20 - Revelation

2.5K 63 0
                                    

"Saan ka natulog kagabi?" Salubong sa akin ni mama pagkauwi ko sa bahay. Hindi ko inaasahan maaga magigising si mama ngayon. Umalis ako sa bahay ni Apollo wala pang araw para iwas traffic pero sa masamang palad ay nahirapan akong sumakay ng taxi dahil wala pala masyadong pumupuntang taxi sa lugar nila. Kapag pumupunta kasi ako doon ay hinahatid at sinusundo ako ni Apollo.

"Nakitulog po kila Nica." Pagsisinungaling ko. Hindi ko kasi pwedeng sabihin nakitulog ako sa bahay ni Apollo dahil paniguradong papagalitan ako. Hindi mawawala ang hangover ko kung sesermunan ako ni mama ngayon.

"Okay. Maligo ka na muna bago kumain. Baka dumating na si Apollo para makapag trabaho na kayong dalawa."

Habang naliligo ako ay iniisip ko kung may importante ba akong gagawin ngayon. Wala ako maalala. Sobrang lasing ko talaga kahapon.

Pagkatapos ko maligo ay nakita kong may tumatawag sa akin. Ang tumatawag ay galing sa kumpanya nila Tucker. Kaya sinagot ko na ang tawag.

"Good morning, ma'am. Pinapaalam po ni sir Tucker kung anong oras daw kayo makikipag kita sa kanya mamaya."

Kumunot ang noo ko. Bakit naman ako makikipag kita kay Tucker mamaya?

"Pwede ba tayo mag-kita bukas na tayong dalawang lang? Doon sa park malapit sa amin."

"May gusto akong sabihin sayo bukas. Kung hindi ka busy. Kung busy ka ay ayos lang."

Shit shit! Bakit ko iyon sinabi sa kanya kagabi? Ito nga ba ang sinasabi ko kaya ayaw ko malasing dahil kung anu-ano ang sinasabi ko.

"Ma'am?"

Huminga ako ng malalim. "Sabihin mo sa boss mo mga 10."

"Okay po. Sasabihin ko kay sir Tucker."

Pagkatapos kong kausapin ang assistant ni Tucker ay tiningnan ko ang oras. Dahil tapos na rin naman ako maligo kaya magpapalit na lang ako ng damit. Nasabi ko sa kanya na may sasabihin ako at baka umasa sa akin si Tucker kung ano ang dapat kong sasabihin sa kanya. Bahala na kung ano magiging resulta ng pagkikita naming dalawa.

Pumunta na ako sa park malapit sa bahay pagkatapos ko kumain ng agahan. Medyo may hangover pa rin ako baka mag-hintay pa sa akin si Tucker kahit ako yung malapit rito.

Ilang minuto na ako naghihintay sa kanya pero ni anino niya ay wala pa. Makakapunta pa ba iyon ngayon? But I know Tucker. Kung sasabihin niyang pupunta siya, pupunta talaga siya. Baka traffic lang. Traffic naman kasi sa Pilipinas.

"Hi." Nilingon ko yung boses. Nandito na nga siya sa harapan ko. "Sorry kung ngayon lang ako nakarating. Marami pa kasi pinapagawa kay Jun tapos naipit pa ako sa traffic."

"Ayos lang. Ang importante ay nakarating ka." Sabi ko sabay hilot sa sentido ko. Sumakit na naman kasi ang ulo ko ngayon. Nakalimutan ko kasing uminom ng gamot para sa headache.

"Ano ba ang gusto mong pag-usapan?" Tanong nito pero tinapik ko yung space sa bench para umupo siya doon. Umupo naman si Tucker sa tabi ko.

"Naalala mo ba yung nangyari noong huling uwi mo rito sa Pilipinas 2 years ago?"

Umiling ito sa akin. "Alin doon? Marami akong ginawa 2 years ago."

"Nangyari sa atin noong gabi pagkatapos ng graduation ko."

"How could I forgot about that? Isa iyan sa hindi ko makakalimutan, Rye. Bakit gusto mong malaman?"

"Hindi mo naisip ang pwedeng mang–" Hindi natapos ang sasabihin ko noong nag-salita muli si Tucker.

"Deretsuhin mo na ako, Rye."

"I was pregnant that time. Wala akong ideyang buntis ako noong pumunta ako ng Australia para surpresahin ka. Nalaman ko na lang noong nasa US na ako."

Wala akong natanggap na sagot mula kay Tucker. Tumingin ako sa kanya kaso tulala ang kausap ko. Napabuntong hininga ako.

"Buntis ka noon? That means I'm already a father? Bakit hindi mo sinabi sa akin, Rye?"

"Galit ako sayo dahil sa ginawa mo noon pero sasabihin ko sana sayo ang tungkol sa bata pagkagaling ko noon sa US kaso nabalitaan kong may girlfriend ka na kaya hindi ko na tinuloy." May luhang pumatak sa pisngi ko. Natatakot ako ngayon dahil alam na ni Tucker may anak siya sa akin. Baka lumayo na siya sa akin ngayon. "Ngayon alam mo ng may anak ka sa akin. Lalayo ka na–"

"I really want to meet our child. Lalaki? O babae?"

"Babae." Sagot ko.

"Ano pangalan niya?"

"Aerith."

"Sino ang kamukha niya?"

"Ikaw." Doon nga ako naiinis dahil kamukhang kamukha talaga ni Aerith si Tucker. Parang pinag biyak na bunga ang dalawa. "Ako naman ang magtatanong sayo. Lalayo ka na ba ngayon alam mo ng may anak ka sa akin?"

"Gusto mo na ba talagang lumayo ako sayo? Sabi ko nga sayo hindi na kita guguluhin kung pumayag kang bigyan ako ng anak. Sayo ang bata pero payagan mo rin sana ako na tulungan kita sa mga gastusin niya."

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Baka kung anu-ano na naman ang iisipin nito kapag sinagot ko siyang huwag na lumayo. Baka bumigay na ako kapag tinanong niya ulit ako kung mahal ko pa rin ba siya.

"Rye, kung ako ang magdedesisyon ay ayaw kong lumayo lalo na nalaman kong may anak pala ako sayo."

"Pero hindi ko ito ginawa para hiwalayan mo ang girlfriend mo, Tuck. Ginawa ko lang kung ano ang tama. Kahit anong gawin ko ay ikaw pa rin ang ama ni Aerith."

Hindi na muling sumagot si Tucker noong dumikit ang labi niya sa labi ko. Kaso bumigay na ako dahil tumugon ako sa halik niya. Sobrang na miss ko sa tuwing hinahalikan ako ni Tucker. Yung mga yakap niya at sa tuwing nagaalala siya sa akin kahit ayaw ko masyado siyang magaalala sa akin. Para kasing tinuturing niya akong bata, hindi girlfriend. Isa rin kasi itong overprotective sa akin kaya pinagkatiwalaan rin siya ni daddy. Ayos lang sa kanila kung kasama ko si Tucker.

"Rye, makinig ka na muna sa akin." Dinilat ko na ang mga mata ko noong nag-salita na si Tucker. "Hindi ko totoong girlfriend si Lisa. Ang lahat na ito ay planado lang dahil gusto ko malaman kung nagseselos ka ba talaga o hindi."

Planado ang lahat na iyon? Bullshit. Nag-selos ako sa hindi naman pala niya totoong girlfriend.

"I'm sorry, Rye. Alam kong galit ka sa ginawa ko."

Umiling ako sabay ngiti. "You win."

Dealing With Mister CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon