❬ 018 ❭

913 47 28
                                        

018
Bisig

DAHIL NAKAPASA, MABILIS na nakahanap ng trabaho si Khalil. Sa may bayan na siya ngayon nagtatrabaho kaya madalas ay nagkikita na lang kami kapag umuuwi na siya.

I was happy for him, still. Ayos lang kahit hindi kami gaanong nagkikita at naiintindihan ko naman. Kapag wala siyang pasok, bumabawi naman siya.

“Solar, wala pa ang mama mo?” tanong ni Papa, mukhang hindi ang pakiramdam at kanina pa siya nakakulong sa kuwarto.

Binitawan ko ang hawak na harp at hinarap siya. “Wala pa po, Pa.”

“Alas sais na, nabili niya kaya ang mga gamut na pinapabili ko?”

“Mag-oovertime po yata siya, ‘Pa.”

He sighed deeply. “Kailangan ko ng mainom ang mga gamot…”

“Are you okay, Papa?” tanong ni Eliff na nagco-color sa may lamesa.

Nginitian siya ni Papa at tinanguan kahit mukhang hindi naman siya ayos.

I bit my lip, really convinced that he’s having a hard time and needs his medicine. Tiningnan ko ang oras at nakitang mag-aalas sinco pa lang naman. Maliwanag pa naman sa labas at hindi umuulan, puwedeng ako na lang siguro ang bumili.

“Ano po ba, ‘Pa? Ako na lang po ang bibili.”

Mukhang nagulat siya pero hindi na umalma pa. “Sigurado ka? Kaya mo?”

I nodded and smiled. Ibinigay niya ang mga dapat bilhin. Hinabilin ko si Papa kay Eliff at kaagad nang umalis para makabalik din ako kaagad.

On my way, I called my mom and told her that I she won’t need to buy the medicine anymore. Ang sabi niya pa nga ay baka alas otso na siya makauwi dahil sa inaasakisong kaso.

Kaagad kong nabili ang mga pinapabili, medyo natagalan nga lang dahil mahaba-haba ang pila at mahirap humanap ng mga gamut niya. Sa may pinakadulo pa yata akong butika nakabili. Nang makalabas ako ay mag-aalas sais at madilim na.

I couldn’t help but get scared a little while walking my way on the dark alley. Kailangan pang dumaan dito bago makalabas sa may highway.

Ako lang mag-isa, madilim at malayo-layo pa ang kailangang lakarin. Ilang beses akong lumunok para lang alisin ang takot sa isip ko. I wasn’t used walking in dark alley like this.

Binilisan ko ang lakad ng pagtalikod ay may nakita akong lalaking naka-itim na hoodie sa likod ko. I feigned a cough and sped up. I’m not trying to be judgmental but the guy’s giving me some creepy vibes.

Calm down, Sol. He’s just walking. Iisa lang ang daanan niyo palabas kaya malamang na dito rin siya dumaan… malamang nakasunod sa iyo at nasa likod mo lang dahil makitid ang daan.

But I wasn’t really good convincing myself. Habang naglalakad ay nilabas ko ang cellphone at mabilis na nag-compose ng message kay Khalil, nagbabaka sakaling hindi pa siya nakauwi at puwede niya akong hintayin o sunduin. Hindi ko magawang i-text si mama dahil kung sakali man ay malayo-layo ang pinagtatrabauhan niya rito kumpara kay Khalil. Mas lalong hindi pupwede si Papa.

Sakto ko pa lang na-send ang message nang mapasinghap ako nang biglang nasa harap ko na ang lalaking kanina lang ay nasa likod ko. His large hoodie was covering half of his face. Ang kita ko lang ay ang mga labi niya.

Like A Gentle Wind (Belles Âmes Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon