29

2.4K 56 0
                                    

Tucker's POV

Papasok na sana ako sa condo building nang makita ko papasok si Ryelee. Hindi ako pwedeng magkamali. Kahit nakatalikod iyong babae sa direksyon ko ay alam kong siya iyon. Baka bibisitahin ni Ryelee ang anak namin. Simulang kinausap ko si nanay Vicky na doon na sila ni Aerith tumira sa malapit sa akin para maging kampante ako at gusto ko rin bumawi sa dalawang taon na wala ako sa tabi ni Aerith.

"Sir, may bisita po kayo." Sabi noong security. Kilala na rin niya si Ryelee dahil madalas pumupunta rito ang girlfriend ko.

It's either ako o si Aerith ang binibisita niya rito.

"I know. Nakita ko siya pumasok kanina." Sabi ko sa security. Nag-lakad na rin ako papunta sa elevator at pinindot ang up button.

Pagkarating ko sa palapag ay nakita ko si Ryelee nakatayo mismo sa tapat ng unit ko.

"Rye." Tawag ko sa kanya na kinalingon niya. "Bakit hindi ka pumasok sa kabilang unit?"

"I just came here earlier para bisitahin si Aerith." Tumango ako sa kanya. Kung ganoon pala ay bakit siya bumalik. May nakalimutan ba? Or what? Hindi naman si Ryelee iyong tipong makakalimutin. She always double check her things. "Bumalik ako rito kasi... um... gusto kitang bisitahin. Galing kasi ako kanina sa kumpanya at sabi ng guard ay wala daw kayo ni Jun."

Right. Pumunta nga pala kami ni Jun kanina sa isang branch dahil nagkaroon na naman ng problema doon. Sarap batukan ng kakambal ko. Siya ang in charge doon.

"Sorry about that. Hindi ko sinabi sa'yo na pumunta kami ni Jun sa isang branch. Is there something wrong?"

"Wala naman." Niyakap niya ako para bang wala ng bukas. "Namiss lang kita. Ilang araw hindi tayo nag-kita kasi. Ang hirap timingan ang schedule mo nitong mga nakaraang araw."

Ginantihan ko siya ng yakap. "Once again, I'm sorry. Naging busy kasi ang schedule ko ngayon."

Take note, nasa tapat pa kami ng unit ko ah. But I don't care kung ano man ang iisipin ng mga kapit bahay. Girlfriend ko naman si Ryelee. Soon-to-be wife kung kailan handa na siya magpakasal sa akin. Madali lamang asikasuhin ang engagement. Nandiyan ang mga kaibigan namin para tulungan ako kapag handa na si Ryelee.

"Um, pasok na muna tayo sa loob." Sabi ko at humiwalay na sa yakap. Humarap na ako sa pinto ng unit ko para buksan. Nauna na akong pumasok at pinulot ko ang kalat. Masyadong makalat ngayon sa unit ko dahil wala na akong oras para mag-linis. "Sorry, kung makalat. Wala na kasi akong oras para mag-linis ng mga kalat ko."

"I don't really mind. Pero baka hinahayaan mo na ang sarili mo sa sobrang busy mo sa trabaho."

"Of course not. Ayaw kong mag-aalala ka sa akin. Kumakain ako sa oras." Lumapit ako kay Ryelee at niyakap ko siya mula sa likod. I smell her scent. I miss her damn much.

"Mmmph... Tucker, iyong kamay mo." Hinawakan niya ang braso ko nasa loob ng panty niya. "Baka marinig tayo sa kabila."

Damn. Simulang may nangyari sa amin ni Ryelee sa opisina ay parang gusto ko ng araw-arawin. Hinahanap ng katawan ko si Ryelee. Siya lang ang nakakagawa nito sa akin. Kaso hindi siya papayag.

"Tucker, I know you want it." Sabi niya.

"Why? You want it too, babe?" Tanong ko sa kanya. "Kung pwede nga lang araw-arawin natin pero alam kong hindi ka papayag."

Baka magalit na naman sa akin si Ryelee kaya hindi ko na siya pipilitin sa ayaw niya at iisipin na niya ang kagustuhan ko palagi nasusunod.

"Pumapayag ako."

"Wait, what?" Hindi ma-proseso sa utak ko ang sinabi niya.

"Ang sabi ko pumapayag ako." Tumingin siya sa direksyon ko. "Pero huwag naman araw-arawin. Ayaw ko–"

"I know you are not ready to get pregnant. Magiingat ako. Or maybe we should use protection."

"Hindi iyon ang gusto kong sabihin. Patapusin mo muna ako."

"Sorry."

"Ayaw kong mapagod ka. Alam kong marami kang ginagawa sa kumpanya." Humarap na siya sa akin at pinalibot ang mga braso nito sa leeg ko. "How about pumunta ako rito every Friday?"

"Aba, planado ah. Miss mo na rin si buddy, 'no?" Nakangising sabi ko sa kanya.

"Bastos! Hindi, 'no!" Inirapan niya ako at napangiti ako noong makita kong namumula ang pisngi niya. She's blushing.

Tumawa ako. "Alright, then. On Friday after work. Susunduin ba kita sa bakeshop mo?"

Bukas na kasi ang bakeshop na pinapagawa niya. Kahapon yung grand opening ng bakeshop niya. Kapag naalala ko ang nangyari kahapon ay natatawa na lang ako. Mas excited pa si mama kumpara kay Ryelee. I know Ryelee is excited too. Matagal siyang nag-hintay matapos ang bakeshop niya.

"Para hindi ka na gumastos ng pamasahe papunta rito." Dagdag ko pa.

Tango lang ang nakuha kong sagot mula sa kanya. Hinalikan ko siya sa pisngi. Ang cute talaga ni Ryelee kapag nahihiya.

Ilang minuto kami nagyayakapan at halatang miss na miss namin ang isa't isa. Damn, sana pumayag na si Ryelee na magpakasal kami para palagi kami magkikita kahit busy ako sa trabaho. At least sa isang bahay na lang kami. I can't wait if that happens.

"Tuck." Tawag niya sa akin.

"Hmm?" Sagot ko sa kanya.

"Napag isip ko na kung bakit hindi natin sabihin sa mga magulang natin ang tungkol kay Aerith?"

"Really?" Tumango si Ryelee. Isa ito sa gusto kong gawin namin. Iyon alam ng iba ang tungkol sa anak namin. "Sabihin mo lang ako kung kailan at kakausapin ko sila mama."

"Gusto ko iyon nandoon ang lahat. Um, family dinner ulit siguro. But I'm not sure when." Binaon niya ang kanyang mukha sa dibdib ko. "Pero hindi pa ako handa sa mga katanungan ni mama at dad."

"I'm here to help you, babe." Sabi ko.

Inangat niya ang tingin sabay ngiti. "Thank you, Tuck."

"Anything for my girl. I told you before I'll do anything to make you happy."

"I'm so lucky that I have a boyfriend like you. I love you."

"No. I'm so lucky that I have a girlfriend like you, Rye. Mother of my daughter." I cupped her chin and planted a kiss on her lips. "I love you too."

"Nagugutom ako. May pag-kain ka ba dito?" Tanong niya sa akin.

Bigla ako natawa. "Sad to say, wala akong oras mag-luto kaya walang pag-kain dito."

"Mag-bihis ka na habang magluluto ako ng makakain natin." Tumalikod na si Ryelee sa akin.

Inaamin ko masarap mag-luto si Ryelee. Tanda ko pa yung dinalahan niya ako ng baon sa opisina. Hindi lang sa baking marunong ang girlfriend ko.

"Bakit hindi na lang tayo sa kabila kumain? Kapag maaga kasi ako umuwi sa nakiki kain ako sa kabila." Sabi ko. Bonding with Aerith pagkatapos kumain at bago siya matulog.

"Okay. Mag-bihis ka na muna."

Dealing With Mister CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon