Tucker's POV
"I love you too." Napahinto ako sa pag-bukas ng pinto noong marinig kong may kausap si Ryelee. Who the hell is that? May pa-I love you too pa siya. Ang pagkaalam ko ay walang naging boyfriend si Ryelee maliban sa akin.
Pagkabukas ko ng pinto sa unit ko ay wala na si Ryelee sa labas. Ang bilis naman niyang mawala. Gusto kong malaman kung sino ang kausap niya kanina. Bakit kailangan may I love you too pa siya doon sa kausap niya? Damn it. Wala lalaki ang pwedeng umagaw sa akin kay Ryelee. Akin lang siya.
Ilang araw na ang lumipas ay naging busy na ako sa mga training ko rito sa kumpanya. Si dad kasi puro out of the country ang trabaho. Buti hindi nagagalit si mama sa kanya dahil palaging wala sa bahay.
Speaking of my mom, heto siya ngayon tumatawag sa akin.
Agad kong sinagot ang tawag ni mama. "Hello, ma."
"Finally, you answered my calls. Simulang grumaduate ka ng college ay hindi mo na sinasagot ang mga tawag namin kahit isang beses."
"Sorry, ma."
"Kung hindi lang sinabi sa akin ng daddy niyo na bumalik ka na pala ng Pilipinas ay hindi ko malalaman. Bakit hindi mo sinabi sa akin bumalik ka na pala, Tucker?"
Ang totoo niyan ay wala na talaga akong balak bumalik rito kung hindi lang ako pinilit ni dad na umuwi.
"Ayaw mo na ba kami makasama, Tucker?" Nag-iba ang tono ng boses ni mama.
"No, ma. Pangako pupunta ako sa bahay kapag may libreng oras ako. Marami lang kasi ako ginagawa ngayon sa kumpanya."
"I-sama mo rin si Ryelee ah. Miss ko na ang batang iyon."
Hindi ko alam kung ano ang isasagot kay mama dahil mukhang wala pa siyang alam tungkol sa paghihiwalay naming dalawa ni Ryelee.
"Susubukan ko i-sama si Ryelee kapag pupunta ako sa bahay."
"I know you're busy, Tucker. Kaya hindi na kita iisturbuhin pa. Basta magiingat ka lagi."
"Kayo rin, ma."
And now, I don't know what to do. Hindi pa nagsisimula mag-trabaho rito si Ryelee dahil hindi pa tapos yung pinapagawang bakeshop niya malapit sa kumpanya. Pupunta ba ako sa kanila para makausap siya? O aasa na magkikita na lang kami bigla balang araw? I don't know her contact number dahil ni minsan ay hindi niya binigay sa akin.
"Sir Tucker, hindi po ba kayo kakain ng lunch?" Tanong ng assistant kong si Jun. Hindi ko namalayan lunch break na pala. Kaya pala nagwawala na yung alaga ko sa tyan.
"Mauna ka na kumain. Tatapusin ko lang itong pinapagawa sa akin."
After lunch kasi ay kailangan ko pumupunta sa isang branch namin para alamin kung ano ang problema doon. Kasama rin kasi sa training ko ito bilang susunod na CEO ng kumpanya pero hindi pa binibigay sa akin ni dad yung mga business trip sa ibang bansa dahil wala pa siya masyadong tiwala sa akin. Sakit, 'no? Sariling anak niya wala siyang tiwala. Malaki kasing investors ang mga nasa ibang bansa. Kaya siya ang pumupunta doon imbes na ako ang pumunta.
Pagkatapos ko sa trabaho na ginagawa ko ay bumaba na ako para kumain na ng lunch. Nakaka gutom rin ang ginagawa ko ah. Sakto ang pag-labas ko ng building ay nakita ko si Ryelee dumaan.
"Rye!" Tawag ko sa kanya dahilan na lumingon siya sa akin.
Kumunot na naman ang noo nito. "Ano ang kailangan mo? Marami pa akong ginagawa."
"I know you hate me. Gusto ka kasi makita ni mama. Kung ayos lang ba sayo na sumama ka sa akin kapag pumunta ako sa amin."
"Sige." Kumurap ako dahil pumayag siya.
Ngumiti ako sa kanya. "Cool. Kailan ka pwede?"
"This Saturday ako pwede. Next week kasi wala ako."
Kumunot ang noo ko. "Saan ka naman pupunta?"
"Ano ang pakialam mo kung saan ako pupunta next week?" Pinag krus nito ang mga braso niya at tumingin sa akin ng masama. May nagawa na naman ba akong mali? Ngayon na nga kami nag-kita muli. "Alis na ako. Marami pa talaga akong ginagawa ngayon."
Kailangan ko malaman kung saan pupunta si Ryelee next week. Baka sinabihan niya ang ibang kaibigan namin kung ano ang plano niya. If not, her family. Kung wala na akong choice ay yung Apollo ang kakausapin ko.
Pumunta na ako sa isang restaurant malapit lang sa kumpanya. Madalas ako rito kumakain ng pananghalian. Inorder ko na rin ang palagi ko inoorder rito. Nilabas ko na muna ang cellphone habang naghihintay sa pagkain ko at para na rin sabihan si mama.
To Mama;
Hi, ma. I'm coming this Saturday with Rye.
From Mama;
That's great, son. Sa gabi ba kayo pupunta?
To Mama;
I guess. Kung hindi ako busy this Saturday. Marami pa kasi kailangan gawin sa kumpanya.
From Mama;
Paliban mo muna iyang trabaho mo, Tucker. Minsan lang tayo kumpleto. Kakausapin ko rin ang ate Farrah mo na pumunta rin.
Hindi ko na inabalang replyan pang muli ni mama dahil dumating na yung order ko. Pagkatapos kumain ay pumunta na kami ni Jun sa isang branch namin.
"Good afternoon, sir Tucker." Bati sa akin noong guard.
Ngumiti ako doon sa guard. "Good afternoon rin, manong." Bati ko rin sa kanya bago binaling ang tingin kay Jun. "So, ano ang mga problema rito?"
"Marami pong nawalang investors rito, sir." Sabi ni Jun.
Napakamot ako ng ulo. Wala pa naman akong alam kung paano mag-hanap ng bagong investors. "Paanong nawala?"
"Nalaman kasi nila na may perang nawala. Hindi alam kung paano nawala yung mga pera at wala pang lead kung sino may gawa nito, sir."
"Malaki bang investors ang nawala sa atin?" Tanong ko ulit.
Lagot kasi ako kay dad kung malaking investors ang mawala sa amin – ay, hindi pala. Si Noel pala ang pinagkatiwala ni dad rito sa branch namin pero ako pa rin ang susunod na CEO. Maliban kasi sa pamilya ni Ryelee dahil malaking investor rin ang Salazar but I'm sure hindi sila aalis sa amin. Sana nga.
"Hindi naman po."
Tumango ako. "Good. Magagawan pa naman siguro natin ng paraan para mabawi yung mga investors na umalis sa atin. Alamin mo kung sinu-sino ang mga umalis at susubukan ko silang kausapin na bumalik."
"Okay po, sir."
"Nasaan pala si Noel? Hindi ba dapat nandito rin siya?" Tanong ko. Gaya nga ng sabi ko pinagkatiwala ni dad ang kakambal ko.
"I'm right here, twin brother."
Lumingon ako sa likod habang naglalakad papalapit sa amin si Noel. "Ano na naman ba ito, Noel? Sayo pinagkatiwala ni dad ang branch natin dito. Bakit hindi mo maayos ng tama ang trabaho mo?"
"Ginagawa ko naman ang trabaho ko, Tucker. Pero ang yayabang noong mga investors na umalis. Akala mo malaki ang mawawala–" Hindi ko mapigil ang sarili ko na masuntok ko si Noel. "Ano ba ang problema mo?!"
"Marami na akong problema kaya huwag mo na dagdagan pa, Noel! Kailangan natin kausapin ang mga nawalang investors at baka pwede pa natin pakiusapan na bumalik."
"Para saan pa? Marami pa naman pwede mag-invest sa atin."
"May kilala ka ba pwedeng mag-invest ah?"
"Wala."
Kahit kakambal ko ito ay mapapatay ko itong si Noel kapag naubos ang pasensya ko. Bakit ba kasi ako nagkaroon ng kakambal na gaya niya? Bwesit sa buhay ko
~~~~
Next update on Dec. 15
BINABASA MO ANG
Dealing With Mister CEO
RomanceAno ang mangyayari kapag pinagkrus ang landas niyo ng iyong ex? Gaya ng dati na parang walang nangyari sa nakaraan? O iiwasan mo siya sa tuwing magkikita kayo dahil dala mo pa rin ang sakit ng nakaraan? Meet Ryelee Salazar masipag, matalino pero tan...