28 - SPG

2.7K 60 1
                                    

Hindi ako pinapansin o kinakausap na ni Tucker hanggang makauwi na kami ng Manila. Hindi pa nga tumatagal ang relasyon namin ay may LQ na agad kami. Ganoon ba talaga ang gusto niyang may nangyari sa amin?

Nagpasya akong puntahan siya sa kumpanya nila dahil binisita ko rin ang bakeshop at malapit na iyon matapos. Kung nandito si Apollo ay matutuwa iyon dahil malapit na matapos ang pinapagawa naming bakeshop.

Pagkarating ko sa palapag kung saan ang CEO office, ang station ng assistant ni Tucker ang una kong makikita ko.

"Good morning, ma'am." Bati niya sa akin.

"Nandiyan ba si Tucker ngayon?" Tanong ko sa kanya.

"Sorry po. Nasa meeting si sir Tucker ngayon." Sagot nito.

"Hanggang anong oras ang meeting niya?"

Nawala sa isip ko na pina re-schedule pala ni tito Ian yung meeting dapat ni Tucker. Baka ngayon ang schedule niya doon sa kliyente.

Tiningnan niya ang oras sa relos nito. "Sa tingin ko po malapit na matapos yung meeting ni sir."

"Sige, hihintay ko na lang ang pag-balik niya mamaya." Tumalikod na ako sa kanya at umupo sa couch. Kumuha ako ng isang magazine para basahin habang naghihintay kay Tucker.

Naramdaman ko na ang presensya ni Tucker kaya nilapag ko na ang hawak kong magazine sa table nasa harapan ko. Kaso nakasimangot siya ngayon.

"Hindi niyo po ba nakuha yung deal, sir?" Tanong ni Jun.

"Nakuha ko."

"Kung nakuha niyo po pala ang deal sa kliyente. Bakit po kayo nakasimangot?"

"Hindi lang talaga maganda ang mood ko ngayon." Tumingin saglit sa akin si Tucker pero binalik doon sa assistant niya. "I have meeting with mr. Ramos today, right?"

"Wala po, sir. Tumawag kasi yung sikretarya niya na pinapa cancel ni mr. Ramos yung meeting niyo dahil may emergency daw."

Tumango siya sa kausap. "Okay, thanks." Humarap ulit sa akin si Tucker. "Alam kong may gusto kang sasabihin sa akin kaya ka nandito ngayon."

Nauna na siyang pumasok sa opisina niya kaya sumunod na ako sa loob.

"Tucker, galit ka ba sa akin?" Tanong ko pagkasara ko ng pinto.

"Hindi ako galit sa'yo. Bakit mo naisip na galit ako sa'yo?"

"Ilang araw mo na kasi ako hindi pinapansin o kinakausap. Dahil ba hindi ako pumayag sa kagustuhan mo?"

"Sorry, kung iyan ang naisip mo kung bakit hindi kita pinapansin o kinakausap. Busy lang ako sa trabaho. Ang dami kasi–"

"Pumapayag na ako." Singit ko sa kanya.

"Huh?"

"Pumapayag na ako. Pero sa isang kondisyon."

"Ano iyon?"

"Wala pa talaga sa plano ko ang sundan si Aerith kaya mag-ingat ka ah."

"You have my word, Rye para naman hindi mo ko kilala. Pero bigla yata nag-bago ang isip mo."

Hindi ko nga alam kung bakit ko iyon sinabi sa kanya. Bigla na lang lumabas iyon sa bibig ko. O baka ayaw ko lang hindi ako pinapansin ni Tucker.

"Wala lang." Sabay irap sa kanya.

"Okay. Gusto mo na ba ngayon?" Awtomatikong tumango ako sa kanya bilang kasagutan.

Ang bilis ng kalabog ng dibdib ko noong naglalakad papalapit sa akin si Tucker. Kinakabahan ako dahil ngayon ulit may mangyayari sa amin. Pumayag na naman ako sa kagustuhan niya. Kahit kagustuhan ni Tucker ito ay magugustuhan ko rin naman.

Dealing With Mister CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon