❬ 003 ❭
Dreams
MADALAS NA KAMING nagkaka-usap ni Khalil pagkatapos noon. I finally found the reason to get out of the house and bring down my phone because I have someone to talk to. He's always the first one to approached me. Kapag lumalabas na ako, kahit pa nasa palayan siya ay kakawayan ako at pupuntahan para makipag-kuwentuhan.
"Sol!" tawag ni Khalil sa akin sabay kaway galing sa palayan.
Ngumiti ako at kumaway din pabalik.
Alas kuwatro na ng hapon, kagigising ko lang pagkatapos kong matulog ng tanghali. Nasa may tabi ako ng manga, magpapahangin sana.
Khalil jogged to my place from the field.
"Tapos ka na?" tanong ko pagkalapit niya.
He shook his head. "Hindi pa. Pero magpapahinga muna ako, nandiyan ka na e."
"Sus, tinatamad ka lang niyan," kantyaw ko at tumawa.
He chuckled and sat on the chair beside me. "'Wag kang maingay, baka malaman nila," sakay niya.
Natawa na lang ako. Kung mag-usap kami, parang hindi tatlong araw pa lang kami nagkita.
"Hindi ka ba napapagalitan kapag basta-basta ka na lang umaalis?" kuryoso kong sabi. Ngayon ko pa lang na-realize na puwede nga siyang mapagalitan kapag nahuli siya.
Natawa siya sa tanong ko. "Sinong magagalit sa 'kin e sa 'min 'to?"
"Sa inyo 'to?" Nanglaki ang mata ko at tinuro ang palayang katabi ng sa amin.
He nodded. "Oo, ngayon mo lang nalaman?"
Oh my god. Ibig sabihin, pupwedeng related sa kaniya iyong matalik na kaibigan ni Lolo na nagma-may-ari nitong lupa? "Edi, kaano-ano ka ng kaibigan ni Lolo?"
"Lolo ko si Tatang Arturo, na kaibigan ni Lolo Philip mo," nakangiti niyang sagot.
Umawang ang labi ko at hindi nakapaniwala kaagad sa sinabi niya. Ngayon ko lang nalaman! Ang akala ko talaga ay magsasaka siya sa kabilang palayan, iyon pala, pag-mamay-ari nila!
Natawa siya sa ekspresyon ko. "Akala ko naman alam mo."
"Hindi! Kaya pala bossing ka sa mga magsasaka ninyo!"
Kaagad siyang umiling at dumipensa, bahagyang nanglaki ang mata. "'Uy, hindi!"
"Mukha ka kasing magsasaka, heridero ka pala ng palayan!" sabi ko ng makabawi at natawa sa sariling katangahan.
He just laughed at my remark.
I was lying, though. Wala talaga sa itsura niya ang pagiging magsasaka. Hindi man siya maputi, makikita naman sa kinis at amo ng mukha niya na hindi lang siya magsasaka. Malinis din siya sa katawan. Kaya pala halos pahinga lang ang ginagawa niya kapag nandito ako, hindi naman pala niya trabaho talaga iyon.
"Hindi ka pa rin talaga nagbago, 'no?" aniya at ngumisi.
"Hmm?"
He nodded. "Ganiyang ganiyan ka noon e. Kahit pa hanggang dito lang kita." Tinaas niya ang kamay hanggang sa bewang niya lang. "Hanggang ngayon gan'to ka pa rin-"
I glared at him before he could even complete his words, making him laugh even more.
"Joke lang, joke lang."
"Porke't ba matangkad ka, ha, Khalil?"
"Joke lang." He showed a peace sign. "Tumangkad ka na rin naman. . . ng kaunti."
BINABASA MO ANG
Like A Gentle Wind (Belles Âmes Series #1)
RomanceMoving into a new town, Solar Delacci thought that it would be the worst thing to happen in her life. Why would she want to live somewhere far from the city she was raised? But she'll endure it anyway, everything for her sick father. There she met...
