3 - When They Met Again

3.8K 86 1
                                    

Pinapupunta ako agad ni dad sa kumpanya namin para i-train ako maging CEO ng kumpanya. Even I don't want to be a CEO of our company. May pangarap akong gusto ko tuparin pero dahil nga sa kasunduan namin ni dad para mapayag ko siya sa Australia ako magaaral ay ako mismo ang papalit sa kanya sa pwesto niya bilang CEO.

Pagkatapos ko kumain ng agahan at maligo ay pumunta na ako agad sa kumpanya. Commute lang ako dahil nga wala akong sariling kotse. Ayaw ko rin tawagin ang driver namin. Noong nasa Australia pa ako nakatira ay palagi ako nagcocommute kung papasok o may pupuntahan. Sanay na siguro ako sa ganoong buhay.

Lumapit ako sa driver nasa harapan ko. "Manong, wala na bang ibang daan?" Tanong ko sa driver ng taxi. Naipit kasi kami sa traffic. Lagot ako nito kay dad.

"Sorry, boss. Talagang naipit na tayo ngayon sa traffic. Hindi rin tayo pwedeng bumalik dahil wala tayong maatrasan." Sabi noong driver.

Sumandal na ulit ako sa upuan. Ano pa nga ang magagawa ko? Nandito na rin naman kami kaysa hindi ako makarating sa kumpanya.

Damn it. Tumatawag na sa akin si dad ngayon. Paniguradong tinatanong niya ako kung nasaan na ako ngayon kaso niisang tawag niya ay hindi ko sinasagot.

Inabot ako ng isa o dalawang oras bago nakarating sa kumpanya namin. Sobrang traffic.

Pagkarating ko sa palapag ng CEO office ay binati ako ng sikretarya ni dad kaya binati ko rin siya. Matagal na siyang sikretarya ni dad. Bata pa lang ako ay siya na ang sikretarya ni dad.

"Nasa loob po ba si dad?" Tanong ko sa kanya.

"Kanina pa kayo hinihintay ng daddy niyo, Tucker." Sagot niya sa akin. Ang layo ng sagot na ineexpect ko sa tanong ko.

"Okay po. Puntahan ko na lang siya sa loob ng office niya."

Nandito na ako ngayon sa tapat ng office ni dad pero bago pa ako kumatok ay inayos ko na muna ang sarili ko at saka ako kumatok sa pinto.

"Come in." Utos ni dad mula sa loob ng office niya.

Binuksan ko na ang pinto at sumilip sa loob. Hindi ko inaasahan may iba pa lang tao rito maliban kay dad. "I'm sorry I'm late, dad. Naipit ako sa traffic kanina."

"Hindi na importante yan. Ang importante ay nandito ka na ngayon." Sabi ni dad.

Hindi maalis ang tingin ko sa babae nakatalikod sa direksyon ko. Inoobserban ko siya mula ulo hanggang paa kahit nakatalikod ito. Maganda siya pero wala pa rin siya binatbat kay Ryelee.

"What happened to your face, son?" Kunot noo tanong ni dad sa akin.

Hinawakan ko ang pisngi ko kung saan ako sinuntok ni Christian kahapon. "Habang naglalakad ako papunta sa unit ko ay hindi ko namalayan na may pader pala kaya ayun bumangga ako. Sobrang pagod na rin kasi ako."

"Be careful next time, son." Binaling naman ni dad ang tingin doon sa babae.

I wonder who is she. Halos isang minuto na ako rito sa office ni dad pero hindi pa siya humaharap sa akin.

"Hija, are you okay?" May pagaalalang tanong ni dad sa kanya at tumingin siya kay dad saka tumango.

"I'm fine po." Namilog ang mga mata ko noong marinig ang boses na iyon. Hindi ako pwedeng magkamali.

Humarap na yung babae sa direksyon ko at hindi nga ako nagkamali. Si Ryelee nga. Ano ang ginagawa ni Ryelee sa kumpanya namin? Hindi naman niya profession ang mag-trabaho sa isang kumpanya dahil ang pangarap niya ay mag-tayo ng sarili niyang bakeshop.

"Ryelee, I'm sure you still remember my son, Tucker." Sabi ni dad.

"Of course po. Paano ko naman po makakalimutan si Tucker?" Nakangiting sagot niya kay dad pero pag tingin niya sa akin ay nawala na yung ngiti niya. Isang seryosong mukhang ang binigay ni Ryelee sa akin.

Dealing With Mister CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon