❬ 008 ❭
Zenda
                              "SOLY! NA-MISS KITA!" si Lara ang unang sumalubong sa akin ng yakap pagkapasok ko pa lang. 
                              I gave her a cheerful smile before hugging her back. Halos nakayuko na habang yakap ako dahil sa tangkad niya. "Kumusta? Hindi kita mapuntahan sa inyo kasi hindi ko alam kung saan iyon."
                              "Okay lang din naman," sagot ko habang naglalakad kami palapit sa table ng mga kasama namin. 
                              Nasa may plaza ako ngayon, naisipin kasi ng mga kaklase ko na lumabas kami bago man lang kami mag-college. Karendirya ito ng isa sa mga kaklase ko, dito yata sila madalas na kumakain kaya naisipan na lang dito na lang din mag-get together. Kung hindi ako nagkakamali, sarado sila ngayon kaya kami lang ang nandito. 
                              "Soly, hi! I miss you!" kaagad na kaway ni Genna, pinsan ni Lara, ng makita ako. 
                              I gave her a shy smile and the rest that also greeted me before taking a seat besides Lara. 
                              Marami na rin kami sa table kaya umingay na. It's already eleven noon. Kaunti na lang ang hinihintay namin bago mag-umpisang kumain. Tahimik lang ako, ngumingiti o 'di kaya ay mahinang tumatawa kapag kailangan. 
                              I'm not really good at socializing, moreso, fitting in a seat with this people that don't share the same interest as I. Puro boyfriend, lalaki, lovelife at kung ano-ano pa ang pinag-uusapan nila na hindi ko naman masabayan. 
                              Iniikot ko na lang ang mata ko sa kwarto. Nasanay na rin ako. Sanay na ako sa mga ganitong senaryo, mga sitwasyong nakikipagsiksikan lang ako at nakikisabay sa mga tawanan nila. 
                              Lara, who was one of my friend was sitting beside me. Pero masyado siyang nalulunod sa kwento kaya heto, parang anino na naman ako. 
                              Marami ang bintana sa karendirya— na parang pa-restaurant na rin ang dating sa akin— puti ang pintura at malinis, walang ibang gamit kung hindi ang mga plastic na lamesa at mga monoblock na upuan sa maliit na kwarto.
                              "Uy, nandito pala si Solar e!" biglang tawag sa akin. Napaharap ako sa kabilang table kung saan nanggaling ang boses. 
                              Nangingibabaw ang ganda ni Zenda sa buong lugar. She was wearing a black crop top that revealed her tummy and a black leather pants. Maputi siya kaya mas lalong bumagay at tumingkad ang kulay ng dilim sa katawan niya. 
                              Her straight, raven, neck-length hair swayed while she walked her way to my side. 
                              I smiled coyly after she grinned at me with her dark red lipsticks. 
                              Umiwas ako ng tingin at lumunok, binalik ko na lang ang tingin sa table kung nasaan ako. Tumahimik ang lahat nang papalapit siya sa akin kaya hindi ko maiwasang mailing, lalo na titig na titig sila sa amin. 
                              "Long time, no see! Sa upo mo, mukhang 'di ka pa rin tumatangkad, ah?" panunuya niya ng makalapit sa akin. 
                              Kinagat ko na lang ang labi at kunyaring tumawa habang nakatingin sa leather boots niyang itim din. 
                              "Ano, 'di ka pa rin nakapag-diet?" dagdag niya pa at tumawa. Sinabayan siya ng tawanan ng lahat dahil doon. 
                              Wala akong naisagot sa kaniya. Nakahalukipkip lang ako habang pinipigilan ang sariling magsalita dahil sa mga naririnig kong tawanan. 
                              "Ano, 'uy, kumusta? Wala na bang mas pipink pa iyang suot mo?" nang-iinis niya pang sabi habang tinitigan ang suot kong floral pastel pink na off shoulder at flowy pink skirt. 
                              "Okay lang. Ikaw, okay ka lang?" sagot ko na at tinitigan siya sa mata. 
                              Nahagilap ko ang mabilis na pagtaas ng isa niyang kilay nang magtama ang mata namin bago niya ako binigyan ng pekeng ngiti. "Oo naman. Bakit hindi ako okay, 'di ba? Nandito na iyong future nursing classmate ko kung sakali."
                                      
                                  
                                              BINABASA MO ANG
Like A Gentle Wind (Belles Âmes Series #1)
RomanceMoving into a new town, Solar Delacci thought that it would be the worst thing to happen in her life. Why would she want to live somewhere far from the city she was raised? But she'll endure it anyway, everything for her sick father. There she met...
