❬ 025 ❭

1.1K 41 32
                                        

025
Right Thing

“OH, NAPANO KAYONG dalawa?” sipat ko kay Roy at Eliff. Kauuwi ko lang at sila ang sumalubong sa akin sa may salas.

Nakanguso si Eliff at inaalog ang balikat ni Roy habang tinatawag siya. Si Roy naman ay nakasimangot at hindi umiimik. Napaharap sila sa akin.

“Nag-away kayo?” tanong ko.

“Nagtatampo kasi siya, Ate,” sagot ni Eliff at nakanguso pa rin habang nililingon si Roy.

Humarap si Roy sa akin, lukot at malungkot ang mukha. “Lagi na lang po kasing ako ang taya sa tagu-taguan, ayaw niya pong mataya! Pagod na po akong maghanap sa kaniya.”

Binitawan ko ang bag sa sofa at pinigilan ang pagngiti sa napakalaki nilang problema. Akala ko naman nagkasakitan na sila, tagu-taguan lang pala.

“Nasaan si Mama?” tanong ko kay Eliff.

“May kausap po sa phone,” sagot naman niya. Tapos ay binalingan na ulit ang kalaro. “Roy! Sorry!” Pinagdikit niya ang palad. “Bati na tayo, please!”

Hinarap naman siya ni Roy at pinaningkitan ng mata. “Ikaw na ang taya?”

Eliff winced and couldn’t answer. Nag-aalalangan pa siya at parang ayaw ang ideya.

Kapatid ko talagang ‘to, gusto niya laging siya ang bida! Siya na nga ang nakikipagbati, ayaw pa ring pumayag sa mga kondisyon.

Sinamaan lang siya ng tingin ni Roy. “Sige na nga! Bati na nga tayo!”

Lumawak ang ngiti ni Eliff at itinaas taas ang kamay. “Yay!”

“Bati na kayo kaagad? Hindi naman pumayag si Eliff,” puna ko.

“Okay lang po. Nagpa-sorry na po siya, Ate. ‘Tsaka sabi po ni Tatay ko ‘di daw po pwedeng magalit ng matagal,” inosenteng sagot ng bata. Bumaba siya ng sofa at tinulungan si Eliff na makababa rin. “Last na ‘to, ha! Magtitinda na kami ni Tatay niyan e.”

“Okay!”

Napatulala ako habang pinapanood silang masayang naglalaro. Nawala na si Eliff para magtago ulit.

Sana gano’n lang kadaling magpatawad, Roy. Sana gano’n din kadali para sa akin. I miss those days when a sorry was enough to ease my anger. I miss those days that everything was so simple and easy.

I WAS so perplexed while carrying the burden of Zenda’s video. Litong lito ako at hindi na alam kung ano ang mas papanigan. Ang gawin ba ang tama, o hayaan ang emosyon kong manaig.

The demons were whispering me to ignore it; to feign oblivion and to take no blame for what might happen, to let me feel the sinful justice and victory.

But the principles opposed me.

I knew I had to do the right thing, despite all the pain that she inflicted to me.

I hated myself for not forgiving her easily. Gustuhin ko mang bawasan ang galit ko sa kaniya ay nahihirapan ako. Lalo pa kapag naiisip ko ang ibang taong nasaktan din niya. Iniisip ko na baka tama lang nga kung mangyayari ang plano nila, para kahit papaano ay magkaroon siya ng leksyon sa lahat ng kasalanan niya.

Pero kapag pumapasok na ang mga sinabi ni Khalil sa akin, gumugulo ang mga desisyon ko. Kung katulad niya ay gagawin ko ang mali, ano na lang ang pinagkaiba naming?

And so, with all the conflicts running inside my head, I went to the only person who I know can help me: my father.

“Papa,” malambing kong tawag habang minamasahe ang likod niya. pareho lang naming kagagaling ng university kaya alam kong pagod pa siya.

Like A Gentle Wind (Belles Âmes Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon