❬ 015 ❭
Suitor
PASIKAT PA LANG ang araw kinabukasan, nakatanaw na ako sa may palayan mula sa teresa namin habang nakasimsim sa kagagawa ko lang na kape. Mangilan-ngilang tilaok ng manok ang naririnig ko sa 'di kalayuan. Nag-aagaw pa ang kulay ng dilim at liwanag sa labas.In the silence of the morning, conversations with Khalil from last night peak my mind. Alas otso ng mapagdesisyon ko ng i-goodluck siya para sa exam niya ngayong araw. Hindi ko pa nga alam kung paano siya i-memessage sa lahat ng nasabi ko nang huli kaming nagkita!
In between us two, ako pa talaga ang nagtanong kung bakit hindi siya manliligaw pagkatapos sabihing gusto niya ako! Was it that obvious that I like him?
Dapat hindi ganoon ang sinabi ko! Dapat ay nagpakipot muna ako kahit pa gusto ko rin naman siya. I shouldn't sound like I was begging for him to court me!
Ako:
Goodluck bukas! galingan mo, ha? maipapasa mo iyan.
In which he immediately replied,
Khalil:
Salamat! Sigurado iyon, gaganahan na ako nito hahaha
I refrained replying to him after that message. Inisip ko na lang na baka kapag nag-reply pa ako ay hindi kami matapos at mapuyat pa siya.
Though before I could even sleep properly that night, his confession kept on replaying on my mind. Napapangiti ako ng wala sa oras at para bang nagpipigil pa ng tili, tapos kapag maalala ko iyong pinagsasabi ko bago ko siya nilayasan, napapatakip na lang ako ng mukha sa kahihiyan.
Speaking of him, nakaalis na kaya siya- oh, right, heto't naglalakad na siya palabas ng bahay nila. Ngayon pa lang siya paalis? Mag-aalas sinco na, ha.
I might as well give him a goodluck, right?
Tumayo ako at binitawan ang hawak na tasa ng kape sa lamesa. I quietly walked out. Nang saktong lumagpas siya ng gate namin ay doon ko siya tinawag, "Khalil."
Dala ang itim na crossed body bag ay kaagad siyang napalingon sa akin. Sumilay ang isang ngiti sa kaninang seryoso niyang mukha. He looked so tall and manly wearing his formal mustard yellow polo and slacks. Maayos na naka-side part ang buhok niya at mukhang ginel pa.
Ang gwapo at ang fresh niyang tignan sa porma.
"Good luck." I smiled even wider.
I opened my arms for a hug. Kaagad naman siyang lumapit at mahigpit akong yinakap. Kaagad na sinakop ng ilong ko ang pamilyar na amoy ng kaniyang pabango.
I patted his back during the hug, repeating my goodluck near his ear.
Nang kumalas ay kaagad siyang ngumiti ng malawak, kita ang mga puti niyang ngipin. "Salamat, Sol."
"Ayusin mo, ha? Magtiwala ka lang na makakapasa ka. Pray before you start."
Tumango siya. Nanatili ang malamlam na titig sa akin habang may maliit na ngiti sa labi.
Hindi ko alam kung bakit hindi rin natanggal ang titig ko sa kaniya. For a few seconds, we were just like that, staring at each other.
Then he sighed, finally breaking the stare. He held the strap of his bag and chewed on his lips.
"Kapag bumalik na ako, aayusin ko na talaga ang panliligaw sa 'yo."
I felt my face immediately heated with his words. Napa-ismid ako ng wala sa oras at kaagad na lumingon sa ibang bagay. I tried hard to diminish the smile on my lips.
BINABASA MO ANG
Like A Gentle Wind (Belles Âmes Series #1)
RomanceMoving into a new town, Solar Delacci thought that it would be the worst thing to happen in her life. Why would she want to live somewhere far from the city she was raised? But she'll endure it anyway, everything for her sick father. There she met...