❬ 011 ❭

1.2K 58 62
                                        

011
Ariadne  


IGINIYA AKO NI Mama papasok sa kuwarto ni Papa sa ospital. “Dito ka muna sandali, ha? May bibilhin lang ako sa labas.”

Tumango ako at nagpaalam na kay Mama. I sighed and looked at my Papa peacefully sleeping for a while. Unti-unting napanatag ang loob ko ng makita ang mahinahong pagtaas baba ng tiyan niya.

Last night, I wasn’t able to sleep properly thinking of him. Sa bahay namin natulog sina Tita Nette at Khalil para mabantayan kami. Hindi matigil ang kaiiyak ko at ang pagtahan sa akin ni Khalil kahit pa sinabi nilang okay na si Papa.

Hindi ako mapanatag hangga’t hindi ko mismong makita ang kalagayaan niya. At ngayong nasigurado ko na, humuhupa na ang kanina pang kalabog sa dibdib ko.

I don’t know what will happen if anything got worse.

Dahan-dahan ko siyang nilapitan, sinisiguradong hindi ako makakagawa ng ingay para hindi siya magising. Wrong timing yata ang pagdala ko ng violin, ‘di bale, kung hindi man ngayon, hihintayin ko na lang siguro siyang makauwi. I don’t want to wake him up.

Paupo na sana ako katabing upuan nang gumalaw ang ulo ni Papa at dahan-dahang magmulat ang mata niya. “Solar?”

“‘Pa. . .” I mouthed. Kaagad ko siyang nilapitan at binitawan ang violin sa upuan para mayakap siya. “Ayos ka na po ba?”

Tumango siya at ngumiti sa akin. Nang humiwalay ako ay hinaplos niya ang buhok ko. “Ayos na ako, Sol. Malakas si Papa.”

I cleared my throat. “Sorry, Papa,” I apologized immidiately. Humiwalay ako ng tuluyan at tumayo ng tuwid.

Kumunot ang noo niya. “Bakit ka nagso-sorry?”

Bumaba ang tingin ko at hindi makatingin sa kaniya. The guilt of yesterday crawling back into my chest. “Kung pinigilan sana kita, hindi po mangyayari ito.”

The confusion in his face vanished into a thin smile. Kinuha niya ang kamay ko at pilit akong pinaharap sa kaniya. “Wala ka namang kasalanan, Solar. Ako ang makulit na umalis pa rin, wala ka ng kinalaman doon.”

“It would have been a perfect birthday for you, Papa. . .” I continued, ignoring his words, still thinking that it was my fault.

“Shh, stop it. Wala naman na tayong magagawa. Kasalanan ko, pati tuloy ikaw napilitang magsinungaling,” dagdag niya. The wrinkles on his forehead appeared as he smiled widely. Inabot niya ang pisngi ko at kinurot para ngumiti ang labi ko.

“Happy birthday, Papa,” I murmured.

“Salamat, anak.”

“I love you,” dagdag kong bulong bago ko siya hinalikan sa pisnge.

“Magkano ba ang gusto mo?” bigla niyang biro.

Lumayo ako at sinimangutan siya. “Papa naman e!”

Tumawa siya. Nadako ang tingin niya sa dala kong violin ni Lolo. “Bakit dala mo iyan?”

Bigla akong kinabahan nang maalala ang gagawin ko dapat ngayon. I nervously reached out for the violin. “Ah…”

“Marunong ka na bang gumamit?” rinig na rinig ko ang tuwa at pagkabigla sa boses niya ng iposisyon ko ang violin. Alam kong nahuhuli niya ako minsan na dinadala ang violin sa bahay nila Khalil pero madalas ay talagang nagtatago ako, o ‘di kaya iyong violin ni Khalil na ang ginagamit ko.

Tumango ako. My heart beated wildly again. It’s only Papa but I can’t seem to calm down. Wala ang music notes ko dahil ayaw ipadala sa akin ni Khalil kaya mas lalo akong hindi mapakali.

Like A Gentle Wind (Belles Âmes Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon