❬ 022 ❭
                              Seaside
                              THE SOUND OF the crashing waves gave life to my ears. Kaagad akong lumingat sa inuupuan at liningon ang labas mula sa bintana ng sasakyan. 
                              Napalingon si Khalil sa akin dahil sa ginawa ko. 
                              “Malapit na tayo!” excited kong sabi sa kaniya habang tinuturo ang dagat. 
                              After my boring summer break, the Santillano’s, my mama’s family side decided to have a mini-vacation for this Saturday. Habang hindi pa sumusumpong ang mga bagyo ay napagpasyahan nilang magpahinga muna kami sa beach resort na pag-aari ni Tita Ophelia rito sa may Baler. 
                              Mama also invited Khalil to go with us. Para naman daw maipakilala ko sa mga Tita ko. 
                              Ilang taon na noong huli akong nakapunta sa beach resort ni Tita Ophelia-ng ito. Noong bata ako ay madalas ang pagbakasyon namin dito. 
                              I somehow missed the smell of sea water and the sand against my toes. This was where I almost drown and learned to swim. 
                              Matapos ang ilang minuto ay hininto ni Papa ang sasakyan. Dali-dali akong lumabas at dinama ang ngayong malamig na na simoy ng hangin. 
                              Hinila ko si Khalil na buhat-buhat si Eliff palabas ng sasakyan para kaagad na kaming maka-diretso sa loob. 
                              “Saglit, Sol, iyong mga gamit,” aniya at pilit na kinukuha ang bag niyang nasa loob pa. 
                              Namumungay pa ang mata ni Eliff at mukhang wala pa sa sarili dahil kagigising pa lang. “Where are we, Kuya?” 
                              Nang makuha ni Khalil ang mga bag namin ay kaagad na akong nagpaalam kay Mama na mauuna na kami sa loob. 
                              The salty scent of the sea immediately greeted me as we reached inside. Hinahangin ang sleeveless na hanging blouse na suot ko dahil sa malalakas na hampas ng hangin. Ang tunog ng mga alon ay namamayani sa buong lugar. 
                              “Saglit, Sol!” tawag ni Khalil. 
                              Huminto ako at hinintay sila. Nang makapunta sa tabi ko ay ibinaba niya si Eliff. “Excited na excited kang maligo?” tumatawang aniya. 
                              I nodded. “Sobra!”
                              I’ve been dying to swim since my vacation started! Burong buro na ako sa bahay dahil iilan lang ang mga nakakausap ko. Whenever I’m bored then, my mind always wandered in the sea, drowning my thoughts with the beauty of the ocean. 
                              At sa wakas nandito na rin kami!
                              “Langoy na langoy na ako!” 
                              He chuckled and fixed his blown hair. “Halata nga.”
                              Ang suot niyang berdeng tee shirt ay bahagyang sumasabay sa sayaw ng hangin dahil sa laki nito para sa katawan niya. He’s sporting a plain mahjong shorts and sandals. 
                              “I want to swim!” bulalas ni Eliff na mukhang tuluyan ng nabuhayan. 
                              Matapos ang ilang minuto ay nakasunod na sa amin sina Mama at Papa. Dumiretso kami sa may cottage kung nasaan ang mga kapatid ni Mama. Walang katao-tao sa resort bukod sa amin na siguro’y pinasara ni Tita Ophelia para ngayong araw. 
                                      
                                  
                                              BINABASA MO ANG
Like A Gentle Wind (Belles Âmes Series #1)
RomanceMoving into a new town, Solar Delacci thought that it would be the worst thing to happen in her life. Why would she want to live somewhere far from the city she was raised? But she'll endure it anyway, everything for her sick father. There she met...
