"Daddy, aren't we going to visit mommy?" Inangat ko ang tingin kay Aerith. Busy ako sa binabasa kong dokumento. Minsan kasi ay sa bahay ako nagtatrabaho pero minsan sa company. Hindi ko kasi pwedeng pabayaan ang kumpanya dahil malalagot ako kay dad pero kahit busy ako sa trabaho ay may oras pa naman ako sa mga bata.
It's already 5 years. Sa loob ng limang taon ay wala pa rin nagbabago sa sitwasyon ni Ryelee. She still in a coma. Gusto nga sumuko na ng pamilya ni Ryelee pero nangako ako na lalaban ako dahil naniniwala akong babalikan niya ako – kami ng mga anak namin. Gusto ko nga magalit sa kanila dahil sila ang pamilya ni Ryelee pero sila ang unang susuko.
"Okay. Tell your sister and brother we're going to visit your mommy." Sabi ko. Nagulat nga ako na kambal ang maging anak namin ni Ryelee. Nagkatotoo na naman ang sinabi ng mga kaibigan namin na baka sa susunod na magkaroon kami ng anak ay baka kambal na. I am glad they are both survived kahit napaaga ang labas sa kanila.
Nilapag ko na ang binabasa kong dokumento sa desk ko rito sa room para mag-asikaso na rin ako. Baka sa akin pa magalit ang mga bata kapag hindi pa ako umasikaso. Para sila ang mas matanda dahil ako palagi ang pinapagalitan. Kahit wala si Ryelee sa tabi ko, at least kasama ko ang mga anak namin at palagi rin nila ako pinapasaya kapag nakikita nila akong malungkot.
Dumaan na muna kami sa isang toy store because I know Ryelee loves panda. Kapag nagising na siya ay dadalhin ko siya sa China or even in Korea para makakita siya ng real panda. Gagawin ko ang lahat maging masaya ang mga importante sa akin hangga't kaya ko.
"Daddy, hindi ba po ba puno na ng panda bear stuff toy ang room ni mommy?" Sabi ni Jarvis pagkapasok ko sa kotse. Nakita na naman kasi niya na may dala akong panda bear. Yes, he's right. Puno na nga ng panda bear ang room ni Ryelee sa hospital. Kapag bumibisita kasi kami ng mga bata ay bumibili ako ng panda bear. Si Ryelee kasi yung tipong hindi mahilig sa flowers. Panda bear and bouquet of chocolates ay masaya na siya.
"Stop that, Jarvis. Sinabi na sa'yo ni daddy na paborito ni mommy ang panda." Sabi naman ni Aerith sa kapatid niya.
"I know pero kawawa naman ni mommy dahil wala ng space ang room niya."
"Don't worry, buddy. I-uuwi natin ang ibang panda bear sa bahay. Marami pa naman space sa kwarto namin."
I bought a house for us. Kahit hindi pa kami kasal ni Ryelee pero gusto ko bumawi sa kanya. Hanggang ngayon kasi dala ko pa rin ang guilt kung bakit nandoon siya sa ganoong kalagayan ngayon.
Pagkarating namin sa tapat ng hospital room ni Ryelee ay sinabihan ko ang mga bata lalo na yung kambal na behave lang sila. Masyado kasing madaldal ang kambal especially Jarvis, makulit na madaldal. Sa akin yata nakuha ang pagiging makulit while Ryenne ay madaldal rin dahil walang control ang bibig ng batang 'yon and Aerith tahimik lang siya kaya wala akong problema sa panganay namin.
Nabitawan ko ang hawak kong panda bear pag-bukas sa pinto ng room ni Ryelee at maluha luha ako sa nakikita ko. She finally awake.
Tumakbo ako papalapit sa kanya sabay yakap. "Welcome back, babe. Hindi mo kami iniwanan ng mga anak natin." My voice cracked because I am crying right now.
Hinaplos ni Ryelee ang buhok ko. "Stop crying, Tucker."
Pinunasan ko ang luha ko. "Masaya ako dahil gising ka na. Wait, tatawag lang ako ng doctor."
"No need. Galing na rito ang doctor pagkakita sa akin ng isang nurse." Napansin kong tumingin si Ryelee sa likuran ko kung nasaan ang mga bata at tumingin ulit siya sa akin. "Who are they?"
Tinawag ko na muna ang kambal dahilan lumapit sila sa akin.
"I'm sure you don't remember about them dahil wala kang ideya na buntis ka sa kanila bago ang aksidente." Nakita ko ang pag-simangot ni Ryelee. I know what it mean. Wala pa nga sa plano niya sundan si Aerith, pero ano ang magagawa niya na dumating ang kambal. "This young man is Jarvis and this young lady is Ryenne."
"Huwag mong sabihin..."
Tumango ako sa kanya. "It's already 5 years, babe. Limang taon ka nasa comatose."
"Thank you for not giving up on me, Tucker."
"Of course. Nangako ako sa'yo na hindi ako susuko kahit sumuko na ang pamilya mo. Naniniwala akong babalikan mo kami."
Masaya ako dahil bumalik sa amin si Ryelee. Hindi niya kami iniwanan.
"Pag-labas mo rito sa ospital ay bakasyon tayo."
"Saan naman?"
"Saan mo gusto? China or Korea?"
"Out of the country?" Gulat na tanong niya sa akin.
"Yep. I'm sure you want to see a real panda."
"Really?" Kumikinang sa tuwa ang mga mata ni Ryelee. Balik sa pagiging bata ang girlfriend ko. "Kaya ba puno ng panda bear dito? Tucker naman. I already told you na hindi mo kailangan bigyan ako ng panda bear. Wala na ako paglalagyan sa kwarto ko."
"Don't worry. Marami pa namang space sa kwarto natin."
"Kwarto natin?" Halatang naguguluhan si Ryelee.
"Yep. I bought a house for us. Kahit hindi pa tayo kasal ay bumili na ako ng bahay natin at doon kami nakatira ng mga bata."
"Pero wala namang panda sa Korea ah."
"Remember Lisa?" Tumango siya sa akin. "Doon na siya sa Korea nakatira ngayon at may picture siya nasa Zoo. May nakita akong panda isa sa mga picture niya. Hindi lang black and white panda. Meron rin doon red panda."
"Really? Isa rin 'yan sa favorite ko pero dangerous species ang red panda dahil konti na lang ang mayroon nang ganoon ngayon."
Wala talaga akong alam sa mga wild animals at wala akong ideya na may alam pala si Ryelee kung isang dangerous species pala ang isang animals.
Sa susunod kasi manood ka ng Documentary para naman may alam ka, Tucker.
BINABASA MO ANG
Dealing With Mister CEO
RomanceAno ang mangyayari kapag pinagkrus ang landas niyo ng iyong ex? Gaya ng dati na parang walang nangyari sa nakaraan? O iiwasan mo siya sa tuwing magkikita kayo dahil dala mo pa rin ang sakit ng nakaraan? Meet Ryelee Salazar masipag, matalino pero tan...