26 - Outing

2.3K 60 1
                                        

Nakahanda na ang lahat at hinihintay ko na lang ang pag-dating ni Tucker. Sasabay kasi ako sa kanya ngayon papunta sa beach na pupuntahan namin. Today is his birthday at siyempre binati ko na siya kaninang madaling araw.

Habang naghihintay kay Tucker ay nakita ko si Apollo kaya lumapit ako sa kanya.

"Hi. May problema ba?"

"Wala naman. Gusto ko lang sana mag-paalam sayo na babalik na ako sa US."

"Huh? Bakit biglaan ang balik mo? Paano na yung bakeshop na pinapagawa natin?" Tanong ko.

"Ryelee, alam ko alam mo sinagot na ni Jenny yung mangliligaw niya."

Yumuko ako. "Sorry. Ayaw kong masaktan ka kaya hindi ko sinabi sayo ang tungkol diyan."

"Naiintindihan ko naman kaya nag-desisyon ako na bumalik sa US para kunin ang mga natirang gamit ko doon at baka tumira na muna ako sa mga magulang ko."

"Paano na yung bahay mo rito?"

"Kinausap ko na si nanay Vicky na siya na muna ang bahala sa bahay habang hindi pa ako bumabalik."

"Kailan ba ang flight mo?"

"Mamayang gabi. Kaya ako nandito para mag-paalam lang sayo, Ryelee."

"Sorry kung hindi kita masasamahan sa airport dahil aalis rin ako kasama ang mga kaibigan ko."

"It's okay. Enjoy your vacation." Niyakap ako ni Apollo kaya ginantihan ko na rin siya ng yakap.

"Take care of yourself. Okay?"

"Yes, mommy."

"Mommy ka diyan. Baliw ka talaga." Natatawang naiiling kong sabi.

Napansin ko na rin ang pag-dating ni Tucker kaya nag-paalam na ako kay Apollo at sumakay na ako sa passenger's seat.

"What was that?" Tanong niya.

"Nag-paalam lang sa akin si Apollo na babalik siya sa US para kunin yung mga iniwang gamit niya doon at uuwi na muna siya sa kanila."

Tumango ito. "Ibig sabihin wala kang kasama kapag bukas ng bakeshop mo."

"Wala tayo magagawa. Pero kaya ko naman i-handle ang bakeshop kahit mag-isa lang ako."

Ilang oras ang lumipas noong nakarating kami sa beach at sinalubong kami ni Kim sa entrance ng hotel.

"Mabuti nandito na kayo." Salubong sa amin ni Kim.

"Bakit?" Takang tanong ko sa kanya. Baka may nangyari na hindi namin alam ah.

"Sorry ah. Ayos lang ba sa inyo na mag-kasama sa isang kwarto? Kasi nakalimutan magpa reserve ng room ni Chris kaya naubusan na tayo ng kwarto."

Napalingon ako kay Tucker pero binalik ko agad ang tingin kay Kim. "Ayos lang. May tiwala ako kay Tuck na wala siyang gagawing masama sa akin."

"Here's your key."

"Nasaan yung iba?" Tanong ni Tucker kay Kim.

"Yung mag-asawa ay nagpapahinga na muna sa kwarto nila at yung dalawang lalaki ay hindi ko alam kung saan sila pumunta."

No choice na talaga ako. Kaysa wala ako matulugan kaya pumayag na lang ako mag-kasama kami ni Tucker sa isang kwarto.

"Siguro kang wala akong magagawing masama sayo? Ang huling naalala ko noong huling mag-kasama natin sa isang kwarto ay may nangyari sa atin."

"Ginusto natin pareho iyon, Tuck dahil may tiwala ako sayo. May tiwala rin ako sayo ngayon na wala kang gagawing masama sa akin. Siguro naman ayaw mong masira ang tiwala ko sayo kapag may ginawa kang kalokohan."

Dealing With Mister CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon