❬ 016 ❭

1.2K 58 42
                                        

❬ 016 ❭
Roses


"ATE, KUYA KHALIL is already here na!"

Napagising ako sa pagtawag ni Eliff sa akin. Tumalon-talon pa siya sa kama ko para magising ako lalo. She was giggling while pushing me to get up.

I groaned ang glared at her. Napuyat ako kagabi dahil tinatapos ko iyong tinatahi ko kaya hindi ako nagising ng maaga ngayon.

"Bakit ba?"

"Kuya Khalil is here! Ang gwapo niya, Ate! Hanap ka niya kanina!" mas excited pa siya sa akin habang pilit akong pinapatayo. "Sabi niya may bibigay daw siya sa 'yo!"

"Ano na bang oras?" Umupo ako at inayos ang buhok ko. Mataas na nga ang sikat ng araw at mukhang mainit na pagkasilip sa bintana ng kuwarto.

"Nine na! Umalis na rin si Mama, si Papa, nasa salas."

Tumango ako. "Sige na. Ako na bahala. Labas ka na. Mag-aayos lang ako."

"Okay, Ate! Tell me what Kuya Khalil will give you, okaaaay?" She giggled before finally leaving the room.

Nang makaalis siya ay doon pa lang ako napangiti. Kanina ko pa pinipigilan dahil kapag nakita ni Eliff, siguradong iinisin niya ako.

It's been four days already since he left. Tatlong araw ang exam nila at ngayon pa lang nga ang uwi niya. I didn't expect him to go home early, though, akala ko ay mamaya pang hapon.

Araw-araw niya akong tinatawagan simula noon kapag natatapos ang test niya. I would talk to him while stitching.

Kapag napapagod na ako sa kakapanahi ay nag-pa-practice sa pag-vi-violin. May gusto akong matutunang itugtog para iparinig kay Khalil kapag nakabisado ko na talaga.

I went to their house around one o'clock. I finished all the chores and ate my lunch first. Sa may garden nila ako dumaan at kumatok sa pinto nila sa likod. Ako na ang pumunta dahil alam kong pagod pa rin siya. It won't take long anyway, gusto ko lang kumustahin siya.

The door opened, there welcomed to me, Tita Nette. Malaking ngiti ang sinalubong niya sa akin. "Ikaw pala, Solar! Pasok ka!"

"Ah hindi po, mabilis lang po ako. Kukumustahin ko lang po sana si Khalil?"

"Sandali. Sige, maupo ka muna at tatawagin ko," sagot ni Tita. Tapos ay napatakip siya ng bibig nang maubo nang malakas.

Medyo nag-alangan ako at nag-aalala sa pag-ubo niya. Pero ngumiti lang siya at sinabing 'wag akong mag-alala. Naalala ko ang mga sinabi ni Khalil nitong nakaraang araw tungkol sa Mama niya. Ipapa-check up na dapat nila ang pag-ubo niya pero dahil sa test ay hindi niya pa nagawa.

"Sige po. Salamat po, Tita."

Umupo ako sa monoblock na upuan na kasama ng wooden table. Ilang minuto lang, lumabas na si Khalil na mukhang kagigising lang.

"Hi!" I greeted and beamed. "Kumusta?"

His hair was disheveled. Nakaputing sando lang siya at jersey short. Nagulat pa yata siya ng makita ako dahil parang wala pa siya sa sarili.

"S-Sol! Ikaw pala."

"Sorry, nagising yata kita?"

He shook his head and chuckled. "Ayos lang. Saglit may ibibigay ako sa 'yo."

Pumasok siya ulit at iniwan ako. Sakto naman na si Tita Nette ang pumasok na may dalang plato ng mga palitaw. "Kumain ka muna, mabuti na lang at may natira pa si Khalil kanina."

"Okay lang po ako! Pero, thank you na rin po." Nilapag niya ang mga iyon sa table sa harap ko.

"Kapag ba pumupunta ka rito binibigyan ka ng pagkain ng anak ko?" Hindi ako nakasagot kaya umiling siya. "Hay naku, bata talagang ire, paano ka mapapasagot kung ganiyan." She covered her mouth and coughed for a second.

Like A Gentle Wind (Belles Âmes Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon