❬ 024 ❭
Abel
“ANG DAMING NASIRANG pananim natin dahil sa bagyo,” dinig kong hinaing ni Papa galing sa labas.Magkatabi silang nakaupo ni Mama sa may teresa, nakatanaw sa palayan at nagpapahinga habang walang pasok. Tumigil ako mula sa paglabas dapat at hindi maiwasang makinig sa usapan nila.
“Right. Can we even save the crops and sell it for this season?”
“Hindi ako sigurado. Kung mahihinto na ang ulan.” I heard him sighed. “Mas naawa ako kina Rafael, mas marami ang nasira sa kanila.”
Napakagat ako sa labi sa mga narinig. Nasira ang halos mga pananim namin dahil sa lakas ng bagyong dumating, lalo ang kina Khalil. Siguradong mas mahirap ‘to para sa kanila dahil may sakit pa ang nanay niya.
Tuluyan na akong lumabas at nagpaalam kina Mama. May mga kailangan akong bilhin para sa mga requirements namin ngayon sa bayan. Kasama ko si Khalil na ngayon din mamimili ng gamot ng Mama niya.
“Bumalik ka kaagad ha? Nagdala ka ba ng payong?” tanong ni Papa.
I nodded my head and showed them my umbrella. “Mabilis lang po ako, ‘Pa. Uuwi rin po kaagad.”
“Okay, take care.”
I waved before finally leaving the house. Napahinto ako nang makalabas sa gate at lingunin ang paligid. The chaos that the previous storm brought was very much visible. Hanggang ngayon, madilim pa rin ang kalangitan at parang may nagbabadyang ulan kahit pa alas diez na. Lubog ang mga palayan namin sa dami ng ulang dala ng bagya at nabuwal pa ang ibang puno sa malapit dahil sa lakas ng hangin.
The once magnificient view of the natue in front looked like a gloomy mess now.
Kinagat ko ang labi at hindi maiwasang mag-aalala sa mga maidudulot nito. Lalo na para sa mga magsasaka.
Dumiretso ako sa likod nila Khalil para makaalis na kami kaagad. I was right that he was there, however he was talking with someone.
Nang makita niya ako ay tinanguan niya lang kaya tahimik akong lumapit sa kaniya habang seryoso siyang kausap ang isa sa mga magsasaka siguro nila.
The man looked like he was in his fifties already. Matangkad, maitim at halos butot balat na sa payat. Ang suot niyang puting tee shirt ay sira-sira na at marumi tulad ng kaniyang pang-ibaba.
I couldn’t help but feel pity seeing the sorrow in his face. Lukot ang mukha at mamasa masa ang mga matang nakatitig kay Khalil, puno ng pagmamakaawa. “Parang awa niyo na po, sir. Kahit magkano lang po sana. Hindi ko na po alam kung ano pa ang ipapakain ko kay Roy,” his voice sounded so weak and pitiful.
He’s Roy’s father? My heart broke with his miserable plead. Mangingiyak na siya nang hawakan ang kamay ni Khalil at yumuko.
“Parang awa niyo na po, sir. Hindi ko po kayang mamatay sa gutom ang anak ko,” nabasag ang boses niya.
Napalunok ako at hindi makapagsalita sa nakikita. Sa boses at sa inaakto niya, hindi ko maisip kung gaanong hirap ang pinagdaraanan nila araw-araw para lang makakain. Kaya pala sabi ni Roy sa akin noon ay tinutulungan niyang magtinda ang Tatay niya. I didn’t know such misfortune lies upon them.
Kung titingnan ay dapat hindi na siya nagtatrabaho sa pangangatawan niya. He looked like someone who needs nurturing. Hindi siya dapat nagtatrabaho at nagmamakaawa nang ganito kay Khalil para lang lagyan ng laman ang kanilang mga kumakalam na tiyan.
Nilingon ko si Khalil at nakita ang mga mata niyang puno ng pag-aalala at awa. His gentle eyes were full of compassion as he glanced at the old man.
BINABASA MO ANG
Like A Gentle Wind (Belles Âmes Series #1)
RomanceMoving into a new town, Solar Delacci thought that it would be the worst thing to happen in her life. Why would she want to live somewhere far from the city she was raised? But she'll endure it anyway, everything for her sick father. There she met...