"Rye." Nilingon ko yung taong tumawag sa pangalan ko. He is my boyfriend. My beloved boyfriend. Hindi nga makapaniwala yung mga kaibigan namin na kami ang magkakatuluyan. Magkaibigan na kami ni Tucker simulang mga bata pa lang kami. Best friend ang mga magulang namin. "Sorry kung ngayon lang ako." Sabi niya sabay kamot sa ulo.
"Ayos lang. Hindi naman ako naghintay ng matagal." Nakangiting sabi ko sa kanya.
We've been dating since 1st year high school. Nagulat nga ako noong umamin sa akin si Tucker na gusto niya ako. Medyo awkward dahil best friend ko siya pero nasanay na rin ako at simula noon ay niligawan na niya ako. Wala naman masama kung susubok, 'diba? Alam rin naman ng parents namin tungkol sa relasyon at legal naman ito. Day by day ay nahuhulog na rin ako kay Tucker. Hindi naman kasi mahirap mahalin si Tucker. Kung ganyan ba naman ka-sweet sayo yung tao. Tingnan na lang natin kung hindi ka pa mahuhulog sa kanya. Araw-araw ay palagi may dalang baon iyang si Tucker para sa aming dalawa at para daw hindi na ako gumastos. Mayaman ang pamilya niya ah. Ang pamilya ni Tucker ang kilalang mayaman sa buong Pilipinas.
"Mabuti hindi mo kasama ang dalawa mong knight ngayon." Sabi niya saka tumawa. Ang tinutukoy niyang dalawa kong knight ay ang dalawa kong kapatid na lalaki. Sina kuya Anton at Zack. Kuya Anton is the eldest and Zack is my twin brother. Todo ang bantay nilang dalawa sa akin dahil bilin ni daddy na bantayan at alagaan ako. Hindi lang ako may kakambal. Even Tucker has a twin brother. His name is Noel and he also have an older sister, named ate Farrah. May asawa na si ate Farrah pero wala pa silang anak.
"Busy si kuya Anton sa nililigawan niya tapos si Zack may practice pa sila ng volleyball."
Pagkarating namin ni Tucker sa bahay ng isang kaibigan namin dahil birthday niya ngayon at niyaya niya kaming lahat na kaibigan niya.
"Tucker. Lee. Mabuti dumating na kayo." Masayang sabi ni Danica, our birthday girl.
"Lalagpasin pa ba namin ang birthday mo? Siyempre, hindi. Happy birthday, Nica."
"Happy birthday, Nica." Bati ni Tucker.
"Nandito na ang mag-jowa!" Sigaw ni Christian. Ang pinaka maingay sa grupo.
"Ayun! Kumpleto na rin ang tropa." Sabi ni Henry na may dala ng snacks at ang nasa likod niya ay si Chad na may dala naman ng drinks. Illegal age pa kami para uminom ng alcohol.
"Mabuti pumayag sila tito Edwin na sumama ka sa amin, Lee na hindi kasama ang dalawa mong kapatid." Ani Kim.
Lee ang tawag sa akin ng mga kaibigan namin except for Tucker. Ang pwedeng tumawag na Rye sa akin ay siya at ang pamilya ko. Kapag may iba pa ay lagot yung taong iyon kay Tucker.
"Alam naman nila kasama ko si Tucker at may tiwala sila sa boyfriend ko. At saka busy ang dalawa kong kapatid." Sagot ko kay Kim.
Nagkakatuwaan kaming lahat at nagkantahan ng happy birthday song kay Danica.
"Malapit na ang graduation natin. Saan niyo balak mag-aral ng college?" Tanong ni Henry.
"Sa school pa rin natin. Since may college naman doon, eh." Sagot ni Danica.
"Yeah, doon rin ako. Para hindi na ako lilipat pa ng ibang school." Sagot naman ni Kim.
Lahat kami ay pare-pareho ang sagot. Walang may balak lumipat ng school pagkatapos ng graduation. Siguro iba nga lang ang kurso na kukunin namin pero pwede naman kami mag-kita kita kung pareho ang vacant namin.
"So, magkakasama pala kayong lahat sa school." Tumingin kaming lahat kay Tucker. Ano ang ibig niyang sabihin?
"Lilipat ka?" Tanong ko sa kanya.
"Yeah. Actually, sa Australia ako magaaral ng college."
"A-Australia?!" Lahat kami ay nagulat sa balita ni Tucker.
"Ang layo, pre. Paano na kayo ni Lee ngayon?" Tanong ni Chad.
Mahirap nga ang Long Distance Relationship. May nakikita nga ako hindi kaya ang LDR dahil sobrang hirap pero kung para sa kinabukasan namin ni Tucker ay kakayanin. May tiwala naman ako sa kanya.
"Kakayanin namin ang LDR." Tumingin ako kay Tucker. "May tiwala naman ako kay Tuck kahit malayo kami sa isa't isa."
"Thank you, babe."
"Ang swerte mo diyan kay Lee, Tuck. Kaya huwag mo na siya pakawalan pa ah. Dapat pagbalik mo ng Pilipinas ay yayain mo na siya magpakasal." Sabi ni Christian na kinapula ng pisngi ko.
"Baliw ka talaga, Chris." Natatawang sabi ni Chad.
"Magbabakasyon naman ako dito tuwing Christmas. At tatawag rin ako sa inyong lahat." Ngumiti ako ng pilit kay Tucker. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na huwag na siya tumuloy. Ang selfish ko naman kung gagawin ko yun. May pangarap rin si Tucker para sa kanya.
"Kailan ang flight mo?" Tanong ni Danica. "Para mapag handaan namin ang alis mo."
"A day after our graduation."
Ilang araw ang lumipas ay graduation na namin. Naiiyak ako dahil ito na ang huling araw na makakasama ko si Tucker. Mamimiss ko siya dahil ito ang unang araw na hindi ko siya makakasama. Matagal kami hindi mag-kasama.
Ang bilis ng takbo ng oras. Umabot na ng taon. Tinupad naman ni Tucker ang pangako niya na palagi siya tatawag sa amin at dito rin magbabakasyon tuwing Christmas. Kaya nga mas excited pa ako kumpara sa mga tao sa bahay dahil uuwi na naman si Tucker.
Ngayon ay 4th year college na kami at 7 years na ang relasyon namin ni Tucker. Of course, stay strong pa rin ang relasyon namin kahit malayo kami sa isa't isa.
During my graduation ay umuwi pa ng Pilipinas si Tucker para makadalo. Wala nga akong ideya na uuwi siya. Na surpresa nga ako.
That night ay sinuko ko ang sarili ko sa kanya. Alam ko naman sa sarili ko na mahal na mahal namin ang isa't isa at wala akong pinagsisihan na ginawa namin iyon.
Pinayagan ako ni daddy na puntahan si Tucker sa Australia para sa graduation nito. Hindi ko sinabihan si Tucker dahil gusto ko surpresa. Hiningi ko pa nga sa pamilya ni Tucker ang address kung saan siya nakatira. Pagkarating ko sa apartment niya para supresahin ang boyfriend ko pero ako ang na surpresa. May kahalikan na ibang babae si Tucker. Pumatak ang luha ko sa nakikita ko ngayon. Sobrang sakit. Siya ang unang lalaking minahal ko ng ganito tapos ito lang ang gagawin niya sa akin. Akala ko ba mahal niya ako. Kalokohan lang pala ang pagmamahal niya sa akin.
"Rye?!" Nagulat si Tucker pagkakita niya sa akin kaya naitulak niya yung babae.
"Ow. Tucker!" Reklamo noong babae. Dumating agad ang karma. Sobrang landi kasi.
"Ano ang ginaga–" Hindi ko na tinapos kung ano man ang gusto niyang sabihin dahil sinampal ko siya.
"Hindi pa sapat yan kung ano ang ginawa mo sa akin, Tuck! Sobrang sakit na niloko mo lang ako! Ang masakit pa ay yung binigay ko ang sarili ko sayo!" Agad ko pinunasan ang luha ko na kanina pang bumabagsak. "Kalokohan na pagmamahal yan! We're over, Tuck." Bago pa ako tuluyan na tumalikod sa kanya ay binigyan ko pa siya ng sobrang lakas na sampal. Yung babakat talaga ang palad ko sa pisngi niya.
Iyon na ang huling pagkikita naming dalawa. Simula noon ay kinausap ko sila daddy na sa US ako magtatayo ng bakery shop ko. Walang may alam ang mga kaibigan ko. Kahit ang pamilya ko na hiwalay na kami ni Tucker. Hindi pwede malaman ng pamilya ko wala na kami lalo na si kuya Anton. Baka saktan pa niya si Tucker. Kilala ko si kuya Anton at handa siyang pumatay ng tao kapag may manakit sa akin. Ayaw ko naman makulong ang kapatid ko ng dahil sa akin.
~~~~
I'm going to update this one but next update will be on Sept. 29 or so on... 🤷♀️
BINABASA MO ANG
Dealing With Mister CEO
RomanceAno ang mangyayari kapag pinagkrus ang landas niyo ng iyong ex? Gaya ng dati na parang walang nangyari sa nakaraan? O iiwasan mo siya sa tuwing magkikita kayo dahil dala mo pa rin ang sakit ng nakaraan? Meet Ryelee Salazar masipag, matalino pero tan...
