15 - Aerith Salazar

2.3K 65 1
                                    

Ryelee's POV

Higit limang araw na ako rito sa US at naging maayos naman ang bakeshop namin rito. Marami ang bumibili ng cake. Magaling mag-handle ni Jenny ng bakeshop dahil hindi niya hinahayaan.

Umuwi na ako sa bahay dahil gusto ko na makita ang cute na cute na si Aerith. Ayaw ko man aminin pero kamukhang kamukha siya ng kanyang ama. Hindi ko alam na nagkaroon ng bunga ang gabing sinuko ko ang sarili kay Tucker. Buntis na pala ako noong nag-hiwalay kami ng ama ni Aerith. Wala nakaalam na kahit sino ang tungkol sa pagbubuntis ko except sa mga kaibigan ko rito sa US. Mali ang ginawa kong pag-tago kay Aerith sa kanila lalo na sa kanya sa loob ng dalawang taon. Siguro tama na ang dalawang taon na i-tago ko si Aerith sa pamilya ko kahit gusto kong tuluyan na lumayo sa akin si Tucker ay hindi sila papayag na mangyari 'yon.

Bumangon ako noong marinig kong tumutunog ang laptop ko. May tumatawag sa akin.

"Hey, Chad."

"Hi, Lee. Napatawag ako ngayon kasi may bad news ako."

Kumunot ang noo ko. "Bad news? Gaano ka bad news iyan?"

"Sobrang bad news! Ready ka na ba?"

"Ano ba 'yang bad news mo?"

"I saw Tucker with other woman last time. Mukhang nakahanap na yata ng bagong–"

"Good for him. Sige, papahinga na ako." Hindi ko na hinintay ang sagot ni Chad dahil inend ko na ang video call. Hinawakan ko ang dibdib ko dahil kumirot iyon. May bago na siyang girlfriend? Mabuti na lang hindi ko pa sinabi sa kanya ang totoo. Ang tungkol kay Aerith.

I think this is not the right time. Or maybe, wala ng karapatang malaman ni Tucker ang lahat. Tuluyan tumigil na siya sa pangungulit sa akin at may iba na siyang girlfriend.

Lumabas na muna ako ng bahay magpahangin at nakapag isip na rin siguro. Umupo ako sa isang mahabang upuan rito sa garden at nakatingala sa kalangitan.

"Ryelee."

Tumingin ako sa matandang babaeng kasama ko sa bahay. Nakilala ko si nanay Vicky noong mga panahon na kailangan ko sa pagaalaga kay Aerith. I'm glad that I met her and she also need a job. Kaya kinuha ko si nanay Vicky para alagaan si Aerith. Halos dalawang taon na siya nagaalaga kay Aerith.

"Nakatulog na po ba si Aerith?" Tanong ko kay nanay Vicky.

"Hindi naman mahirap patulugin ang batang 'yon." Umupo na rin sa tabi ko si nanay Vicky. "May problema ba, hija?"

"Dapat ko po bang sabihin sa kanya ang tungkol kay Aerith kahit magagalit siya sa akin dahil hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol sa bata? Kahit malaki ang kasalanan niya sa akin? At hindi lang iyon, 'nay ayaw ko makasira ng isang relasyon kapag sinabi ko sa kanya ang tungkol sa bata."

"Mas mabuti pang sayo mang-galing na may anak kayong dalawa, Ryelee. Kaysa sa iba pa niya malaman ang tungkol kay Aerith. Kung mahal ka talaga niya ay maiintindihan niya kung bakit mo tinago ang tungkol sa bata. Pero ang importante ay sabihin mo rin sa pamilya mo ang tungkol kay Aerith."

"Balak ko naman po i-sama na si Aerith sa akin pabalik sa Pilipinas pero sa bahay na muna siya ni Apollo." Tumingin ako sa matanda at ngumiti sa kanya. "Siyempre kasama rin kayo, 'nay. Para pwede niyong bisitahin ang pamilya niyo sa Pilipinas."

"Salamat, Ryelee." Niyakap ako ni nanay Vicky.

"Wala po iyon. Para ko na kayong pamilya ko."

Ang bilis ng panahon dahil ngayon ang balik namin sa Pilipinas. Kagabi ay tinawagan ko si Apollo para sunduin niya kami sa airport. Halos araw-araw kong kausap si Apollo dahil kinakamusta ko yung pinapagawa naming bakeshop. Kahit matagal pa bago matapos ang pag-gawa sa bakeshop namin ay ayos lang dahil magkakaroon ako ng oras sa anak ko. Ilang buwan ako wala sa tabi niya. First time ako lumayo ng matagal sa kanya.

"Ryelee!" Nakita ko si Apollo na kumakaway kaya lumapit na kami ni nanay Vicky sa kanya. "Hi, nay Vicky."

"Musta ka na, hijo?"

"Ayos lang po ako. Gwapo pa rin."

Napailing ako natatawa. "Saan banda?" Binaling ko ang tingin kay nanay Vicky. "Nay, sa bahay na muna kayo ni Apollo ngayon. Kumukuha lang po ako ng tyempo para sabihin ko sa pamilya ko ang tungkol kay Aerith."

"Kahit tagalan mo, Ryelee." Sabi ni Apollo. Sarap batukan ang kaibigan ko. Gustong gusto niya kasi makasama ng matagal si Aerith.

"Baliw. Gusto ko rin nakasama ang anak ko. Ilang buwan ako wala sa tabi niya kaya gusto ko bumawi sa kanya. Yung may alam na sila mama."

Hinatid na ako ni Apollo hanggang sa bahay at hinalikan ko ang pisngi ni Aerith. Ang sarap kasi ng tulong. Ayaw kong gisingin baka umiyak.

"Ikaw na muna ang bahala kay Aerith ah, Apollo. Lagot ka sa akin kung may mangyaring masama sa kanya." Tumingin ako kay nanay Vicky. "Bantayan niyo po si Apollo, 'nay."

"Grabe siya. Akala mo pa naman may masama akong balak sa anak niya."

"Magiingat ka palagi, hija."

Ngumiti ako. "Kayo rin po."

Pagkababa ko ng kotse ay hindi ko inaasahan makikita ko palabas ng bahay si Zack.

"Nakabalik ka na pala, Rye. Hindi mo sinabi sa amin na uuwi ka na pala." Sabi niya sa akin.

"Ayos lang. Hinatid naman ako ni Apollo sa airport."

"May gusto pala makipag kita sayo." Kumunot ang noo ko. Wala naman ako pinag sabihan na kahit sino na babalik ako ngayon maliban kay Apollo.

Tumango ako kay Zack at pumasok na sa loob. Mukhang may pupuntahan pa kasi si Zack ngayon. Laking gulat ko ng makita kung sino ang taong gustong makipag kita sa akin.

"Ano ang ginagawa mo rito?" Wala akong gana makipag usap sa kanya. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na babalik na ako ng Pilipinas. At mabuti na lang hindi ko sinama si Aerith dahil wala siyang karapatang malaman.

"It's already 7 days, Rye at nagbabakasali lang ako na babalik ka na. Hindi nga ako nagkamali dahil nandito ka na."

"Umalis ka na baka hanapin ka pa ng girlfriend mo at kapag nalaman niyang makipag kita ka sa ex mo ay baka mag-selos pa 'yon. Ayaw ko ng gulo."

"Huwag ka magaalala mabait naman si–"

"Sino ba nag-sabi sayo na nagaalala ako?! Ayaw ko lang ng gulo kaya kung pwede ba umalis ka na! At ayaw ko na rin makita iyang pagmumukha mo!" Naiinis ako kapag naalala ko yung sinabi ni Chad sa akin noong isang gabi na may girlfriend na ngayon si Tucker.

Umiling siya. "Hindi ba ang sabi mo sa akin ay may sasabihin ka sa akin kapag bumalik ka. Ano iyon?"

"Hindi ko na maalala na may sinabi ako sa 'yo na ganyan noong bago ako umalis." Nilagpasan ko na siya dahil gusto ko rin ang mag-pahinga. Pagod rin ako sa biyahe ko.

Dealing With Mister CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon