Wakas
SIYAM NA TAONG gulang pa lang ako sabi ko sa Kuya Abel ko, kilala ko na ang gusto kong maging girlfriend.
Sa may likod ng bahay ng mga Delacci, nakita kong umiiyak ang gusto kong maging girlfriend balang araw. Siyempre, hindi ko sinabi kay Kuya noong tinanong niya kung sino iyon. Ang sabi ko lang, maliit at makulit. 'Tsaka baka pagalitan niya ako, ang bata niya pa lang kasi. Hindi ko pa siya puwedeng maging girlfriend dahil pareho pa kaming bata para roon. Kapag nasa tamang edad pa lang kami, 'yon ang sabi ni Nanay. Pero ang cute niya kasi, chubby tapos nakakagigil ang pisnge, lagi pa siyang nakikipaglaro sa akin.
Nilapitan ko si Solar at nag-squat sa harap niya. Nalungkot ako no'ng makita 'yong mga luha sa mata niya. Naalala ko 'yong itsura ko no'ng namatay si Tatang at kung paano ako umiyak no'n dahil sa kaniya.
"'Kay ka lang?" inosente kong tanong.
Umiling siya 'saka mas nilakasan ang hikbi. "Iyak nga ako e!"
Oo nga naman. Ba't ko pa ba tinanong?
Tinanong ko kung anong nangyari sa kaniya. Alam ko, laro-laro pa lang sa isipin ko noon ang kagustuhan kong maging nobyo niya. Pero may kung anong nag-uudyok sa akin na patahanin siya sa pag-iiyak.
"'Di na raw gigising si Lolo ko." Suminghot siya, mas lalong humaba ang nguso sa sinabi at nagtubig ang mga mata.
Kaagad ko siyang yinakap at hinagod ang likod dahil sa sagot niya. Noong nawala si Tatang ko, iyak lang ako ng iyak kasi nasasaktan ako sa pagkawala niya tapos wala man lang nagpatahan sa akin. Kaya noong narinig ko 'yong rason niya, kaagad kong naisip na hindi niya dapat maramdaman 'yong naramdaman ko no'n.
"Shh... 'wag ka ng iiyak," alu ko kahit pati ako parang naluluha na rin dahil naalala ko ang Tatang ko sa mga iyak niya.
Sa isip ko, mas matanda ako kaya dapat ay alam ko kung paano patahanin sa pag-iyak ang malungkot na batang tulad niya.
Dinala ko siya sa may bakuran nang Tatang ko, sa dinami-dami ng iniisip ko kanina, nagulat ako na Makahiya lang pala ang makakapagpahinto sa kaniya.
"Wala ng magtutugtog ng violin," pero kung anong bilis niyang aluhin, iyon din ang bilis niyang makaalala. Nakapatong ang ulo niya sa mga kamay habang nakahilata kami sa may damo. Winawagayway niya pa ang paa sa ere. Bata pa nga talaga.
"Ikaw. 'Di ba sabi mo gusto mo paglaki mo tutugtog ka ng mga gano'n?"
Isa pa sa mga rason kung bakit siya ang gusto kong maging nobya; mahilig siya sa musika. Sabi ng Lolo ko noon, dapat daw iyong makakasama ko pareho ng hilig sa akin. Eh siya lang naman ang kilala kong may parehong hilig sa akin, siyempre dapat sigurado na ako kung sino ba ang gusto ko kahit bata pa lang.
"Ikaw, promise ka! 'Wag kang matutulog tulad ni Lolo ko, ha! Promise dapat!" hirit niya bigla at pinandilatan pa ako.
BINABASA MO ANG
Like A Gentle Wind (Belles Âmes Series #1)
RomanceMoving into a new town, Solar Delacci thought that it would be the worst thing to happen in her life. Why would she want to live somewhere far from the city she was raised? But she'll endure it anyway, everything for her sick father. There she met...