"Rye?" Namilog ang mga mata ko na lumingon sa likuran and I saw my mom. "Nagaaway ba kayong dalawa ni Tucker?"
"No, tita. May misunder–"
Naiyukom ko ang kamao ko. "Yes. Actually, we're already broke up, ma."
Gulat na lumingon si Tucker sa akin. Wala na akong pakialam kung ito na ba ang tamang panahon sabihin ko sa kanilang wala na kami.
"Bakit? Mahal na mahal niyo ang isa't isa ah."
Hindi porket mahal namin ang isa't isa noon ay hindi na kami pwedeng mag-hiwalay ngayon. Pero siyempre hindi ko iyon pwedeng sabihin kay mama.
"Sorry, ma. Kung hindi ko sinabi agad sa inyo na hiwalay na kami ni Tucker matagal na. Ayaw ko kasi masira ang pagkakaibigan ng pamilya natin kaya hindi ko sinabi sa inyo."
"Tucker, alam na ba ng pamilya mong hiwalay na kayo ni Rye?" Tanong ni mama kay Tucker.
"Wala pa po alam si mama pero sinabi ko na noon kay dad na matagal na kaming hiwalay. Sorry po, tita."
"Paano nangyari ito?"
"Ma, I don't want to talk abo–" Napahawak ako sa dibdib ko dahil kumikirot ito. Hindi ganito ang nararamdaman ko noon sa tuwing naalala ko ang ginawa ni Tucker sa akin. Baka siguro natatakot lang ako pwedeng gawin ni dad at kuya Anton sa kanya kapag nalaman nila lalo na alam na ni mama tungkol sa paghihiwalay namin.
"Rye, are you okay?" Tanong ni Tucker sa akin.
"Rye..." Bakas sa boses ni mama ang pagaalala sa akin. Hindi kasi ito ang unang beses nangyari sa akin ang ganito. "Tucker, dalhin mo si Rye sa malapit na ospital at ako na ang bahala sabihin sa daddy niya ang nangyari."
Nagising ako nasa isang hospital room na ako. Naalala ko dinala pala ako ni Tucker sa ospital dahil sa nangyari kanina.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol sa anxiety mo? Kailan pa nangyari sayo ito?" Tanong ni Tucker sa akin.
Tumingin ako sa kanya pero laking gulat ko na may pasa na siya sa mukha. "Ano nangyari sayo?"
Hiwakan niya ang kanyang pisngi kung saan ang pasa. "Sorry kung inunahan na kitang sabihin sa kanila ang totoo. Noong sinabi ko sa kanila ay pinag susuntok ako ni kuya Anton pero inaawat siya–"
"S-Sorry." Singit ko sa sasabihin niya at doon pumatak ang luha ko. "Kasalanan ko kung bakit ginawa ni kuya iyan sayo."
"Wala kang kasalanan, Rye. Ako ang may kasalanan kung bakit tayo hiwalay ngayon. Kung hindi lang sana kita niloko noon..."
Bumangon ako para umupo sa kama at inabot ko ang mukha ni Tucker. "Tungkol sa anxiety ko... kaya hindi ko sinabi sayo ang tungkol doon dahil ayaw kong magaalala ka sa akin."
"Ayaw mo ko magaalala sayo? Mas lalo ako magaalala sayo, Rye. Ako ang naging boyfriend mo noon tapos wala akong alam tungkol sa anxiety mo. Kailan pa ang unang beses ka inatake ng anxiety mo?"
"Unang beses ako inatake noong mga bata pa lang tayo. Yung mga panahong na trap kami ni Zack sa loob ng elevator sa kumpanya namin. Kaya simula noon ayaw ko na talaga sa mga masisikip na lugar at sinabi na rin ng doctor ko noon na bawal rin ako bigyan ng problema at saka ako rin nag-sabi kila mama na huwag sabihin sayo dahil ayaw ko magaalala ka sa akin. Ang akala ko 'yon ang una at huli na aatakihin ako ng anxiety."
"Ngayon ka lang ulit inatake?" Tumango ako bilang kasagutan.
Hindi ko na alam ang sunod nangyari. Ang huling naalala ko na lang ay dumikit ang labi ni Tucker sa labi ko at hindi lang iyon dahil tumugon ako sa halik niya. Hindi naman ito ang unang beses na hinalikan niya ako simulang nag-hiwalay kami pero hindi ako tumutugon ng halik sa kanya. Bakit ako tumugon ng halik? Kaso bigla ko naalala may girlfriend nga pala siya kaya naitulak ko si Tucker palayo sa akin.
"Hindi tama ito." Umiwas ako ng tingin habang hawak ang labi ko.
"Bakit? Sa bawat halik mo sa akin ay nagkakaroon ulit ako ng pag-asa, Rye. Mahal mo pa–"
"May girlfriend ka na, Tucker." Pag-putol ko sa sasabihin niya sa akin. "Ayaw ko makasira ng isang relasyon. At saka matagal ng wala tayo."
"For the last time, Rye. Mahal mo pa rin ba ako?" Tanong niya sa akin.
Umiling ako. "Wala na tayo, Tucker. Matagal ko ng binura kung ano man ang nararamdaman ko sayo noon."
"If I'm going to break up with my girlfriend. Makikipag ayos ka ba sa akin?" Tanong niya ulit sa akin.
"I'm giving you a second chance pero ang makipag ayos sayo. I don't know." Nag-kibit balikat ako. Ginagawa ko ito para kay Aerith kahit hindi na niya makilala ang ama niya. At least binigyan ko ng second chance si Tucker.
Ngumiti ng tipid si Tucker. "Mas lalo ako nagkakaroon ng pag-asa dahil binigyan mo na ako ng second chance ngayon."
"Hindi ko sinabi sayo na taasan mo 'yang pag-asa mo sa akin. I only gave you a chance but not my trust. Don't expect I will trust you again, Tucker." Humawak ako sa dibdib ko. Bigla na lang kasi sumakit ang dibdib ko. Bakit ganoon? Inaasahan ko na hindi na ako kukulitin pang muli ni Tucker lalo na may girlfriend na siya. Dapat masaya ako pero hindi ko magawa. Mas lalo ako naiinis noong nalaman ko kay Chad na may girlfriend na si Tucker. Maybe I still love him. Hindi siya mawawala sa puso ko.
Tumango lang si Tucker at tumalikod na siya sa akin. Lumabas na siya ng hospital room na wala man lang sinabi sa akin na kahit ano.
Sana isipin na lang niya ang kanyang girlfriend kaysa sa ex girlfriend niya. Ex na niya ako. That means I'm his past.
"Bakit umiiyak ang baby girl namin? May ginawa ba sayo si Tucker?"
Tumingala ako kay kuya Anton. Hindi ko namalayang pumasok pala siya sa hospital room. "Kuya naman. Hindi na ako baby ngayon. Malaki na ako at ayaw ko pag-usapan kung ano ang nangyari kanina. Gusto ko na rin ang umuwi."
"Inaasikaso na ni mama yung hospital bill mo rito. Ano ba ang nangyari sayo kung bakit ka inatake ulit ng anxiety mo?" Alam kong nagaalala rin sa akin si kuya Anton. Dahil nag-iisang kapatid na babae ako ay masyadong overprotective sa akin sina dad at kuya Anton. Noong maliit pa ako ay hindi pumapayag sila mama na makipag laro ako sa ibang bata kung hindi ko kasama ang mga kapatid ko. Pero si Zack ang madalas kong kasama noon dahil kakambal ko siya.
"Nagaalala ako kung ano ang pwede niyong gawin kay Tucker kapag nalaman niyong hiwalay na kami."
"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang nangyari noon sa inyo? Ang akala pa namin ay kayo pa rin ni Tucker."
"Sorry, kuya. Natatakot lang talaga ako."
Hindi na sumagot pang muli si kuya Anton dahil niyakap niya ako. Kaya mahal na mahal ko ang pamilya ko kasi naiintindihan nila ang sitwasyon ko. Pero paano kung isang araw ay sabihin ko sa kanila ang tungkol kay Aerith?
BINABASA MO ANG
Dealing With Mister CEO
RomansaAno ang mangyayari kapag pinagkrus ang landas niyo ng iyong ex? Gaya ng dati na parang walang nangyari sa nakaraan? O iiwasan mo siya sa tuwing magkikita kayo dahil dala mo pa rin ang sakit ng nakaraan? Meet Ryelee Salazar masipag, matalino pero tan...
