❬ 021 ❭

1.1K 46 35
                                        

021
Suave

WHILE KHALIL WAS busy with his worked, I busied myself mastering the violin. Nang matapos ako sa tinatahing cross stitch ay nag-focus ulit ako sa pag-vi-violin. Kapag nag-umpisa na ang klase, siguradong mawawalan na ako ng oras para gawin pa ito.

Dahan-dahan ang ginawa kong paggalaw sa bow. Nakapikit ang mga mata ko at pinapakinggan at dinaramdam ang bawat ritmo ng kanta.

“Ang galing mo na, Sol,” puna ni Papa habang pinapanood akong mag-practice sa may teresa namin.

Siya pa lang ang kasama ko dahil nasa klase pa si Eliff at sa trabaho naman si Mama. Hanggang alas tres lang kasi ang klase niya sa unibersidad kung saan siya nagtuturo.

“Tuwang tuwa sigurado ang Lolo mo kung nakikita ka niya,” dagdag niya. Lumapit siya at umupo sa upuang katabi ko.

But, actually, hindi pa naman ako ganoon kagaling. Medyo nasasanay na lang din siguro at kahit papaano ay bumibilis na ang paggalaw ng kamay ko simula noong tinuruan ako ni Khalil at ngayong palagian na akong nag-eensayo.

“Sana nga, ‘Pa.”

“Proud na proud ‘yon sigurado kapag nalaman niyang iyong apo niya marunong din sa mga instruments na tulad niya,” he muttered. Kumurba ang gilid ng labi niya. “Naalala ko pa noon, laging ako ang pinipilit niyang matuto. Ang kaso, hindi talaga ako makapag-focus dahil iba talaga ang gusto kong tahakin.”

“You really want to pursue teaching, Papa?”

He nodded. “Oo. Inisip niya na lang siguro na wala sa aming mga anak niya ang para sa musika. Kaya nga tuwang tuwa siya bawat nanood ka sa kaniyang tumugtog. Kung sanang naabutan niyang ikaw ang magtutuloy sa inumpisahan niya, siguradong matutuwa iyon,” he murmured, more to himself. Blanko ang mata niyang nakatungo sa violin ko at nakangiti.

There’s a pang in my chest remembering my grandfather; wondering how would he react if he’s ever here; if he’s listening to me play. Silang dalawa ni Lola. Siguro ang laki ng mga ngiti nila. Siguro sinusuway nila ako dahil ang hirap kong matuto.

I knew how much music mattered to my grandparents. Lolo and Lola were both a member of an orchestra back in the days. Dahil doon kaya sila nagkakilala. Kasama nila ang Lolo ni Khalil na si Tatang Arturo. My Lolo Philip, despite finishing education, still pursue music and entered the orchestra based here in Dingalan.

Tiga-Baler talaga ang mga angkan ni Lolo. He came from a prominent and respected clan of Viray, his mother’s side. So, it wasn’t financially hard for him to engaged in his passion and career at the same time. Napadpad lang siya rito sa Dingalan nang mapasama sa orchestra. He eventually got fond of the place, and, according to my father’s story, decided to settle here and bought the land beside his close friend, Arturo. Dito na rin siya nag-umpisa ng pamilya.

“I hope you’re really for music, anak. Matutuwa ang Lolo at Lola mo kapag nalaman nilang mayroon silang apong pinagpatuloy ang musika tulad nila.”

I smiled. Binaba ko ang violin at hinarap ang Papa ko. “One day, ‘Pa. I will also perform in front like them.”

One day, I will. Kapag ayos na ang lahat at wala na akong ibang kailangang isipin pa. Gagawin ko iyon. I will play in the stage while proudly bringing my grandparent’s surname.

Like A Gentle Wind (Belles Âmes Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon