❬ 027 ❭
Misery
                              
                              "MAMA, PLEASE. THEY really need your help." I held my mother's hand and gave her a pleading look. Nasa may salas kami at katatapos ko lang patahanin si Khalil nang lapitan ko si Mama. My sister was still in the dining, eating, while Papa was silently listening to us. 
                              Lumunok siya at umiling. "Sol, mahirap silang kalabanin."
                              "Mama naman, you're an attorney. 'Di ba sabi mo gagawin mo ang lahat para tulungan ang mga inosente. Tito Rafael is innocent!"
                              Pumikit siya at umiling ulit. The softness and distress in her face was quickly replaced into a stern one. Pirmi niyang hinawakan ang kamay ko. "I can't do that. Naiintindihan mo ba ako?"
                              This is not like her! I'm sure there's something more. Imposibleng hindi kuhanin ni Mama sa ganoon lang rason dahil una pa lang ay delikado na ang trabahong pinasok niya. And she's the bravest woman that I knew- she doesn't fear or get intimidated by anyone!
                              "Bakit po? Bakit hindi puwede?"
                              Her shoulder fell. Tinuptop niya ang labi at sandaling binalingan ng tingin si Papa. "Malaki ang utang na loob ng pamilya namin sa mga Alejandro. I won't be an attorney without their help. Do you understand why I can't do it, Solar?" Ibinalik niya ang tingin sa akin, mas pirmi at mariin.
                               Nalukot lalo ang mukha ko sa narinig. Naiintindihan ko. Pero... hindi ko kayang pabayaan na lang ng ganoon si Tito Rafael at mas lalong makita sa ganoong estado si Khalil lalo pa at alam kong may magagawa naman kami. 
                              Afterall, I knew we were defending the innocent one. Wala man ako roon, pero ramdam kong hinding hindi magagawa ni Tito Rafael iyon. 
                              "Hahayaan na lang po ba natin si Tito kung ganoon? Inosente po siya. Naniniwala po akong inosente siya, Mama."
                              "How can you be sure that he's innocent, then, Solar? Were you in the crime scene? Paano kung hindi?"
                              Nalaglag ang panga ko sa mga sinabi ni Mama. Oo wala ako pero... pero hindi naman siguro magagawa ni Tito iyon, hindi ba? Hindi naman pupunta't magmamakaawa si Khalil dito kung hindi siya inosente hindi ba?
                              "Claire," tawag ni Papa sa isang awtorisadong boses. 
                              Sinipat lang siya ni Mama tapos ay ibinalik ang tingin sa akin. "What if he did it? Nahihirapan sila sa pera ngayon, 'di ba? Paano kung-"
                              "Mary Claire," tawag ulit ni Papa sa kaniya at tumayo na. "Hindi magagawa ni Rafael iyon."
                              Mariing pumikit si Mama. "I'm just saying this as an Attorney. Hindi tayo sigurado. I'm just saying the possibilities."
                              Nanglumo ako sa mga sinabi ni Mama. Sa boses niya ay parang pirmi na ang utak niya na hindi matutulungan si Khalil. I don't know how can she suddenly think that way? Hindi kami laging nagkakasama ni Tito pero hindi ko maisip na magagawa niya nga ang kung ano mang inaakusa sa kaniya. 
                              "Paano kung hindi, Claire?" si Papa na ang sumagot. Kalmado pero sigurado ang kaniyang boses. "Paano kung inosente siya?"
                              Natahimik si Mama. She chewed on her lips. Nilipat niya ang ulo sa akin at matalim akong tinitigan. "If this mess ups... hindi ko na lang alam. Tara."
                              Halos mapatalon ako sa sinabi ni Mama. Iritado ang itsura niya pero kaagad ko siyang yinakap para pasalamatan. 
                              "Thank you, Mama," I told her but she didn't say a word. 
                              I glanced at my Papa and mouthed my thank you with a smile. Sabay kaming pumunta ni Mama sa bahay nila Khalil. 
                              Bukas ang gate at pintuan nila kaya dumiretso na kami. Naabutan namin si Khalil na aligaga sa pagkuha ng mga gamit, habang si Tita Nette ay malayo ang tinging nakaupo sa may salas. 
                                      
                                  
                                              BINABASA MO ANG
Like A Gentle Wind (Belles Âmes Series #1)
RomanceMoving into a new town, Solar Delacci thought that it would be the worst thing to happen in her life. Why would she want to live somewhere far from the city she was raised? But she'll endure it anyway, everything for her sick father. There she met...
