❬ 009 ❭
Smart
MABILIS NA LUMIPAS ang mga araw. Katulad ng kinagawian ay madalas akong tinuturuan ni Khalil pagkatapos niyang pagtuunan ng pansin ang palayan nila. Papalapit na ang birthday ni Papa kaya mas lalo akong nagpursiging matutuhan ang piece na ipeperform ko sa birthday niya.
Araw ng Linggo, ilang araw bago ang birthday, nagsimba kami sa malapit na chapel. It was a hot May noon. Tirik na tirik ang araw kaya naman hindi matigil ang pagpunas ko sa noo. Mabuti na lang talaga at naisipan kong mag-dress dahil baka kung nagpantalon ako, kanina pa ako nagkukumahog na umuwi.
"Gusto mo rin ng tubig, Sol?" tanong ni Mama pagkatapos bayaran ang biniling tubig ni Papa sa tindahan sa tapat ng simbahan.
Umiling lang ako at pinanood ang paglabas ng mga tao sa maliit na simbahan. Tapos na kasi ang misa at mag-aalas onse na rin kaya huminto muna kami para hindi masiksik sa mga tao.
The one-storey chapel stood peacefully in the fields of Dingalan. Asul ang langit at payapa lugar. Sinasabayan ng ingay ng mga taong papalabas ng simbahan ang mahihinang huni ng mga ibon. Beside the chapel was the basketball court where most events happen.
Doon dumako ang tingin ko. Dahil katapat lang ito kung nasaan kami ngayon, rinig ko ang pagtama ng bola sa lupa at ang takbuhan ng mga nandoon. Napasilip ako sa loob atsaka nahagip ng mata ko ang pamilyar na pigura ng isang lalaking tumatakbo hawak ang bola.
"Khalil?" wala sa sariling nasabi ko. Tinitigan ko ng mabuti at siniguro kung siya ba talaga iyon.
He was wearing a black jersey. Magulo ang buhok at pawisan. Nasa kaliwa't kanan ang mga bleachers kaya kitang kita ko ang mga nasa loob.
And I'm sure it was him!
Dini-dribble niya ang bola papunta sa direksyon namin kung nasaan ang ring. He looked tired and hyped and challenged at the same time. He was running fast, dribbling the ball like he was expert doing it. May kakaibang ngisi sa labi niya habang tumatakbo.
At first glance, his angelic face doesn't seem to fit in this place. Bahagya pa akong napaawang, hindi kasi ako makapaniwalang pinapanood ko siyang mag-basketball ngayon!
I didn't expect that! Parang ang layo sa kaniya na maging sporty.
Tatawagin ko sana siya, ang kaso ay isho-shoot niya na ang bola kaya pinanood ko na muna siya para hindi siya ma-distract.
"Solar? Tara na?" tawag ni Papa.
Hindi ko siya nalingon kaagad. "Si Khalil po ba 'yon?"
He glanced where I was pointing. 'Tsaka siya tumango.
"Si Kuya Khalil, Ate?" tanong naman ni Eliff.
Mabilis niyang shinoot ang bola. Kasabay noon ay ang hiyawan ng mga kalaro niya. Lumapit sila at nakipag-apir sa kaniya. He was in the process of giving everyone a high five when his eyes darted at me.
Huminto siya. Naningkit ang mata at napatingin sa akin. Parang naguguluhan pa siya at hindi makapaniwalang ako nga 'to.
Ngumiti ako at kinawayan siya.
Doon pa lang siya gumalaw at napangiti pabalik. Pati ang mga kalaro niya, napatingin din sa amin dahil sa paghinto niya. Tapos nang maka-recover siya ay nag-umpisa ulit humiyaw ang mga kasama niya at pinagtutulak siya na parang iniinis.
"Si Khalil nga," Papa confirmed. "Noong bata ako, riyan din kami madalas na naglalaro. Buti naman may pumalit sa amin."
Napasama na lang kami kay Papa ng mauna pa siyang lumipat sa amin para pumunta sa covered court. Kaagad na nahinto ang mga kasama ni Khalil at binati sina Mama at Papa.
BINABASA MO ANG
Like A Gentle Wind (Belles Âmes Series #1)
RomanceMoving into a new town, Solar Delacci thought that it would be the worst thing to happen in her life. Why would she want to live somewhere far from the city she was raised? But she'll endure it anyway, everything for her sick father. There she met...
