Sinundo ako ni Tucker sa bahay dahil pagkagising ko kaninang umaga ay wala na yung pamilya ko. Iniwanan ako mag-isa. Sana man lang sinabi nila sa akin na maaga pala sila pupunta sa bahay nila Tucker.
"Mukhang bad mood ka ngayon." Panimula ni Tucker habang nagmamaneho ito ng kotse.
"Sino ba naman ang hindi magiging bad mood kung malaman kong wala na pa lang tao sa bahay pagkagising ko."
"Huwag ka na mainis sa kanila dahil kinausap nila ako kahapon kung pwede bang sumabay ka sa akin."
Napalingon ako kay Tucker. "Bakit nila iyon ginawa?"
"Gusto ka ng pamilya ko tapos gusto rin ako ng pamilya mo – Err, noon. Gusto nila ako noon."
Hindi na ako sumagot hanggang sa dumating na kami sa kanila. Rinig ko na nga ang tawanan ng mommies namin. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi nasira ang pagkakaibigan ng pamilya namin kahit hiwalay na kami ni Tucker.
"Nandito na pala ang magiging daughter-in-law ko." Sabi ni tita Priscilla. Taka kong tiningnan si tita. Anong daughter-in-law ang sinasabi niya? Ni hindi ko nga boyfriend si Tucker.
Tumingin ako kay Tucker pero isang kibit balikan ang binigay niya sa akin. "Ma, anong daughter-in-law ang sinasabi niyo diyan? Sigurado nga pong nililigawan ko ulit si Rye pero hindi pa kami nagkabalikan na dalawa."
"May sinabi ba akong daughter-in-law? Nagkamali lang kayo ng rinig." Sagot ni tita Priscilla at iniwanan na rin niya kami ni Tucker.
Naguguluhan ako. Hindi ako pwedeng magkamali ng dinig kanina. Tinawag ako ni tita Priscilla na daughter-in-law. Alam na nila matagal na kaming hiwalay ni Tucker pero binigyan ko siya ng pangalawang pagkakataon.
"Ma." Lumapit ako kay mama noong makita ko siya. "Ano po yung sinabi ni tita?"
"Kilala mo naman ang tita Priscilla mo, Rye. Huwag mo na lang iyon pansinin." Sagot ni mama sa akin.
Ang weird ng mga tao ngayon lalo na ang mama ko. May dapat ba kaming malaman? Sana nga lang sabihin nila kung ano ba talaga nangyayari at kung bakit bigla nagkaroon ng family dinner.
"At ang aga niyo naman pong pumunta rito kung dinner pa dapat?" Tanong ko ulit kay mama.
"Huh? Gusto ko lang tulungan ang tita Priscilla mo sa kusina at ang dad mo naman ay gusto niyang kausapin si Ian. Tungkol siguro sa kumpanya. Alam mo naman ang dalawang iyon. Business ang madalas pag-usapan."
Iniwanan na rin ako ni mama kaya hinanap na ng mga mata ko ang dalawa kong kapatid. Kaso hindi ko sila makita. Kahit kailan talaga ay wala silang interest pumunta gaya nito. Kahit weekend kasi umaalis si kuya Anton. Ewan ko lang kay Zack kung ano ang ginagawa niya kapag weekend.
Tumingin ako kay Tucker noong lumapit siya sa akin. "Umupo ka na muna."
"Mamasyal na muna tayo habang hindi pa sila tapos." Sabi ko sa kanya. Ang tagal na rin yung huling pasyal ko sa lugar nila.
"Okay. Papaalam lang ako sa kanila para hindi nila tayo hanapin." Tumango ako sa kanya at pumunta na siya sa kitchen dahil nandoon ang mga mommies namin. Unang una ang mga mommies namin ang maghahanap sa amin ni Tucker kapag hindi nila kami makita.
Naglakad na kami ni Tucker sa labas ng bahay nila. Isang subdivision kasi ito kaya hindi na kailangan ng kotse at hindi rin kami lalayo.
"Sarap balikan yung mga pinuntahan natin noong maliliit pa tayo." Sabi ko.
"Hmm..."
Napansin ko parang hindi na sumusunod sa akin si Tucker. Kaya lumingon ako sa likod dahil huminto na nga siya sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Dealing With Mister CEO
RomanceAno ang mangyayari kapag pinagkrus ang landas niyo ng iyong ex? Gaya ng dati na parang walang nangyari sa nakaraan? O iiwasan mo siya sa tuwing magkikita kayo dahil dala mo pa rin ang sakit ng nakaraan? Meet Ryelee Salazar masipag, matalino pero tan...