10

2.4K 70 0
                                    

"Ang sarap ng gawa mong cake ah." Sabi ni tita Priscilla na kinangiti ko.

"Salamat po."

"Your tita is right. Sigurado akong marami ang pupunta sa bakeshop niyo kapag tapos na yun." Sabi ni tito Ian.

"Habang hindi pa tapos yung bakeshop na pinapagawa niyo. Saan kayo nagbebake ngayon?" Binaling ko ang tingin kay ate Farrah.

"Samantala sa bahay na muna kami nagbebake ng cake habang wala pa yung bakeshop namin."

Pagkatapos namin kumain ay hindi pa ako makaalis dahil kinakausap pa ni tito Ian si Tucker. Tungkol siguro sa kumpanya nila.

"Ryelee." Tumingin ako kay ate Farrah. "Sabihin mo nga sa akin ang totoo."

"Anong totoo, ate?"

"Nag-away ba kayo ni Tucker?"

Nanigas ang buong katawan ko sa tanong ni ate Farrah sa akin. Hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin sa kanila ang totoo.

"Hindi ako magagalit sayo kung sasabihin mo sa akin ang totoo."

Yumuko ako. "We broke up 2 years ago." Mahinang sambit ko. Sakto lang na si ate Farrah ang makarinig noon.

"Ano?! Paano nangyari?"

"Naalala mo pa po ba yung tinanong ko kayo kung saan nakatira si Tucker sa Australia?"

Tumango sa akin si ate Farrah. "Yes, I remember that. May balak ka pang surpresahin si Tucker noon."

"Pagkarating ko sa address na binigay niyo sa akin para supresahin si Tucker pero ako ang na surpresa. Nahuli kong may kahalikan siyang ibang babae."

"Ano?! Sa anong dahilan kung bakit ginawa ng kapatid ko 'yon sayo? Gusto ko pa naman ikaw ang maging sister-in-law ko."

Ngumiti ako ng pilit kay ate Farrah. "Baka hindi kami para sa isa't isa."

"Alam na ba ng pamilya mo ang nangyari sa inyo ni Tucker?"

Mabilis akong umiling. "Hindi pa. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanila ang lahat na hindi masisira ang pagkakaibigan ng pamilya natin. At ayaw ko rin mapahamak si Tucker kapag nalaman ni kuya. Knowing him, handa siyang pumatay ng tao dahil walang pwede ang magpaiyak sa akin."

"Tama ka. Masyadong overprotective si Anton sayo."

Nagpaalam na kami sa kanilang lahat noong tapos na si Tucker kausapin ni tito Ian tungkol sa kumpanya nila. Bago pa nga kami umalis ng bahay nila ay nakatikim pa nga si Tucker na pingot mula kay ate Farrah.

"Ano ba ang pinag-usapan niyo kanina ni ate at bigla na lang ako piningot sa tenga." Hawak pa rin niya ang tenga niya kung saan siya piningot kanina at ang isang kamay niya ay nasa manebela. "Ang sakit. Para tuloy matatanggal ang tenga ko."

"Sinabi ko lang kay ate Farrah ang totoo. Hiwalay na tayong dalawa."

"Kaya naman pala. Okay, listen... seryoso ako sa ginagawa ko para maayos tayo–"

"Tucker, please lang. Huwag mo ng guluhin pa ang buhay ko. Tahimik na ang buhay ko noong wala ka. Masaya na ako."

"Hindi mo na ba ako mahal ngayon, Rye?"

"Lasing lang ako noon kaya hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi ko."

Siyempre hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya ang totoo. Na may nararamdaman pa ako sa kanya.

"Sino pala yung kausap mo noong nasa labas ka ng unit ko at sinabihan mo ng I love you too?" Tanong nito.

Namilog ang mga mata ko na tumingin sa kanya. "Huh? Wala naman akong sinasabihang I love you too noon ah. Baka guni-guni mo lang yun."

"Baka may tinatago ka sa akin na may boyfriend ka."

"Hoy! Hindi ako katulad mo! At saka wala na akong balak pumasok sa isang relasyon. Mag-focus na lang ako sa trabaho ko."

"May balak ka na pala tumandang dalaga ngayon."

Hindi ko na inabalang sagutin pang muli si Tucker at dumungaw na ako sa labas ng bintana. Ayaw ko kasi ganoong usapan. Tungkol sa relasyon.

"Dahil ayaw mo pumayag sa kagustuhan ko na bigyan ako ng anak para tigilan na kita. Kaya hindi ako titigil sa pangungulit sayo, Rye."

Inaamin kong makulit na tao talaga itong si Tucker kaya minsan – hindi pala minsan. Madalas nakakainis na siya.

"Bakit ba pinipilit mo sa akin na bigyan kita ng anak ah? Dahil ba magkaroon ka ng tagapag mana? Tsk. Marami pa naman diyan na handang bigyan ka ng anak. Kahit ilan pa ang gusto mo ay handa ang ibang babae bigyan ka. Basta ihanda mo lang ang pera mo dahil 'yon ang habol nila sayo kapag binigyan ka na nila ng anak." Mahabang sabi ko.

"Ayaw ko sa kanila. Gusto ko ikaw ang maging ina ng magiging anak ko, Rye."

"Manigas ka at hindi iyan mangyayari." Binaling ko ulit ang tingin sa labas ng bintana.

"Kung hindi ganito nangyari sa atin ngayon. Siguro kasal na tayo at may mga anak na rin."

"Pero ikaw ang may kasalanan kung bakit ganito ang nangyari sa atin ngayon." Tumingin ako sa kanya dahil may gusto akong malaman. "Bakit mo ba 'yon ginawa sa akin ah? Ano ba ang ginawa kong mali para lokohin mo ko? Hindi ka pa ba kuntento sa akin kaya mo 'yon ginawa?"

"Lasing ako noong mga panahong iyon. Hindi ko alam kung ano ginagawa ko sa mga oras na iyon. Kahit taun-taon ako umuuwi rito para bisitahin ka pero hindi pa iyon sapat."

"Eh, sana sinabi mo sa akin noon! Pwede naman kitang puntahan doon kapag Summer vacation ko."

May kaya naman kami kaya pwede ako pumunta ng Australia para makasama lang si Tucker noon. Kahit taun-taon pa ako pumunta doon.

"Ayaw ko maisturbo ka sa pagaaral mo, Rye."

"Kailan ka ba naging isturbo sa akin ah? Sabihin mo nga sa akin! Kilala mo ko, Tucker. Gumagawa ako ng ibang paraan para puntahan ka lang." Bumagsak na ang traydor kong luha. Ayaw ko pa naman umiyak sa harapan ni Tucker. "Nakaka gago naman kasi ang ginawa mo! Lumaki ka namang matalino pero hindi mo ginagamit iyang utak mo! Kahit lasing ka ay maiisip mo may girlfriend ka pwedeng masaktan kapag nalaman niyang may kahalikan kang iba. Paano kung ako ang may kahalikan na ibang lalaki habang boyfriend kita?"

"Papatayin ko yung lalaki dahil wala pwedeng humalik o gumalaw sayo."

"Naiintindihan mo na ang naramdaman ko noong nahuli kitang may kahalikan. Gusto ko rin patayin yung babaeng 'yon. Pasalamat siya wala siya sa Pilipinas dahil hihingi ako ng tulong kila Nica para ipasalvage ang hayop na yun."

Napansin ko ang pag-hinto ng kotse ni Tucker pero wala pa kami sa bahay namin.

"Bakit ka huminto?" Tanong ko sa kanya.

"Kahit ngayon lang sana pakinggan mo ko, Rye." Sabi niya sa akin.

~~~

Next update on Dec. 22

Dealing With Mister CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon