Dahil busy ngayong araw kasi ang dami naming orders tapos bukas na yung birthday ni Christian. Hindi ko pa nagagawa yung cake para sa birthday niya.
Habang abala ako sa pag-lagay ng icing sa cake ay may narinig akong parang bumagsak ang isang tray. Nilagay ko sa tabi ng cake yung hawak kong icing at lumabas na sa kusina para alamin kung ano ang nangyari kay Apollo. Nakita ko si Apollo nakatayo lang habang may isang lalaki ang nasa harapan niya. Ngayon ko lang nakita yung lalaki.
"Hermes, how did you find me? And what are you doing here?" Tanong niya sa lalaking nasa harapan niya.
"Someone told me where I can find you. And I'm here because I really want to see you, brother." Sagot noong lalaki na kinagulat ko. Brother?! Hindi ko alam may kapatid pala si Apollo. Ang akala ko ay only child lang siya kasi wala siyang binabanggit sa akin noon na may kapatid pala siya.
"Why?"
"Artemis is missing. I don't know where–"
"What?!" Napasigaw sa gulat si Apollo. Sino naman kaya ang Artemis na 'yon?
"Maybe you know. Since she is your twin sister."
Umiling si Apollo sa kausap niya. "No. I have no idea where Artemis right now. It is been a long years since the last time I saw her."
Bumuntong hininga yung Hermes. "Our mother's worried about her. Alright, I have to go."
Pagkaalis noong Hermes ay humarap sa direksyon ko si Apollo at gulat na gulat nang makita akong nakatayo sa likuran niya.
"Ryelee..." Tumikhim siya. "Narinig mo ba ang lahat?"
Tumango ako. "Sorry. Hindi ko sinasadyang marinig ang pinaguusapan niyong dalawa kanina. Pero..."
"Curious ka kung sino siya?" Tumango ako. "He is Hermes Spencer and my half brother. At yung Artemis naman ay ang twin sister ko."
"Huwag mong rin sabihin sa akin may half siblings ka pa pangalan ay Aries at Athena tapos ang tatay niyo ay si Zeus. Nakatira kayo sa Mt. Olympus."
Tumawa siya. "Hindi. Wala na akong kapatid na Aries at Athena. Tatlo lang kami magkakapatid at hindi Zeus ang pangalan ng ama namin. Mas lalong hindi kami sa Mt. Olympus nakatira. Sobra na ang pagka addict mo sa Greek Mythology kaya pati ako ay naisipan mo ng ganyan."
"Baka lang." Dismaya ako dahil ang akala ko pa naman magkakaroon na ako ng kaibigan na Greek God. "Wala naman masamang mangarap lalo na Greek God ang pangalan niyong dalawa."
"Sorry sa nangyari kanina. I wasn't expected to see Hermes here. Ang alam ko ay nasa Australia siya ngayon."
"You don't need to apologize. Back to work na tayo dahil kailangan pa natin tapusin yung trabaho. Bukas na kasi ang birthday ni Chris."
"Kung gusto mo ako na ang magtatapos sa cake para sa delivery para magawa mo na yung cake ni Christian sa birthday niya. Para mapapadali yung trabaho."
"Mabuti pa nga."
Ang tahimik ni Apollo simulang nakita niya ang kapatid niya kanina. Siguro iniisip niya ngayon ang tungkol sa kakambal niya. Hindi ko talaga inaasahan may kakambal rin pala siya.
"Alam ko kung saan makikita ang kakambal ko." Tumingin ako kay Apollo noong nag-salita siya. "Pero nangako ako kay Artemis na wala ako pagsasabihan kung saan siya ngayon."
"Bakit ba siya nagtatago?" Tanong ko.
"Because of our step father. Hindi kasi maganda ang relasyon nilang dalawa simulang umapak kami ng college. Last year tumawag sa akin si Artemis at sinabi niya sa akin ang lahat. Kahit ang pag-alis niya na walang paalam kahit sino pero sinabi niya sa akin kung saan siya ngayon kaso ayaw niya ipasabi sa iba kung saan siya nagtatago. I don't know my sister anymore, even she is my twin sister."
"Alam kong magiging maayos ang lahat, Apollo." Niyakap ko si Apollo. Gusto ko bumawi sa lahat na ginawa niya sa akin noon.
Ngumiti siya. "Salamat, Ryelee."
Pagkahiwalay namin ni Apollo sa pagkayakap ay babalik na sana ako sa ginagawa ko kaso laking gulat ko noong makita ko si Tucker nakatayo sa labas ng kusina. Hindi ko man lang napansin ang pag-punta niya rito. Hinabol ko siya noong umalis siya ng bahay namin.
"Tucker, wait!"
Huminto siya sa tapat ng kotse niya. "Bumalik ka na sa loob. Baka nakakaisturbo ako sa inyo."
"Ano ang pinunta mo rito?"
"Wala. Gusto ko lang malaman kung pupunta ka ba bukas sa birthday ni Chris."
"Oo naman. Ako ang gumagawa ng cake na nirequest ni Nica para sa birthday ng asawa niya." Sagot ko.
"I see. Kung gusto mo sumabay ka sa amin bukas para hindi ka na gumastos ng pama–"
"Para saan pa?"
"Hindi mo na kailangan gawin 'yan. Kasama ako ni Ryelee bukas doon." Lumingon ako sa likod noong marinig ko ang boses ni Apollo.
Sumakay na ng kotse si Tucker at umalis na wala man lang pasabi. Ano problema noon?
"Sasama ka?" Tanong ko kay Apollo.
Tumango siya. "Hindi mo naman maidadala na mag-isa ang cake bukas kaya sasamahan kita. At para lumayo na sayo ang ex mo."
Ito talaga ang nagustuhan ko kay Apollo. Maalalahanin at maasahan sa kahit anong bagay.
"Pero alam niyang hindi ako pumapasok sa isang relasyon."
"Ako na ang bahala. Lalo na nalaman ko rin na may girlfriend na pala siya kaya paniguradong hindi ka niya guguluhin sa birthday ng kaibigan niyo. At huwag ka lalayo sa akin para hindi siya makalapit sa 'yo."
Natahimik ako noong banggitin ni Apollo ang girlfriend ni Tucker. Nakaramdam na naman ako ng kirot sa dibdib ko. Ayaw na ayaw ko ang ganitong pakiramdam.
Mahal ko pa rin si Tucker.
At naalala ko bigla ang sinabi nina Kim at Danica sa akin noong isang araw. Dapat ko bang sabihin kay Tucker ang nararamdaman ko para sa kanya? Na siya pa rin ang mahal ko. Siguro nga tama ang sinabi nila sa akin kaysa magsisi ako sa huli kapag hindi ko inamin kay Tucker. Kahit rin ang tungkol kay Aerith.
"Musta na pala si Aerith? Naging makulit ba siya?" Biglang tanong ko. Isang araw kasi ako hindi nakapunta sa bahay ni Apollo para bisitahin si Aerith.
"Hindi naman siya makulit. Tahimik nga sobra si Aerith."
Napansin ko nga rin 'yon hindi masyadong makulit at madaldal si Aerith. Kanino kaya siya nag-mana? Malabo kay Tucker dahil makulit siya noong mga bata pa lang kami kahit rin naman ngayon ay makulit pa rin siya. At mas lalong hindi sa akin dahil madaldal akong tao pero nag-bago ang lahat noong nag-hiwalay kami ni Tucker.
BINABASA MO ANG
Dealing With Mister CEO
DragosteAno ang mangyayari kapag pinagkrus ang landas niyo ng iyong ex? Gaya ng dati na parang walang nangyari sa nakaraan? O iiwasan mo siya sa tuwing magkikita kayo dahil dala mo pa rin ang sakit ng nakaraan? Meet Ryelee Salazar masipag, matalino pero tan...