"Ano pala ang balita doon sa family dinner niyo noong isang gabi?" Tanong ni Kim habang nakatayo pa rin kami sa dalampasigan.
Tumingin ako kay Tucker at binalik ko agad ang tingin kay Kim. "Tama ang pinagsasabi niyo sa amin. Pinag usapan nga nila ang tungkol sa kasal."
"OMG! Seryoso?" Nagulat si Danica sa sinagot ko.
"Wow. Nagkatotoo ang sinabi namin sa inyo." Natatawang sabi ni Christian at nakipag apiran naman sina Chad at Henry na kinailing ko. Mga baliw talaga ang mga lalaki.
"Pumayag ba kayo?" Tanong ulit ni Kim.
Nag-kibit balikat ako. "Tucker can't disobey what his parents wanted. And I don't want to disappoint my parents too. Kaya wala kaming choice."
"So, alam na ba nila ang tungkol sa anak niyo?" Tanong ulit niya na kinailing ko.
"Hindi ko pwedeng paunahan si Rye baka magalit sa akin. Hihintayin ko na lang siya kung kailan niya gusto sabihin sa kanila pero alam na ni dad ang tungkol kay Aerith."
"Huh? Paano niya nalaman?" Takang tanong ni Chad.
"Yeah, kung hindi niyo pa sinasabi sa kanila." Dagdag ni Henry.
"Narinig ni dad na pinag uusapan namin ni Rye ang tungkol kay Aerith sa kumpanya. Hindi ko kasi inaasahan pupunta si dad."
"So, ano nangyari noong nalaman ni tito Ian ang tungkol sa anak niyo?" Tanong ni Danica.
"Wala naman. Sinabihan niya kami na sabihin sa iba ang tungkol kay Aerith pero hindi pa talaga ako handa. Knowing my parents ay gagawa talaga ng paraan." Tumingin ako kay Tucker. "Pero hindi ko sinasabi na ayaw ko magpakasal sayo ah. Gusto ko na muna mag-enjoy. Matagal tagal na rin hindi ko ginagawa yung mga ginagawa ko noong nag-aaral pa ako."
"I understand. Hindi ako nagmamadali."
"Ang madalas ginagawa ni Lee ay ang pumunta sa club." Sabi ni Kim.
"Huy! Hindi ah. Ngayon taon lang ako pumunta ng club noong hindi pa kami nagkaayos ni Tucker." Humarap ulit ako kay Tucker. "Huwag ka maniwala sa sinabi ni Kim."
"Alam ko. May tiwala ako sa'yo, Rye at alam nating pareho na pagagalitan ka ni tita Luna kapag nalaman nila na pumupunta ka sa club."
Hindi lang pagagalitan ang makukuha ko kay mama. May kasama pa doong sermon kung bakit ako umiinom. Ayaw kasi nila mama at daddy na umiinom kaming tatlo. Kaya kapag nakainom ako ay hindi ako umuuwi sa bahay o umaacting na wala nangyari. Hindi ako lasing. Hindi pa ako nahuhuli nila mama pero kailangan ko ng pigilan ang pag-inom.
Nag-usap kaming lahat kung ano ang gagawin mamaya pero nagpasya kaming mag-swimming lamang sa beach.
"Rye, thank you." Lumingon ako sa likod dahil abala ako mag-hanap ng susuotin sa pag-ligo sa beach.
"Para saan?"
"Sinagot mo ko. Sobrang saya ko ngayon dahil girlfriend ko na ulit ang babaeng mahal ko."
Hindi ko nga pinatagal ang pangliligaw ni Tucker sa akin kumpara noon. Halos 2 weeks lang ang pangliligaw niya sa akin ngayon. Noon kasi ay nagdadalawang isip pa ako. Best friend ko siya at nakakaramdam ako ng awkward.
Ngumiti ako. "Wala yun. Pero thank you rin dahil hindi ka lumayo noong nalaman mong may anak ka sa akin."
Naramdam ko ang pag-yakap ni Tucker sa likuran ko dahilan huminto ako sa paghahanap ng damit. "Um, can I ask you a favor?"
"Sure. Anything."
"Pwede bang sa condo na tumira sina Aerith at nanay Vicky? Para maging kampante ako dahil silang dalawa lang ang nakatira sa bahay ni Apollo ngayon."
Hindi nga rin ako kampante ngayon lalo na may balak bumalik si Apollo sa bahay ng mga magulang niya pagkagaling sa US at hindi ko alam kung may balak pa siya bumalik sa Manila.
"Oo naman. Bibisita na lang ako sa condo kapag may free time ako."
"Kaso pang-isahan lang yung unit ko – Wait, kukunin ko na lang yung katabing unit para may matuluyan sila."
"Baka may nakatira doon ah."
"Wala. Sa tagal ko pa naman nakatira doon ay alam kong wala pang nakatira sa katabing unit."
"Ikaw bahala. Alam kong gusto mong bumawi kay Aerith sa dalawang taon na wala ka sa tabi niya." Nag-labas ako ng mahinang ungol sa ginagawa ni Tucker. "Tucker, ano ang ginagawa mo?"
Humiwalay na siya sa akin at tumayo. "Nothing. Mag-palit ka na at hihintayin kita sa lobby."
Tiningnan ko siya sa likod. "Hindi ka maliligo sa dagat?"
"Wala akong dala pang paligo sa dagat." Sagot nito.
Alam niyang pupunta kami sa beach pero wala siyang dala pang paligo sa dagat.
Nandito na kaming lahat sa beach. Kami mga babae ay nakaupo lamang sa buhangin habang ang mga lalaki naman ay bumili ng maiinom namin. Wala pa nga kami ginagawa pagkaalis namin sa hotel.
"Ano 'yan?" Tanong ni Kim.
"Huh? Ang alin?" Tanong ko sa kanya.
Tinuro niya sa may leeg ko. "Ayan, oh."
Napahawak ako sa leeg ko at bigla ko naalala ang ginawa ni Tucker sa akin kanina. Ang masaklap pa hindi ko napansin agad noong nagpapalit ako ng damit.
"Kiss mark ba iyan? May ginawa ba kayo ni Tuck–"
Pinutol ako ang gustong sabihin ni Kim. "Wala. Bakit may balak ka ba may mangyari sa amin?"
"Wala masama kung may mangyari sa inyo. May nangyari na nga sa inyo noon." Sagot ni Danica.
"Dati pa iyon. Hindi pa ako handa sa ganyang bagay. Kahit nga magpakasal."
Nakita ko na ang mga lalaki. Tumayo na ako dahil lagot sa akin si Tucker sa ginawa niya kanina. Kainis siya. Nilagyan niya ko ng kiss mark. Kung anu-ano tuloy ang pinag sasabi nila Kim lalo na saksi sila kanina na sinagot ko na si Tucker.
Hinatak ko si Tucker palayo sa iba. "Rye? Saan mo ko dadalhin?"
"Alam mo bang bwesit ka." Tinuro ko yung kiss mark na nilagay niya sa leeg ko. "Nilagyan mo talaga ako ng kiss mark ah. Bakit mo naman 'yon ginawa?"
Tumawa lang ito. "Para alam ng ibang kalalakihan na taken ka na. Walang pwedeng lumapit sa'yo."
Wala akong pakialam sa ibang kalalakihan. Ang gusto ko lang ang ama ng anak ko.
"Sa tingin mo ba may pakialam ako sa kanila? Ikaw lang ang gusto ko, Tuck."
"Damn, Rye. Huwag kang ganyan baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko."
Kumurap ako na tumingin sa kanya. "What are you talking about?"
"You know what I mean, babe."
Pinag papalo ko siya sa braso noong marealize ko ang gusto niyang sabihin. "Ang manyak mo. Kailan ka pa naging ganyan?"
"Sa'yo lang ako ganito. Simula siguro may nang–"
"Hindi pwede."
"Huh? Why not?"
"Kahit birthday mo ngayon ay hindi ako papayag."
"Iyon na nga birthday ko ngayon dapat pag-bigyan mo ko, Rye."
"Ayaw ko pa sundan si Aerith. Masyado pa siyang baby."
"Magiingat ako."
"Ayaw ko. At baka hanapin tayo ng iba."
"Ganito na lang. Pag-balik natin sa Manila."
"Tucker, ayaw ko nga! Ano ba hirap intindihin sa sinabi ko?"
Bumalik na naman ang pagiging makulit ni Tucker. Hindi na yata mawawala sa katangian niya ang pagiging makulit.
"Fine. Hindi na kita pipilitin kung ayaw mo." Tumalikod na siya at iniwanan na ako.
Nagalit yata. Aba, first time magalit sa akin si Tucker kung galit nga siya sa akin. Akala ko ba hindi niya magagawang magalit sa akin dahil mahal niya ako o baka hindi talaga ako pumayag sa kagustuhan niya.

BINABASA MO ANG
Dealing With Mister CEO
RomanceAno ang mangyayari kapag pinagkrus ang landas niyo ng iyong ex? Gaya ng dati na parang walang nangyari sa nakaraan? O iiwasan mo siya sa tuwing magkikita kayo dahil dala mo pa rin ang sakit ng nakaraan? Meet Ryelee Salazar masipag, matalino pero tan...