❬ 007 ❭

1.3K 72 63
                                    

007
Turntable

I COULDN'T GO out.

Ang usapan namin ni Khalil ay alas tres pupunta ako sa kanila para maturuan niya na ako. Ang kaso, 2:30 na pero gising na gising pa rin ang makulit kong kapatid at nakikipaglaro pa kay Papa ng jackstone.

Baka mahuli niya ako kapag nakitang linabas ko ang violin. Bakit ba kasi hindi pa sila matulog?

"Ayaw mong sumali, Sol?" tanong ni Papa. Naka-crossed feet silang naglalaro sa may sala habang nasa sofa ako at inip silang hinihintay na matulog.

"Kayo na lang, 'Pa."

"Matatalo ko kasi si Ate, Papa, kaya ayaw niya," singit ni Eliff.

Pinagtaasan ko naman siya ng kilay na pinalitan niya ng belat.

"Hindi pa kayo inaantok?"

"You're going out, Ate?" biglang tanong ng kapatid ko habang hinahagis ang jackstone sa ere.

Medyo nanlaki ang mata ko dahil sa gulat. I immediately shook my head and looked awa. "H-Hindi. Saan naman ako pupunta?"

"Lagi mong kasama si Kuya Khalil kaya, Ate. Crush mo rin siya?"

I uncomfortably shifted on my seat. Papa's head swiftly turned to me. Mabilis akong umiling at pinandilatan siya.

"No! I-Ikaw nga 'yong may crush sa kaniya e!"

Ngumuso si Eliff pagkatapos ay nagkibit ng balikat. "Papa, ikaw na," she dismissed, bringing back her attention to the game.

Nakahinga ako ng malalim dahil doon. Si Eliff yata ang katapusan ko, sobrang daldal!

"Saan mo gustong mag-aral ng high school, Eliff?" tanong ni Papa.

"Santa Fe Academy po? Sabi nila may swimming team daw!" masiglang tugon ni Eliff.

Papa chuckled and passed the stone to Eliff. "Gustong gusto mo talaga ang swimming, ha?"

Mabilis na tumango si Eliff. "Gusto ko pong maglaban sa swimming someday!"

Since she learnt how to swim, going into a swimming competition was her sole dream. My sister was not the academic-studious student. Even though she's in the middle school, I could say that she much preffer sports and physical stuffs rather than studying.

"Tatanungin ko muna si Mama tungkol doon."

"Okay po!"

"Papa, iyong tatay ba ni Khalil iyong kakuwentuhan mo kahapon?" I asked after remembering that he was talking to someone in front of Khalil's house yesterday evening.

"Oo. Si Tito Rafael mo 'yon. 'Di ko gaanong natye-tyempuhan kasi minsan oras ng nakakauwi kaya matagal kaming nagkakausap kahapon," he said.

Tumango lang ako. Pinakilala kasi ako ni Papa kahapon sa kaniya habang nagkukwentuhan sila. Mabait pero mukhang nakakatakot dahil malalim ang boses niya. He have the same built as Khalil.

"Matagal na kayong magkaibigan, Pa?"

"Oo. Magkaibigan ang mga Tatay namin, 'di ba? Madalas din kaming nagsasama noon."

I nodded and let them play instead.

Around 3:30 when they rest. Na dis oras tuloy ako sa pagpunta kina Khalil. Pagkarating ko sa garden nila, nakahanda na iyong lamesa at dalawang upuan malapit sa statue.

"Khal?" tawag ko.

Sakto ay naabutan ko siya sa may garden. May naka-set up na lamesa at dalawang upuan sa tabi ng statue.

Like A Gentle Wind (Belles Âmes Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon