❬ 004 ❭
Lady's Statue
HINDI KO ALAM kung bakit ang aga na ng gising ko simula ng mapunta kami rito. It's only six in the morning but I'm already outside, watching farmers on the field.
Hinigop ko ang hawak na baso ng kape habang tinitingnan ang paligid, pagkatapos ay ibinaba muli sa kaharap na coffee table. Naka-upo ako sa maliit naming teresa. Sa tabi ko ay ang mga maliliit na ornamental plants na nakapaso at tanim pa ni Mama sa dati naming bahay at dinala rito. Sa taas ay nakasabit sa baging ang mga Buhok ni Ester.
It was a misty morning with my cup of coffee that made me felt so relax.
Ang tahimik pa kapag ganitong oras. Mga tilaok lang ng manok at huni ng ibon lang ang naririnig kong ingay. Dati kasi, kapag nagising ako ng alas diez, busina na ng mga sasakyan ang naririnig ko dahil nasa tabi ng highway ang bahay namin.
Dito, iba. Payapa.
Ako pa lang yata ang gising sa amin. They're probably tired and sleepy after watching a movie yesterday.
If we didn't come here, this house was probably abandoned by now. Kahit pa successful na sina papa at tatlo niyang kapatid, hindi pa rin umalis sina Lolo rito. They said they don't want to leave the place.
Ngayon, alam ko na kung bakit. For me, this was really better than the city.
Nang mamatay si Lolo ay pinasaka na lang ni Papa ito tutal ay wala namang ibang pwedeng magsaka. Ayaw niya ring ibenta dahil iyon ang huling hiling ni Lolo sa kanila.
I decided to take a walk while drinking my coffee. Pumunta ako sa bandang likod ng bahay namin kung saan hindi ko pa napupuntahan.
There were houses in our back made of wood and nipa, then at their back were houses again then a field. Dito yata nakatira iyong mga nagsasaka sa lupa ni Lolo, o kaya iyong kina Khalil at sa iba pang may-ari ng lupa sa malapit. Sa pagkakaalam ko ay pinapasaka rin nila ang kanila. Itong sa likod, hindi na sa amin.
Hindi ko na nilakad hanggang sa kabilang field at lumiko na ako sa may likod ng kina Khalil. Ang laki rin pala ng bahay nila.
They have a backyard, wow. Ngayon ko lang nakita ito. Nakatakip ang malalaking fences kaya hindi ko makita ang sa loob. There's a gate in the end so I went inside to greet him.
"Khalil!" I called out waving at him. Nagulat siya at napababa pa sa hawak na tabo pangdilig ng mga halaman. Ngayon ko lang siya naabutang nasa bahay nila!
"Sol, ang aga mong nakagising?" tanong niya at nilapitan ako. "Pasok ka."
"Lagi naman, simula no'ng pumunta kami—" Napatigil ako nang makapasok. The lady's statue in the middle of their wide garden caught my attention. My eyes squinted, observing it while remembering why it looks so familiar.
"Sa inyo 'tong garden, 'di ba?" tanong ko, hindi pa rin maalis ang mata sa statue. Nilapitan ko na iyon para mas lalong matingnan. The statue was made of stone; I can't see any moss on it's side. Ang disenyo ng estatwa ay isang nakayukong babae, may inaabot sa bandang paanan nito.
This was. . . where did I saw it again?
Sigurado akong nakita ko na 'to noon.
"Oo, sa Lolo ko pa, bakit?"
I roamed my eyes on the place while taking deep breaths. Sa baba ng statue ay mga puting bulaklak ng plumara. At the far end were a bunch of blooming pink and white brunfelsia paciflora flowers. The rest were pink stargazer lilies and orchids. Alam ko ang mga pangalan dahil may tanim si mama ng mga ito sa dati naming bahay at isa-isa niya pang sinasabi sa amin ang mga pangalan.
BINABASA MO ANG
Like A Gentle Wind (Belles Âmes Series #1)
RomanceMoving into a new town, Solar Delacci thought that it would be the worst thing to happen in her life. Why would she want to live somewhere far from the city she was raised? But she'll endure it anyway, everything for her sick father. There she met...
