38 - Silver

2K 48 0
                                    

Pag-balik namin sa Pilipinas ay nag-pahinga lang ako ng isang araw bago bumalik sa trabaho dahil pinapagalitan ako nina Tucker at mga bata. Nag-special force ang mag-ama ko kapag hindi ako sumunod sa kanila.

"Wel–" Hindi ko tinapos ang sasabihin ko ng makita kong pumasok sa loob ng bakeshop si Tucker. "What are you doing here? Wala ka bang gagawin sa kumpanya?"

"Tinapos ko na ang lahat na trabaho ko kahapon dahil..." Hinubad na niya ang suot niyang coat. "Gusto ko kasing tulungan ang fiancee ko sa trabaho niya."

Ngumiti ako. "Pero wala ka namang alam."

"Assistant mo lang ako, babe."

Sabi ko nga assistant ko lang siya ngayon. Ayos na rin ito na may tutulong sa akin para mapaaga matapos ang trabaho ko.

Tinutulungan na ako ni Tucker sa mga kailangan ko sa baking. Kapag may pumapasok sa bakeshop ay siya ang lumalabas sa kitchen para kunin ang orders ng mga customers pero napansin kong ang tagal bumalik ni Tucker dahil kailangan ko pa siya rito. Kaya nag-pasya akong tingnan siya at may nakita akong may kausap siyang babae. Nilalandi noong babae ang fiancee ko pero itong si Tucker ay dedma lang.

"Sorry, miss but I don't want to be rude here. May fiancee na ako at ayaw ko mag-away kaming dalawa. Mahirap kunin ang loob niya pagkakataon at may mga anak na kami. Kaya kung ako sa'yo mag-hanap ka na ng iba. Iyong walang girlfriend." Sabi ni Tucker doon sa babae.

"Is she pretty?" Tanong noong babae.

"Of course she is. Actually, she's the owner of this bakeshop." Sagot niya. Doon ako natuwa dahil wala lang talaga sa kanya ang mga babae. Mas iniisip kasi ni Tucker kung ano pwedeng mangyari kapag pinatulan niya yung babae. Marami ang magagalit sa kanya, hindi lang ako at ayaw na niya mangyari ang nangyari noon.

Pagkatapos makuha noong babae ang order niya ay nakita ako ni Tucker nakatayo habang naka krus ang mga braso ko.

"Hey, babe. Nakita mo lahat?"

"Yes, I saw everything and I'm so proud of you, babe." Hinalikan ko ang labi niya. Isang smack kiss lang.

"Ayaw ko mag-away tayo at mahal ko kayo ng mga anak natin."

"Tara na. Gusto ko na matapos ang lahat na ito para makauwi na tayo." Sabi ko sa kanya.

"Nope, nope. We are going to buy a dog after this, babe."

Hala, seryoso ba talaga siya na bibilihan niya ako ng aso? Hindi talaga ako seryoso sa sinabi ko sa kanya noong nasa Korea kami.

"Seryoso ka ba talaga diyan?"

"I told you I'm serious, Rye."

"Saan naman tayo bibili ng aso?"

"Nag-hanap ako sa online at may nakita akong nagbebenta ng Golden retriever."

Pagkatapos namin ay pinuntahan na nga namin yung sinasabi ni Tucker. Ang dami ngang puppies. May dark brown coated Golden retriever at cream coated Golden retriever. Gusto ko sana yung dark brown kaso ang natira na lang ay puro babae pero gusto ko lalaki. Papangalan ko kasing Tucker. Just kidding. Wala pa akong maisip na magiging pangalan niya.

"Ayos lang ba sa'yo itong English Golden retriever, babe? Ito na lang daw ang natitirang lalaki." Tanong ni Tucker habang karga ang isang aso na may cream coated.

"Yep. Pareho lang naman silang playful dog. Why not?"

Kinausap na ni Tucker yung may ari ng aso at nag-paalam na rin kami sa kanya.

"May naisip ka na bang pangalan niya?" Tanong niya sa akin.

"Wala pa nga. Baka may naisip ka diyan."

"Um, White..."

Tiningnan ko si Tucker. "White, seriously? Ayaw ko ganoon ang pangalan niya. How about Silver?"

"Silver! Pwede, babe."

Nakangiti akong nakatingin kay Silver dahil ang himbing niya matulog sa akin.

"Puppy pa siya, Tuck at ngayon pa lang siya napahiwalay sa mommy niya kaya bumili tayo ng milk at dog food niya."

"Yup. Dumaan na muna tayo sa pet shop para bumili. Maganda rin siguro kung bumili rin tayo ng toys niya."

Maraming gagastusin kay Silver dahil kailangan niya pa ng vaccine, deworming at marami pa.

Pumunta na rin kami sa pet shop para bumili ng mga kailangan ni Silver at bumili na nga si Tucker ng isang sako ng dog food ni Silver.

"Baka maubos ang pera mo ah." Sabi ko sa kanya.

"Babe, parang hindi mo kilala ang papakasalan mo. Marami akong pera."

"Sige, ikaw na ang maraming pera diyan."

"Ang pera ko ay pera mo rin."

Umiling ako. "May pera rin ako. Just kidding... I know pero dapat gastusin natin yung mga kailangan ng mga bata."

Pag-uwi namin sa bahay ay sinalubong kami ng mga bata. Tuwang tuwa nga sila ng makita nila si Silver na tamad pa rin tumayo. Nangingibago pa ang alaga namin sa bagong lugar na makikita niya.

"Silver, come here!" Tawag ni Jarvis pero hindi siya pinapansin ni Silver. "Bakit hindi po niya ako pinapansin?"

"Buddy, hindi pa kasi niya alam ang pangalan niya. Kailangan tawagin siya ng paulit ulit para malaman niya kung ano ang pangalan niya." Sagot ni Tucker kay Jarvis.

"Ohh... Ganoon po pala 'yon."

Marami pang sinasabi si Tucker kung ano dapat gawin at hindi dapat. Marami kasi bawal sa aso like chocolates and grapes.

"Alam niyo ba ang Golden retriever ay hindi niya tatahulan yung mga nakikita niya." Sabi ni Tucker. Nag-simula na sa trivia ang fiance ko.

"Kahit po sa pusa, daddy?" Tanong ni Ryenne.

"Yup. Kaibigan rin nila ang mga pusa. Kaya maganda ang mag-alaga ng Golden retriever lalo na kung may baby." Nakatingin sa akin si Tucker noong banggitin niya ang salitang baby. Alam ko kung bakit siya nakatingin sa akin pero may usapan kaming pagkatapos ng kasal.

Pumunta na ako sa kusina para mag-luto na ng hapunan namin pero nakaramdam ako na may pares na mata nakatingin sa akin.

"Tucker?"

"Yes, babe?" Sagot nito. Sabi na nga si Tucker 'yong nakatingin sa akin.

"Bakit ka pala nakatingin sa akin kanina habang binabanggit mo ang baby? Hindi ba pinag usapan na natin noon ang tungkol doon?"

"Nothing, Rye. And I know, hindi ko naman nakakalimutan 'yon. Hangga't wala pang kasal walang steamy night with you. Kailangan na natin pag-usapan ang tungkol sa kasal natin. Wala pang schedule kung kailan at tumawag sa akin si mama kanina."

Lumingon ako sa kanya. "Bakit, tumawag si tita?"

"Obviously, mas excited pa si mama noong sinabi ko sa kanila noong isang araw na nag-propose na ko sa'yo at hindi niya ako tinitigilan kung kailan ang kasal. Kung hindi ko pinigilan si mama kanina ay baka pakialaman niya rin kung saan gaganapin ang kasal, reception at honeymoon natin."

"Tucker, hayaan mo sila ang pumili kung saan ang honeymoon natin."

"Okay, sabi mo. Pero hindi ako papayag na sila ang pipili kung saang simbahan o kung saan ang gusto mo ah. Kahit rin ang reception."

"Next year na tayo magpakasal dahil alam kong busy ang schedule mo. Ilang araw ka rin hindi pumasok noong nag-bakasyon tayo sa Korea."

"Yup, busy nga ako simula next month. Kung ngayon taon ay baka hindi kita matulungan sa kasal." Sabi niya.

"Busy rin ako ngayon dahil halos limang taon ako hindi nag-trabaho. Basta hati tayo sa gastusin sa kasal ah."

"Yes, ma'am." Sagot niya na kinailing ko. Kahit nakatalikod ako kay Tucker ay alam kong nag-salute rin siya. "Ikaw ang masusunod."

Dealing With Mister CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon