Nagising ako para bang may humahalik sa pisngi ko. Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko si Tucker. Naalala ko dito nga pala ako sa unit niya natulog kagabi.
"Good morning, babe." Hinalikan niya ako sa labi. Pagkatapos niyang paulanan ako ng halik sa buong mukha ko kanina ay ang labi ko naman ang hinalikan. But Tucker is a good kisser.
"Good mo– Ahhh! Tucker!" Sigaw ko. Ang likot naman kasi ng kamay. Kung saan-saan nakakarating.
"Gawin natin ang morning exercise. Promise, mabilis lang."
Hala siya. Naging addict na sa ganito ang boyfriend ko.
I sighed. "Mabilis lang ah."
Napa ungol ako noong pinasok na niya ang kanyang pagkalalaki sa akin. Bakit ba kasi ganito kasarap ito?
"Tuck–" Napahinto si Tucker sa ginagawa niya noong may narinig kaming boses.
"Mom?!"
"Mama!"
We are all shocked, even our mommies. Hindi ko inaasahan nandito silang dalawa.
"What the meaning of this?" Rinig kong sambit ni mama noong naka balik na siya sa katinuan. "Mag-bihis kayong dalawa dahil maguusap tayo at hihintayin namin kayo sa labas."
Tumingin kami ni Tucker sa isa't isa at nandoon pa rin ang gulat sa mukha namin. "Patay!" Sabay naming sabi.
Nagmamadali kami mag-bihis kahit masakit ang buong katawan ko. Kasi naman itong si Tucker hindi ako tinitigilan kagabi. Anong oras na rin kami natulog.
Kinakabahan ako habang lumalapit kami sa mga mommies namin pero hinawakan ni Tucker ang kamay ko.
"Remember what I said last night. Pananagutan kita." He whispered. Hindi niya naiintindihan. Galit si mama sa nakita niya kanina.
"Umupo kayong dalawa." Utos ni mama kaya umupo kami ni Tucker sa sofa na pang isahan lang. "Anong ibig sabihin noong nakita namin kanina? At ikaw, Ryelee, hindi pa nga kayo kasal ni Tucker pero binigay mo na agad ang sarili mo. Hindi ka namin pinalaki ng daddy mo na maging ganyan ka."
"Sorry po."
Inaamin ko malaki talaga ang kasalanan ko sa kanila lalo na sa pag-lihim ko tungkol kay Aerith.
"Luna, calm down. Hindi na bata ang mga anak natin. Alam na nila kung ano ang ginagawa nila." Sabi ni tita Priscilla.
"Iyon na nga, Priscilla at mas lalong hindi pa sila kasal na dalawa."
"They both agreed about the wedding. Ang engage–"
"Mom, stop!" Napatingin ako sa gawi ni Tucker. "Maybe we agreed about the wedding pero hindi na ako papayag na papakialamin niyo pa ang engagement namin ni Rye."
"Do you have plan when will you propose, son?" Tanong ni tita Priscilla kay Tucker.
"Soon, mom. Masyado pang busy ang schedule ko ngayon. At tita, alam ko pong mali ang ginawa namin ni Rye lalo na hindi pa kami kasal pero pinapangako pananagutan ko siya. Mahal na mahal ko si Rye."
Bigla ako nakakaramdam ng guilt. Hindi ko maisip kung saan. Noong nahuli ba nila kami o sa pag-lihim ko sa kanilang lahat sa pagkakaroon namin ng anak ni Tucker.
"Mama, tita, I'm sorry po."
"It's okay, hija. Kilala ko itong si Tucker at alam ko kung gaano ka niya kamahal."
"Hindi po tungkol kanina. May dapat kayo malaman."
"Tungkol saan?"
"M-May..." Huminga ako ng malalim dahil ang lakas ng kalabog ng dibdib ko. Sana hindi ako atakihin ng anxiety ko sa mangyayari kapag sinabi ko sa kanila ang totoo.
"Are you okay, Rye? You're sweating." Bakas sa boses ni Tucker ang pagaalala.
"Yes, I'm fine."
Mukhang inatake na naman ako ng anxiety ko. Kinakabahan kasi ako sa mangyayari.
"Ano ba ang gusto mong sabihin sa amin?" Tanong ni mama.
Nakita ko ang pag-tayo ni Tucker sabay luhod sa harapan nila mama. Mukhang alam na niya kung ano ang sasabihin ko sa mga mommies namin. "Tita, mama, ako na po ang magsasabi sa inyo. May anak na kami ni Rye ngayon."
"Diyos ko." Halatang hindi natutuwa si mama sa nalaman.
"Where's our grandchild? Babae ba o lalaki?" Excited na tanong ni tita Priscilla.
"Prisicilla, hindi ka ba nagagalit sa nangyayari?"
"Nagagalit pero mas pinipili ko na lang na intindihin silang dalawa. Ang sabi ko nga kanina hindi na sila mga bata pa at alam na nila ang ginagawa. Alam kong malaki ang kasalanan noon ni Tucker kung bakit sila nag-hiwalay."
Bumuntong hinga si mama. "Nasaan ang apo namin?"
"Wait lang po. Kukunin ko lang siya." Sabi ni Tucker sabay tayo.
"Bakit hindi mo sinabi sa amin na may anak pala kayo ni Tucker?" Tanong ni mama sa akin.
"Sorry po. Hindi ko kasi alam na buntis ako bago kami nag-hiwalay ni Tucker at nalaman ko na lang noong nasa US na ako."
"Dalawang taon mo tinago sa amin ang tungkol sa kanya. Ryelee naman."
"Mama, sorry po. Alam kong mali ang ginawa kong pag-lihim sa inyo. Natatakot lang ako sa mangyayari."
"Wala kang ikatakot, hija. Naniniwala ako sa mga binitawang salita ng anak ko kanina."
Tumango ako. "Yes po. Maghihintay ako kung kailan mag-propose sa akin si Tucker."
Napag isip-isip ko na rin kasi ang tungkol sa kasal. Gusto ko rin bigyan ng kumpletong pamilya si Aerith para hindi siya maging kawawa pag-laki niya at tatanungin kami ni Tucker kung bakit hindi kami magkasama sa isang bahay.
"I'm back." Tumingin ako kay Tucker habang karga niya si Aerith. "Meet Aerith, our daughter."
"Gusto ko makita ang apo namin." Binigay ni Tucker si Aerith kay tita Priscilla. "Aw, carbon copy ni Tucker ang anak niyo."
"Tita, huwag niyo na po paalala sa akin na kamukha ni Aerith si Tucker."
"Sorry, hija. Maybe in the future ay magkaroon ulit kayo ni Tucker na anak at kamukha mo na siya."
Umiwas ako dahil siguradong namumula na ang mukha ko.
"Ryelee, dapat sabihin niyo rin ito sa daddy mo."
"Speaking of daddy, alam na ba ng daddy mo tungkol rito, Tucker? Alam kong siya ang una mong sinasabihan lalo na noong hiwalay kayo ni Ryelee."
"Yes po. Narinig kasi ni dad na pinaguusapan namin si Aerith. And sorry, mom kung hindi ko sinabi sa inyo kaagad dahil ayaw kong paunahan si Rye."
Nakahinga na ako ng maluwag noong naging maayos na ang lahat. Wala na rin magagawa si mama dahil nandiyan na si Aerith. Ang problema na lang ay si daddy at kuya Anton.
BINABASA MO ANG
Dealing With Mister CEO
Roman d'amourAno ang mangyayari kapag pinagkrus ang landas niyo ng iyong ex? Gaya ng dati na parang walang nangyari sa nakaraan? O iiwasan mo siya sa tuwing magkikita kayo dahil dala mo pa rin ang sakit ng nakaraan? Meet Ryelee Salazar masipag, matalino pero tan...
