Tucker's POV
Inabala ko na lang ang sarili ko sa kumpanya dahil gusto kong kalimutan si Ryelee kahit mahirap gawin. Hindi ko alam kung tama ba itong ginawa kong lumayo na sa kanya at hindi na magparamdam pang muli. Ito naman ang gusto ni Ryelee ang lumayo ako sa kanya. Kaya ginawa ko naman ang gusto niya.
Narinig kong may kumatok sa pinto ng opisina ko kaso hindi ko na lang iyon pinansin. "Sir? May bisita po kayo ngayon."
Inangat ko ang tingin kay Jun sabay kunot ang noo ko. "Sino?"
"Ako, pare." Sabi noong bisita ko. Si Chad lang pala.
"Bumalik ka na sa trabaho mo, Jun." Umalis na si Jun kaya binalik ko na ang tingin sa mga dokumento. "Ano ang ginagawa mo rito, Chad? Wala ka bang trabaho?"
"Day off ko ngayon." Sagot niya sa akin.
"Kaya ba nandito ka ngayon para kulitin ako? Look, I'm busy. Marami pa ako–"
"Pare, alam kong lumalayo ka na kay Lee ngayon. Pero seryoso ka ba?" Tumingin ako kay Chad dahil sumersyoso ang mukha niya ngayon.
"Ginawa ko lamang ang gusto niya. Ang lumayo ako sa kanya."
"Mahal mo pa ba siya?"
"Oo naman. Mahal ko si Rye kaya handa akong gawin ang lahat para sa kanya. Kahit luma–"
"I'm here because I want to help you. Bakit hindi mo pag-selusin si Lee?"
Kumunot muli ang noo ko. "Pag-selusin? Sa anong paraan?"
"Bakit hindi tayo mag-hanap ng babae na magpapanggap na girlfriend mo? Yung hindi pa kilala ni Lee para hindi halatang planado ang lahat na ito."
"I don't think that's a good idea, Chad. Matalino si Rye para maniwala sa ganitong bagay. At baka nga wala siyang pakialam kung magkaroon man ako ng bagong girlfriend."
Imbes na magkaayos na kaming dalawa ay baka mas lalong magalit pa sa akin si Ryelee. Pero ang tanong ba magkakaayos na nga ba kami sa pag-balik niya.
"I agree what your friend's idea." Sabi noong mystery guy kaso familiar sa akin yung boses na iyon.
Kumunot ang noo na tumingin sa bagong dating at laking gulat ko na makita kung sino. "Hermes! What are you doing here? How did you know where can you find me?"
"Tsk, tsk. You already forgot what my job is." Nawala nga sa isip ko isa nga pa lang magaling na detective itong si Hermes. "And why I'm here? I have a special mission here in Philippines."
Special mission? Ano naman yung special mission na binabanggit nito?
"Sino siya?" Napatingin ako kay Chad noong tanungin niya ako ng mahina.
"Sorry. Where's my manners." Narinig pala ni Hermes ang tanong ni Chad. "I'm Hermes Spencer and you are?"
"Chad Reyes. I'm one of Tucker's friend."
"It's nice to meet you, Chad." Nilahad ni Hermes ang kanyang kamay.
Tinanggap naman ni Chad at nakipag handshake siya kay Hermes. "Pleasure is mine."
"Oh." Binaling ulit ni Hermes ang tingin sa akin. "I know someone who can help you, Tucker."
"Who?"
"Lisa. I heard she is also here."
"Really? Lisa is also here?!" Hindi ako makapaniwalang nandito rin ang isa sa mga kaibigan ko sa Australia.
Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ng mga kaibigan ko rito. Itong si Hermes ay sinabi niyang may special mission daw siya. Eh, si Lisa kaya?
"Ano ang sagot mo, pare?" Tanong ni Chad sa akin.
"Let me think about it."
"Come on, Tucker. You don't have to think about it."
"Okay, ganito ang plano." Tumingin na muna si Chad kay Hermes. "Can you understand Tagalog?"
Tumango siya. "Yes, I am but it really hard for me to speak."
"Alright. You don't have to speak." Binaling ulit ni Chad ang tingin sa akin. "Ako ang magsasabi kay Lee na may bago ka ng girlfriend ngayon. Na aksidente kitang nakita na may kasamang ibang babae."
"I like that idea." Pag-sang ayon ni Hermes kay Chad.
"Thanks, man. Ngayon ay kailangan niyong kausapin ang kaibigan niyo para pumayag siya sa plano natin na pag-selusin si Lee."
Tumango lang si Hermes na talagang sumasang ayon siya kay Chad. Naiiling na lang ako kahit hindi pa namin ginagawa ang operation na ito ay pakiramdam ko hindi magiging maganda ang resulta. Knowing Ryelee, she's really stubborn. Kahit hindi niya aminin ay pakiramdam ko may pag-asa pa ako sa kanya. Sa bawat kilos niya. Noong araw bago siya umalis ay kitang kita kung paano siya natuwa noong makita niya ako. Dahil nga sabay kami lumaki ni Ryelee ay kilala ko siya. Wala pa rin nag-bago sa kanya kahit dalawang taon na ang lumipas. Kahit ba sabihin niya sa akin na marami nag-bago sa kanya pero para sa akin ay wala nag-bago sa kanya. Kahit ang pagiging matigasing ulo.
Siya pa rin ang Ryelee na minahal ko noon hanggang ngayon. Gagawin ko ang lahat para patawarin niya lang ako. Kahit sabihin niya sa akin na tumalon ako sa building o magpasuntok ako kay tito Edwin at kuya Anton ay gagawin ko para patawarin ako ni Ryelee. Pero ang tungkol sa ideya ni Chad ay hindi ako sigurado. Baka mas lalong lumala ang galit niya sa akin at hindi lang 'yon baka magalit rin sa akin ang iba kapag nalaman nilang may fake girlfriend ako para pag-selusin si Ryelee.
Bakit kasi ang hirap kunin ng loob ni Ryelee? Isang beses ko lang naman siya niloko. Kung maraming beses ay maiintindihan ko pa pero isang beses lang iyon. Hindi ba ako karapat-dapat bigyan ng second chance? Handa akong baguhin ang lahat na maling ginawa ko noon basta patawarin niya lang ako. Iyon lang ang hiling kong gawin niya.
Gusto ko nga ulit makasama ng matagal si Ryelee.
"Ano ang sagot mo, pre?" Bumalik ako sa katinuan noong marinig ko ang boses ni Chad. Sobrang lalim ng iniisip ko kanina at nakalimutan ko nandito pala silang dalawa.
Imbes na sagutin ko siya tumahimik na lang ako. Hindi ko alam kung ano ba ang i-sasagot ko kay Chad. Papayag ba ako o hindi? Kung papayag ako ay mas lalong magagalit sa akin si Ryelee at may chance na hindi na niya ako pansinin. Kung hindi naman ay hindi ko malalaman kung magseselos ba siya o hindi. Gusto ko malaman kung magseselos ba talaga siya.
BINABASA MO ANG
Dealing With Mister CEO
RomanceAno ang mangyayari kapag pinagkrus ang landas niyo ng iyong ex? Gaya ng dati na parang walang nangyari sa nakaraan? O iiwasan mo siya sa tuwing magkikita kayo dahil dala mo pa rin ang sakit ng nakaraan? Meet Ryelee Salazar masipag, matalino pero tan...
