang noong mag-bestfriend pa tayo,” dagdag niya at mahinang humagikgik.

Parang kailangan nga lang, Isa. Parang kailan lang noong nagbitaw ka ng mga salitang sumugat sa akin. Parang kailan lang iyon at hindi ko pa rin malimutan.

“Ay para po!” sigaw niya sa jeep na mabilis ang takbo. Huminto naman ito dahil sa pagtawag niya.

“Mauna na ako, Sol! Pakumusta na lang ako kina Attorney. Mag-iingat ka!” She smiled jovially before bidding her goodbye.

Hindi ako nakaimik kaagad hanggang sa nakaalis siya. I wonder if she even remember those memories that were stuck in my mind? O kung alam niya bang nasaktan niya ako dahil sa mga sinabi niya noon?

Kung titingnan, mukhang wala siyang kaide-ideya tungkol doon. She seemed so civil and kind talking to me.

Siguro, kung hindi sinabi ni Isabelle ang mga katagang iyon noon, magkaibigan pa rin kami hanggang ngayon. She’s actually nice and funny. Masyado lang talaga akong nagdamdam sa nangyari kaya mukhang hindi ko na kaya pang ibalik ang pagkakaibigan na iyon ngayon.

Few minutes past before I saw Khalil’s figure crossing on the road. He’s holding a green umbrella with the cross body bag hanging on his shoulder. Nangingibabaw ang suot niyang madilim na asul na polo shirt sa dapit-hapon.

Like A Gentle Wind (Belles Âmes Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon