❬ 026 ❭

930 42 21
                                    

026
Wreck

THE DAY HAS been long and exhausting. I want to rest but I’ve been doing it for so long yet I didn’t feel peaceful. Maraming bagay ang nasa utak ko at gusto kong ilabas lahat ng iyon ngayon.

Pagkatapos makapagbihis pagkauwi ay nagpaalam ako kina Mama na lalabas lang sandali tutal ay Biyernes naman na ngayon. Magtatakip silim na noon. Palubog na ang araw pero dahil makulimlim dahil sa palagiang pag-ulan ay nanatiling madilim ang langit.

I slowly walked my way to Khalil’s little paradise. Walang tao sa hardin pagkarating ko kaya kumatok ako sa pinto sa likod ng bahay.

I was already wearing my pajama and sando. Medyo nabasa na ang tsinelas ko dahil sa basang Bermuda. Ilang minuto pagkatapos kong kumatok ay sumalubong si Khalil sa akin.

His hair was disheveled. The bags under his eyes were noticeable. Lukot ang damit at may mantsa ng toyo sa gilid. Sa kamay niya ay may hawak pa siyang sansi.

Nanglaki ang mata niya ng makita ako at kaagad na napaayos ng buhok. Binaba niya ang sansi at pilit na tinakpan ang mantsa sa gilid ng damit niya.

“S-Sol! Bakit hindi mo sinabing pupunta ka?” natataranta niyang tanong. “Pasok ka.”

I shook my head. “Um, busy?”

He bit his lip, about to say something when we heard her mother’s shrill. “Khalil! Iyong niluluto mo madudulok na!”

“Opo, Nay! Saglit lang!” balik niyang sigaw.

Nahihiya niya akong hinarap. “Uh, medyo? Nagluluto pa ako dahil nagpapahinga si Nanay.”

“Sige, magluto ka na muna! Hihintayin kita rito.” I smiled.

“Baka malamok diyan. ‘Tsaka baka umulan.”

Umiling ako. “Hindi naman. Ayos lang ako rito, hihintayin na lang kita.”

His wavering eyes spatted me, and then the wet table. “Saglit, gagawan kita ng kape at pupunasan ‘yan. Mabilis lang talaga—”

“Sunog na ang niluluto mo!” sigaw ulit ng nanay niya. Mula sa loob, medyo naamoy ko na nga na parang may nadudulok.

Napatuptop siya ng bibig at binalingan ng tingin ang nanay niya sa loob.

I chuckled inwardly. He looked so tired, but actually cute doing all those household chores.

“Nay, ayan na! May kausap pa po ako sandali!”

“Sige na! Baka wala pa kayong ulam,” taboy ko at tumawa. “Ayos lang ako rito.”

“Sige, hintayin mo ako, sandali. Hindi pa dulok iyon, kapiprito ko lang noong daing e,” sagot niya at napailing na lang.

He immediately dashed off inside again to continue his chores. Sumilip ako sandali sa loob nila. Mukhang pumasok sa kuwarto si Tita Nette, nakabukas ang TV pero wala namang nanonood. Mula sa loob nila ay narinig ko ang pagpiprito niya habang amoy na amoy ang daing. Nagutom tuloy ako bigla.

After a few minutes, he was back with a cup of coffee and a bread. Pinunasan niya rin ang basang upuan kaya nakaupo na ako.

Kumpara kanina, mas ayos na ang itsura niya. He doesn’t looked stress anymore, although the soy sauce stain was still there. Lumilitaw ang mga dimples niya sa bawat pagtuptop ng labi.

My Khalil looked so cute.

“Babalik din ako. Ibibigay ko lang sandali iyong pagkain ni Nanay at gamot, hintayin mo ako, ha?” he said after. I hinted excitement in his voice.

Like A Gentle Wind (Belles Âmes Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon