❬ 030 ❭

1.9K 64 46
                                        

030
Solace

THE DAY MY grandfather died, I thought that would be the last time that I would hear music; I thought that would be the last time that I would see the rising sun in a field.

When he died, the memory of the paradise gradually faded in my mind. A place that I could only visit in my dream; running around a lady’s statue in a flower packed garden under the sun circled by a halo, the crickets of the birds singing to us while I pinched the cheek of a boy with a soft smile.

Akala ko hindi ko na mapupuntahan pa ulit ang munting paraisong iyon. Never did I thought that someday, it would be our little haven.

“Ah, ito, mas maganda ang bulaklak. ‘Di ba gusto mo ang mga stargazer lilies?” tanong ni Khalil, busy sa pagpitas ng mga bulaklak.

Ang paglipas ng mga araw ay parang isang pikit mata lang. Unti-unti, ang mga problemang inakalang hindi malalagpasan, ang mga sugat na inakalang hindi kailanman maghihilom, lahat ay natapos at nawala rin. Our fields were able to recover from the chaos brought by the past storms. Their family became one again after all the years and wounds.

Parang ang tagal na panahon na ang lumipas simula noong unang araw na tumapak ako sa harding ito at nang nakita ko siyang hawak ang huling cello-ng ginamit ng lolo ko.

“Oo.”

Pagkasabi noon ay kaagad siyang pumitas ng dalawang bulalak ng stargazer lilies at nakangiting inilahad sa akin.

“Puwede na ba ‘tong pangregalo sa fourth monthsary?” naniningkit ang matang tanong niya.

Ngumuso ako at kinuha ang bulaklak sa kamay niya. “Puwede na. Maganda naman.”

Kinuha niya ulit ang bulaklak sa kamay ko, tapos ay inilagay niya ang bawat isa sa tainga ko. Then he fixed my hair.

“Ayan, mas maganda na,” aniya. His lips rose into a gentle smile as he observed my face.

I hissed and stopped myself from smiling. “Ang korni mo.”

Humalakhak lang siya. “Mas maganda naman talaga kapag suot mo.” Kinuha niya ang cellphone at iniangat sa mukha ko. Nagulat ako sa ginawa niya kaya hindi na ako nakaangal kaagad nang kuhanan niya ako ng litrato.

“H-Hoy! Sandali, ang panget ko ro’n!” saway ko at sinubukang kuhanin ang cellphone sa kaniya.

Tinaas niya ang kamay at inilayo ang cellphone sa akin, tumatawa. “Hindi! ‘Wag mo! Ang ganda kaya!”

But I knew with his dirty smirk that he’s lying. Ang pangit ko sa mga stolen!

“Ibigay mo na! Ang pangit ko sigurado riyan!”

Umiling lang siya ulit at itinago ang cellphone sa likod niya. There’s still a ghost of smile in his lips. “Hindi, promise, promise maganda ka— Sol!”

He burst out laughing after I tickled his side. Kaagad kong nakuha ang cellphone mula sa kaniya, at tama nga ako, ang pangit ko nga sa stolen na ‘yon!

Nang bumalik siya at makitang dinelete ko na ang picture ay napanguso siya. “Gusto ko lang naman ng picture mo…” he sulked like a kid.

I chuckled and gave him a look of disbelief. “Parang bata. Pwede mo naman kasing sabihin, para ready ako at naka-smile!”

Napalitan ng isang ngiti ang nakanguso niyang labi sa sinabi ko. He immediately grabbed the phone from my hand and directed it in front of my face.

“One, two…” I smiled sweetly on the camera. “Three.” The side of his lips raised into a smile. “Isa pa! Ang ganda, isa pa!”

I felt my cheeks heaten with his compliment. Hindi niya naman ako sinabihan na balak niya pala akong gawing model ngayon!

Like A Gentle Wind (Belles Âmes Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon