24

2.1K 54 0
                                    

Noong nag-paalam na ang mga kaibigan namin ay kaming dalawa na lang ni Tucker ang naiwan.

"Ano ang gagawin mo?" Tanong niya sa akin.

"Siguro pumayag akong ligawan mo pero sorry, Tucker kasi hindi pa talaga ako handa magpakasal ngayon."

Ngumiti ito sa akin. "It's okay. I understand. Ayos lang sa akin na kasama ko muna kayo ni Aerith."

Ang laki na talaga ng pinag bago ni Tucker simulang nalaman niyang may anak siya sa akin. Hindi na siya yung Tucker na palagi akong kinukulit kahit naiinis na ako. Wala na sa kanya ang pagiging makulit at naiintindihan niya ang sitwasyon. Iyon ang nagustuhan kong katangian niya kaya nagka gusto na rin ako kay Tucker kahit best friend ko siya. Mahal ko siya bilang kaibigan pero minahal ko rin siya bilang boyfriend ko noon.

"Bago ko pala makalimutan." Inabot niya sa akin ang hawak niyang stuff toy na panda.

Kinuha ko sa kanya ang panda. "Thank you. Kaso ang dami ko ng ganito galing sayo kaya hindi ko na alam kung saan ko i-lalagay ito ngayon. Kung ayos lang ba sayo na ibigay ko na lang kay Aerith?"

"Sure. Sa'yo na iyan kaya ikaw na ang bahala kung ano ang gusto mong gawin diyan."

"Ayaw ko kasi magalit ka kaya pinaalam ko na muna sayo."

"Hindi ako magagalit. Kung makitang masaya ang anak natin ay masaya na rin ako."

Ngumiti ako. "Thank you. Bago ko nga rin pala makalimutan ay nagkayayaan yung mga kaibigan natin mag-bakasyon."

Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na ako ang nag-suggest na mag-bakasyon kami sa birthday niya.

"Vacation, huh? Kailan ba?"

"Sa araw ng birthday mo. Beach daw."

"I want to spend my time with you on that day. Dahil nagkayayaan na ang mga kaibigan natin... sure, kakausapin ko na lang si Jun na ayusin ang schedule ko sa araw na iyon."

"Thank you, Tuck."

Tumango ito. "Alright. I have to go. Kailangan ko pa kasi bumalik sa kumpanya ngayon dahil marami pa akong ginagawa."

"Ingat ka."

Noong umalis na si Tucker ay napangiti ako sa hawak kong panda. Paniguradong matutuwa si Aerith rito lalo na galing ito sa daddy niya. Kahit wala pang maiintindihan si Aerith sa nangyayari sa paligid niya.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para mag-luto ng agahan at dadalhan ko na rin ng lunch si Tucker.

"Ang aga mo magising ngayon, Rye." Lumingon ako sa likod noong makita ko si mama. "Kanino naman itong baon? Imposible sayo."

Ngumiti ako kay mama. "Para po kay Tucker."

"Mabuti nagkaayos na kayo ni Tucker ngayon."

"Opo. Wala naman mawawala sa akin kung bibigyan ko ng pangalawang pagkakataon si Tucker." Sagot ko kay mama at wala na rin naman ako lihim kay Tucker dahil sinabi ko na sa kanya ang lahat. Except sa family namin.

Pagkarating ko sa kumpanya nila Tucker ay dumeretso na ako sa office ng CEO. Simula noong bumalik siya sa Pilipinas ay siya na ang bagong CEO ng Alonzo Corp. May nag-turo lang sa kanya kung ano ang mga tamang gawin sa kumpanya. Si Noel naman sa isa nilang branch. At ang pagkaalam ko si ate Farrah ay nasa finance nila at doon niya rin nakilala si kuya Ken. Empleyado rin nila si kuya Ken.

Sa pamilya ko naman ay si Zack ang papalit kay dad sa kumpanya namin dahil walang interest si kuya Anton sa kumpanya at ako may sariling business. Hindi naman kami pinilit ni dad kung ano ang gusto naming trabaho kapag tapos na kami sa pagaaral. Si Zack gusto niya i-handle ang kumpanya at pumayag si dad doon pero nilagay sa mababang position na muna si Zack para hindi mataas ang tingin niya sa sarili kapag nakuha na niya ang pagiging CEO. Si kuya Anton ay isang coach/professor sa isang university. At ako siyempre, isang baker.

Dealing With Mister CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon