7

2.7K 74 2
                                        

"Hindi ko sinasadyang gawin yun sayo. Wala talaga akong balak sumama mag-celebrate kasama yung mga kaklase ko noon pero mapilit silang lahat. Wala rin akong balak uminom dahil hindi naman ako umiinom ng alcohol. Dahil sobrang miss na kita at sa kalasingan ko na rin ay hindi ko na alam ang ginagawa ko." Tumingin si Tucker sa akin parang sincere siya sa sinasabi niya. No. Kahit sabihin pa niya sa akin ang totoo ay ginawa pa rin niya. "Maniwala ka sa akin, Rye. Nagsisi ako sa nangyari. After graduation ay hindi na nga ako lumalabas ng apartment ko. Niisang tawag sa pamilya ko ay hindi ko sinasagot dahil hindi ko alam kung paano ko sila ihaharap kapag nalaman nila ang nangyari at itong taon ko lang sinabi kay dad ang totoo. I know he's mad because of what I did. Tinuring ka na nila parang anak. Masaya nga sila noong nalaman nilang girlfriend na kita."

"Ngayon imposible na magkabalikan pa tayo, Tucker. Ayaw ko na masaktan muli. Sa tuwing nakikita kita ay naalala ko ang lahat na sakit na ginawa mong pangloloko sa akin noon."

"I understand. Kaya nga gagawin ko ang lahat para patawarin mo ko. Or maybe let's be friend again."

"I don't know. Hindi ko alam kung kaya ko makipag kaibigan pa sa ex ko. Hindi lang kasi ang tiwala ko ang sinara mo kahit ang pagkakaibigan nating dalawa."

"Ayos lang. Makita lang kitang masaya ay masaya na rin ako." Tumingin ako sa mga mata ni Tucker dahil hindi iyon ang nakikita ko. Kabaliktaran ang sinasabi ng mga mata niya.

"Tucker, I know we both busy pero may chance pa na mag-kita pa tayo kung makuha ko yung pwesto malapit sa kumpanya niyo."

"Speaking of that. Buti pinaalala mo sa akin." Nakita kong may kinukuha si Tucker sa likod at inabot sa akin ang isang blue folder.

Kinuha ko sa kanya yung folder. "Ano ito?"

"Hindi ko na papatagalin pa. 'Yan na yung lupa na gusto mong makuha kaya binibigay ko na sayo. Kaya rin ako natagalan kanina dahil pinaasikaso ko pa yan sa assistant ko."

"Finally." Napangiti ako dahil nakahanap na rin kami ng pwesto. "Makakapag tayo na kami ni Apollo ng branch namin dito."

"Branch?" Tumingin ako kay Tucker na nakakunot ang noo at tumango ako sa kanya.

"Yup. May isang branch pa kami sa ibang bansa. Doon ang main branch namin ng bakeshop."

Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya kung saan yun baka puntahan pa niya.

"I see. Sino ang nagbabantay ng bakeshop niyo doon?" Tanong niya sa akin.

"Isa pang business partner namin. Hindi lang kami ni Apollo ang business partner. Tatlo kami."

Nawala ang antok ko dahil sa dokumento ng lupa. Mamaya sasabihan ko si Apollo na nakuha ko na yung lupa at paniguradong matutuwa yun. Matagal na niya ako kinukulit na kunin ko na yung lupa.

"I know you're tired." Tumingin ako kay Tucker na pinaandar na niya ang makina ng kotse. "Matulog ka na muna."

Gaya nga ng sabi niya ay natulog na muna ako habang nasa biyahe kami. Mabuti na nga lang hapon yung kasal nila Danica kaya sa umaga ay may inaasikaso pa ako. Sobrang dami kong ginagawa nitong mga nakaraang araw ay anong oras na palagi ako natutulog sa gabi. Palaging late na ko kung matulog.

Nagising na ako at bumangon. Napasarap ang tulog ko ngayon para bang nakabawi ako ng tulog. Nilibot ko ang paningin ko dahil hindi ako familiar. Hindi ito ang kwarto ko. Bumukas ang pinto at niluwa noon si Tucker.

Kumunot ang noo ko. "Saan mo ko dinala? Ang sabi ko sayo kanina i-hatid mo ko sa amin."

"Nandito ka sa condo ko. Ang sarap kasi ng tulog mo kanina at hindi pa ako handa humarap sa pamilya mo. Sa sobrang tagal ko nawala at saka mahirap na kung tatanungin nila ako tungkol sa kasal."

Mas lalong kumunot ang noo ko. "Anong kasal ang pinagsasabi mo diyan?"

"Rye, 9 years na dapat tayo kung hindi tayo nag-hiwalay noon. Hindi maiiwasan tanungin ang tungkol sa kasal lalo na wala silang alam na hiwalay na tayo at saka nasa tamang edad na rin naman tayo para tanungin nila tayo sa ganoong bagay."

"Kung hindi mo kayang humarap sa pamilya ko ay uuwi na ako." Tumayo na ako pero pansin ko hindi ito ang suot kong damit. "Nasaan yung suot kong damit kanina?"

Tinuro niya kung nasaan yung damit ko. "There."

Tiningnan ko kung saan siya nakaturo at lumapit ako sa silya. Nakatupi ang damit ko kaso napaisip ako kung sino nag-palit sa akin.

"I-Ikaw ba nag-palit ng damit ko?" Nahihiyang tanong ko.

Ngumisi si Tucker sa akin at sa tingin ko napansin niyang nahihiya ako. "Oo. At ngayon ka pa nahiya sa akin, Rye. I already saw your sexy naked body once. Wala ka ng maitatago pa sa akin."

"Bastos!" Sigaw ko. Bwesit na nga bastos pa. "Tumalikod ka na muna dahil magpapalit ako ng damit ko."

"Wala ka na ngang maitata–"

"Talikod sabi!" Sigaw ko ulit.

"Alright, alright." Tinaas niya ang dalawa niyang kamay. "Tatalikod na."

Tumalikod na rin ako sa kanya at hinubad ko na ang damit na suot ko para suotin ang damit ko kanina. Wala rin akong suot na bra. Ibig sabihin– Shit!

Lupa, lamunin mo na akong buhay.

Susuotin ko na sana yung dress ko pero niyakap ako ni Tucker mula sa likod at ramdam na ramdam ko yung hininga niya sa may batok ko.

"T-Tucker."

"Yes, babe?" Napakagat labi ko noong hinahalikan niya ang batok ko.

"Tuck, stop it!" Tumataas ang balahibo sa katawan sa ginagawa niya.

"I know you want it too, babe. Iyon ang sinasabi ng katawan mo."

Humarap ako sa kanya sabay sampal ng malakas sa pisngi niya. Ano ang akala niya sa akin? Makukuha sa ganoong klaseng bagay? Hindi na ako ang kilala niyang Ryelee.

"Huwag mo ubusin ang pasensya ko sayo, Tucker. Hindi na ako ang kilala mong Ryelee na handa ibigay ang lahat kahit ang sarili para sayo. Ibang Ryelee na ang nasa harapan mo ngayon at kaya ko ng lumaban."

Pagkatapos ko mag-bihis ay lumabas na ako sa unit niya at pinunasan ko ang traydor kong luha. Tumingin ako sa cellphone ko noong may tumatawag sa akin.

Agad kong sinagot ang tawag. Baka kasi importante o emergency. "Hello?"

~~~~

Next update on Dec 8.

Dealing With Mister CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon