❬ 017 ❭
                              Pag-asa
                              
MALAKAS ANG HAMPAS ng hangin pagkabukas ko ng bintana ng sasakyan. Bahagya kong nilabas ang ulo sa bintana, dahilan para sumayaw ang buhok ko sa hangin. 
                              We were alone on the road so I wasn’t scared to do it. Hindi ko alam na nakaka-miss rin palang umuwi. The green fields and some really old trees on the right side of the road was really familiar. On the far left side, the crystal blue sea was in sight. Pababa ang daan kaya mas lalo kaming napapalapit sa malawak na dagat. 
                              Kahit pa mag-aalas nueva na ng umaga ay mukhang madilim pa rin dahil sa makulimlim na ulap na nakatabon sa kalangitan. It was a gloomy and rainy June morning. Kaunti na lang ang mga natitirang araw, malapit na ulit ang pasukan. 
                              My Papa decided to go back to our old house and sleep there for the night. Sabi niya ay sayang naman daw kung tuluyan naming abondanahin. It was better if we would stay at least occasionally. Isa pa ay malapit na ang fiesta roon at siguradong hindi naman makapupunta ang mga tita ko kaya inimbitahan niya na para sa bahay na lang namin na iyon pumunta. 
                              I caught the sight of the park near the police station. It was located on the middle of the road, serving as a relaxation place for the tourist. Sa harap niyon ay nakalagay ang salitang Dalingan sa kulay asul na pintura kung saan nagpapa-picture ang iba.
                              Sa kanan ay naroon ang mga nagtitinda ng souvenirs. It brought back many childhood memories in my mind. 
                              Nakaka-miss din pala. April nang umalis kami rito, magtatlong buwan na ang nakalipas bago ako nakabalik ulit dito pero parang ang tagal na panahon na noon sa dami ng mga nangyari. 
                              So many things have changed in the span of three months. I never knew I would be able to meet a lot of incredible and loving people with our stay there. 
                              Huminto ang sasakyan sa harap ng bahay namin, malapit lang sa park na dinaanan namin kanina. 
                              “We’re finally back!” Mama said, staring at our huge house. “I missed my plants.”
                              I chuckled. “Buhay pa kaya, ‘Ma?”
                              “Aba kailangan buhay pa!”
                              Garden was her favorite place. Kapag na-ii-stress siya sa mga kaso, roon siya pumupunta para makapagpahinga. 
                              Nauna ng bumaba sina Mama, pinapayungan niya si Papa habang kinukuha nila ang mga gamit sa likod. Ginising ko muna ang kapatid kong natutulog sa may lap ko bago kami lumabas na rin dala ang payong at ibang gamit.
                              Sa glass wall at puti at gray na pintura ng bahay namin, hindi nalalayo ang modernong disenyo nito sa ibang bahay. On the frontyard beside the entrance was the garden of my mother. Sa may gilid ang mga bulaklak, habang nakalandscape sa gitna ang mga paborito niyang succulent plants. 
                              We entered and I immediately went to my room. Pagkatapos bitawan ang mga gamit ay nahiga kaagad ako at hindi namamalayang nakatulog na pala ako. Nagising lang ako ng kumain na kami ng lunch, pagkatapos noon ay nanatili kami sa may salas para mag-movie marathon. 
                              Nang matapos ay natulog sina Mama para makapagpahinga bago maghanda sa pagdating ng mga kapatid niya.
                              I spent my time playing the harp while they were sleeping. Namayani ang matinis at mahinang tunog ng harp nang hapong iyon. My eyes were closed as I played the familiar tune of My Heart Will Go On in the harp. 
                              Kahit nasaan talaga ako, kapag tumutugtog na ako gamit ito, kumakalma ang pakiramdam ko. The sound was so satisfying it can take all my anxieties away. Pakiramdam ko ay sumasabay ang tibok ng puso ko sa bawat pagkalabit sa mga strings.
                                      
                                  
                                              BINABASA MO ANG
Like A Gentle Wind (Belles Âmes Series #1)
RomanceMoving into a new town, Solar Delacci thought that it would be the worst thing to happen in her life. Why would she want to live somewhere far from the city she was raised? But she'll endure it anyway, everything for her sick father. There she met...
