39 - Happy Ever After

2.5K 55 1
                                    

Sobrang saya ko dahil ngayon ang kasal namin ni Tucker at kahapon ay nakita ko muli si Apollo. After 5 years he still single. Mukhang wala pang napupusuan si Apollo after his heart break. Tinutulungan daw niya ang mga magulang niya sa business nila pero ngayon ay bumalik na siya sa Manila at handa na ulit ako tulungan sa bakeshop. Nag-hire rin ako ng tauhan ko sa bakeshop para may katulong ako at tinulungan rin ako ni Tucker na mag-hanap ng maayos na tauhan.

Huminto yung make-up artist sa paglalagay ng make-up sa akin noong may kumatok.

"OMG!" Tumingin ako sa bagong dating at ngumiti ako sa kanila. "Ang ganda mo, girl."

"Thank you, Nica."

"No doubt kung bakit ikaw ang minahal ni Tucker." Natatawang sambit ni Christian. "We're happy for you, Lee. Sa simbahan rin ang bagsak niyong dalawa."

"Of course. May mga anak na rin kami ni Tucker."

"So, susundan niyo na ba mamaya ang kambal?" Bulong ni Danica sa akin. Ngumiti lamang ako sa kanya. "I know the answer."

"Sayang hindi makakapunta si Kim ngayon." Nalungkot ako sa sinabi ni Christian. Kukunin ko sana si Kim bilang maid of honor ko pero naalala kong wala pa lang ideya si Henry at ang pamilya niya tungkol sa anak niya.

Teka, parang familiar sa akin ang nangyayari kay Kim ah.

Natawa na lamang ako sa isipan dahil ganoon na ganoon ang nangyari sa akin dati. Tinago ko si Aerith sa kanilang lahat.

"Lee, kita na lang tayo sa simbahan ah." Paalam ni Danica sabay hatak sa asawa.

Sinabihan na ako ng wedding planner na malapit na daw mag-simula ang seremonya.

Hinatid na ako ni dad sa aisle at nakita ko si Tucker naghihintay malapit sa altar.

"Tucker, kilala kita kaya wala na akong sasabihin sa'yo pero alagaan mo ang anak ko because she is my only princess." Sabi ni dad kay Tucker.

"I will, tito. Gagawin ko siyang reyna ko."

Pagkatapos ng wedding ceremony ay pumunta na kami sa reception. Sa totoo lang ay naiyak ako sa vow ni Tucker dahil nangako rin siya sa mga anak namin.

Hinalikan ko sa pisngi si Tucker dahilan na tumingin siya sa akin. "What was that?"

"A kiss, maybe?" Sagot ko sa kanya.

"I know it's a kiss. Pero bakit mo ko hinalikan sa pisngi? Hindi na lang sa labi." Ngumisi siya sa akin.

Kinurot ko siya sa taligiran. "Kanina mo pa ako hinalikan sa labi ko."

"Ang sarap mo kasi halikan. You're such a great kisser, babe." Nandoon pa rin ang pilyong ngiti ni Tucker. Ano naman kaya ang binabalak nito ngayon?

"Magaling kasi ang nag-turo sa akin." Sagot ko.

Kumunot ang noo nito. "Sino?"

"Addict ka ba? Magtatanong ka pa sa akin kung sino. Eh, ikaw lang naman ang first ko sa lahat."

"Oo nga pala. Ako pala ang first boyfriend mo, first kiss and..." Taas-baba ng mga kilay nito at nandoon pa rin yung pilyong ngiti niya.

Pinalo ko siya sa braso. "Ano ang akala mo sa akin?"

"Ikaw naman, babe. Hindi ka na mabiro ngayon. Meron ka ba ngayon? Hindi pwede 'yan. Honeymoon pa natin mamaya."

"Wala. Katatapos pa lang nang period ko."

"That's great." Biglang sumigla ang mukha ni Tucker noong sinabi kong katatapos lang nang period ko. Ibang klase talaga itong asawa ko. "I can't wait to end this reception."

Dealing With Mister CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon