33 - Comatose Stage

2.2K 60 0
                                    

Tucker's POV

Nagising ako sa hindi familiar sa akin pero bigla ko naalala ang lahat na pangyayari. Dapat kakain kami ni Ryelee sa isang restaurant pero may isang malakas ang ilaw na headlight ng sasakyan kaya umiwas ako pero hindi ko napansin ang malaking puno.

"Thank God!" Rinig ko ang boses ni mama dahilan tumingin ako sa kanila. Nandito rin ang pamilya ni Ryelee. "Gising ka na, Tucker."

"Ano nangyari?" Tanong ko sa kanila.

"Wala ka maalala?" Tanong sa akin ni tito Edwin. Hindi na ako sumagot dahil naalala ko talaga ang nangyari. Magbabayad sa akin ang driver ng sasakyan na iyon. Kung hindi lang talaga malakas ang ilaw ng headlight niya. "Naaksidente kayo ni Rye noong gabing iyon, Tucker at halos isang buwan kang nasa comatose."

"Si Rye? Kamusta siya?" Tanong ko ulit sa kanila pero wala akong nakuhang sagot. Doon tumulo ang luha ko. Hindi ko man lang naprotektahan si Ryelee. "I want to see her."

"But, son. Kailangan mo pa mag-pahinga."

"I really want to see her!" Sigaw ko. Hindi sinasadyang sigawan sila. Kasalanan ko na naman kung bakit ganito ang nangyari sa amin. Napahamak pa si Ryelee dahil sa akin.

"Priscilla, pag-bigyan mo na ang anak natin. Gusto lang niya makita si Ryelee ngayon." Sabi ni dad kay mama.

Wala sila magawa kaya pinayagan na ako ni mama makita si Ryelee ngayon. Nang hiram pa sila ng wheel chair sa nurse station dahil hindi ko maigalaw ang mga binti ko ngayon. Wala ako ramdaman na kahit ano.

Sinamahan ako ni dad hanggang sa ICU at nandoon rin ang mga kaibigan ko sa labas maliban sa mag-asawa dahil buntis si Danica.

"Gising ka na pala, pre." Sabi ni Chad pagkakita niya sa akin.

"How's Rye?" Tanong ko sa kanila.

"We have good news and bad news. Ano ang gusto mo mauna?" Tanong ni Kim sa akin.

"Wala akong panahon para good news niyo! Gusto ko malaman ang kalagayan ni Rye ngayon." Tuloy pa rin ang pag-patak ng luha ko. Sinisi ko ang sarili ko sa nangyari.

"She still in a coma, Tucker." Sagot niya.

Lumapit ako sa window glass at pinipilit kong tumayo para makita si Ryelee. Ang daming apparatus ang nakakabit sa kanya ngayon at may doctor rin ang tumitingin sa kanya sa loob.

Tinapik ni Henry ang balikat ko. "Ayaw mo bang malaman kung ano ang good news?"

Tumingin ako sa kanya. "Ano ba iyang good news?"

"Lee is pregnant, Tucker." Sagot ni Kim. Nanigas ang katawan ko sa narinig. Buntis si Ryelee? Shit. "Kaso kung hindi magigising si Lee ay mapapahamak silang dalawa. O mapapaaga ang panganak sa kanya. Since gising ka na ngayon kaya ikaw ang magdedesisyon dahil alam naming lahat ikaw ang ama."

Napaupo ulit ako sa wheel chair. "Isa lang naman ang kahilingan ko. Ang mailigtas silang dalawa."

"Pre, ano ba ang nangyari?" Tanong ni Chad. Isa nga pala siyang pulis at ginagawa niya lang ang trabaho niya.

"I don't want to talk about it, Chad."

"Chad, ilang beses ko ba sinabi sa'yo na huwag mo muna tanungin si Tucker kung ano nangyari. Nakikita mo naman ang kalagayan ng kaibigan natin ngayon." Rinig kong sambit ni Henry.

"Sorry. I'm just doing my job. Inutusan ako ng boss ko na mag-investigate sa nangyari."

"Sorry, Chad kung hindi ko masasagot ang tanong mo. Ayaw ko maalala ang mga nangyari."

"It's okay, Tucker. Alam kong masakit sa'yo ang nangyaring aksidente pero may nahanap na kaming lead kung sino ang driver."

Kaagad ako napatingin kay Chad. "Sino?"

"Marco Mercado. Pero noong pagkarating ng mga kasamahan ko sa crime scene ay wala–"

"Hayop siya! Kung nakikita lang ng hayop na iyon ang kalagayan ng girlfriend ko ngayon! Mapapatay ko siya pagkakita ko sa kanya!"

Huwag na huwag siya magpapakita sa akin dahil papatayin ko talaga siya. Dalawang buhay ang nasa panganib dahil sa kanya.

Dapat sa gabing iyon ay mag-propose na ako kay Ryelee pero ito ang nangyari sa amin. Narinig ko ang sinabi niya sa mga mommies namin na handa na siya magpakasal sa akin at hininhintay na lang niya ang pag-propose ko. Natuwa ako doon dahil iyon lang naman ang hinihintay ko mangyari.

Nag-pasya na ako bumalik sa room kaya sinamahan na ako ni Chad.

"Pumunta pala rito kahapon si Chris para kamustahin kayo ni Lee. Hindi nga lang makasama sa kanya si Nica dahil alam mo namang buntis. Baka mahawa pa ng sakit."

"I understand. At pasabi kay Kim sorry dahil nasigawan ko siya kanina."

"I'm sure naiintindihan ni Kim. Nag-aalala ka lang kay Lee lalo na dalawa sila ng anak niyo ang nasa panganib pero naniniwala akong magigising si Lee."

Alam kong magigising rin si Ryelee. Hindi niya kami iiwanan at hindi ko siya susukuan. Magpapakasal pa kaming dalawa.

"Kailan pala manganganak si Nica?" Tanong ko kay Chad.

"Ang sabi ni Chris sa amin ay next month na daw ang kabuwanan ni Nica."

Masaya ako sa kanila dahil malapit na pala dumating ang baby boy nila. Lalaki ang magiging anak nila.

"Kakausapin na lang kita kung handa na akong sabihin sa'yo kung ano ang nangyari noong gabing 'yon." Sabi ko.

"Okay, pre. Pagaling ka ah. Kailangan ka pa ni Aerith habang wala pang malay ang mommy niya." Ginulo pa ni Chad ang buhok. "Sige, balik na ako doon sa dalawa. Baka mag-away pa ang dalawa."

Tumango lamang ako sa kanya. Tama ang sinabi ni Chad kanina kailangan ako ni Aerith kaya kailangan ko mag-pagaling agad. Wala sa tabi niya ngayon si Ryelee.

Dahil mag-isa na lamang ako rito kaya wala akong choice at pinipilit kong lumipat sa kama. Nakatingin lamang ako sa labas ng bintana noong bumukas ang pinto.

"Tucker." Rinig ko ang boses ni Noel.

Kumunot ang noo ko humarap sa kanya. "Ano ang kailangan mo?"

"Gusto ko kamustahan kayo ni Ryelee." Kumuha siya ng silya at umupo sa tabi ng kama.

"Do I look fine to you, Noel? Hangga't hindi magigising si Rye ay hindi ako magiging okay."

"Alam kong hindi maganda ang samahan nating dalawa pero ang totoo niyan noong gabing 'yon ay nakaramdam ako ng hindi maganda tapos noong may tumawag sa bahay na may nangyari sa inyo ni Ryelee ay doon ako napaisip sa ramdaman ko."

Kakambal ko nga pala si Noel kaya malalaman niya kung may hindi magandang mangyayari sa akin. Twin instict kumbaga. Ganoon rin sina Ryelee at Zack.

"At noong tinawagan ko si Zack ay umiiyak siya at sinabi niya sa akin na may naramdaman siyang hindi maganda nangyari kay Ryelee."

Close sina Zack at Noel. Kapag kasama ni Ryelee si Zack sa bahay ay silang dalawa ni Noel ang naguusap at kami naman ni Ryelee.

Simulang mga bata pa lang kami ay may gusto na ako kay Ryelee pero iniisip ko baka masira ang pagkakaibigan namin kaya hindi ko masabi sa kanya. Kaso noong high school kami ay nilakasan ko ang loob kong umamin sa kanya. Ang akala ko nga magagalit sa akin si Ryelee o lalayuan pero hindi. Hinayaan niya ako ligawan siya. Masaya ako noong sinagot niya ako pero masakit sa akin noong nakipag hiwalay siya sa akin. Akala ko wala na mas masakit noong nakipag hiwalay sa akin si Ryelee pero meron pala.

Dealing With Mister CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon