Isa ako sa mga bridesmaid ni Danica kaya hindi ako pwedeng mawala. Mabuti na nga lang hindi kinuha ni Christian si Tucker bilang groomsmen niya dahil ayaw kong makita ang pagmumukha niya pero ang sabi nila ay pupunta daw siya. Just ignore him kapag nakita mo siya.
"Omg! You're so pretty, girl." Ani Kim. Naging kikay na naman ang bruhang ito.
"Siyempre. Kasal ko ngayon kaya dapat maganda ako sa araw ng kasal ko." Sabi ni Danica.
"Bigyan niyo kami ng maraming inaanak ah." Pinalo ko ng mahina sa braso si Kim.
Naiiling natatawa ako. "Baliw ka talaga, Kim. Kung kailan kailangan ko mag-ipon ng pera."
"Mayaman naman ang pamilya mo, Lee. Kaya hindi mo na kailangan mag-ipon ng pera." Sabi niya sa akin.
Naiiling ako. "Ayaw kong gastusin ang pera ng pamilya ko. Gusto ko yung sarili kong pera. Iyong paghihirapan ko talaga. Sariling pawis ko galing yung pera ko."
"May point si Lee, Kim. Maganda kung sa sariling sikap galing ang pera na ginagastos mo." Pagsasang ayon sa akin ni Danica.
"I know, girl. Nakuha ko naman ang punto ni Lee doon."
Noong nag-simula na ang seremonya ng kasal ay masaya ako para sa dalawa kong kaibigan. Iyak at tawa nga ang ginawa ko noong nag-palit na sila ng vow. Puro kalokohan naman kasi ang sinasabi ni Christian sa vow niya.
Pagkarating namin sa reception ay nagkatuwaan kaming lahat. Masaya rin ako dahil hindi ko pa nakikita si Tucker ngayon. Sana hindi na siya sumipot para hindi na masira ang araw ko.
"Gusto mo pa ba ng makakain? Ikukuha kita." Tumingin ako kay Apollo. Kasama ko rin siya ngayon. Inimbita rin kasi siya nila Danica at sabi ko na hindi siya titigilan ng bride kapag hindi siya pumayag.
"Mamaya na lang siguro. Busog na kasi ako." Nakangiting sagot ko kay Apollo.
"So, Apollo, may babae ka na bang napupusuan ngayon?" Tanong ni Chad sa kanya.
"Yup. Nasa US siya ngayon pero may mahal na siyang iba kaya hindi ko maamin sa kanyang mahal ko siya."
"Aw. Maraming babae pa naman diyan, pare. Like Lee." Ani Henry.
"Tumigil ka, Henry." Saway ko sa kanya. "Wala na akong balak pumasok sa isang relasyon. Apollo is just my close friend."
"Hi, guys." Lumingon kaming lahat sa taong nasa likuran namin. Kumunot ang noo dahil dumating pa yung tao ayaw kong makakita.
"Huy! Nandito na pala yung star of the day. Musta, Tuck?" Nakipag fist bump pa si Chad kay Tucker.
"Ayos lang ako, pre."
"Alam mo namang kasal nina Nica at Chris ngayon. Bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Kim na pinag krus niya ang kanyang mga braso. Galit-galitan ang bruha.
Umupo si Tucker sa tabi nila Chad bago binaling ang tingin kay Kim. "Sorry na. May training pa kasi ako kanina at anong oras na rin natapos tapos naipit pa ako sa traffic."
"Kumain ka na ba, pre? Kung hindi pa kumain ka na." Ani Henry.
"Guys." Tumingin sila sa akin, even him. "Rest room lang ako ah." Tumayo na ako na hindi tumitigin kay Tucker.
"Are you okay?" Apollo mouthed at ngumiti ako sa kanya.
Pagkarating ko sa rest room ay tiningnan ko ang sarili sa salamin. Naiinis ako.
"Bakit pa kasi siya dumating?! Ayos na sana ang araw ko noong wala siya tapos dumating pa. Psh."
Since nandito na rin naman ako sa rest room kaya mag-retouch na muna ako. At sabi ko nga kanina just ignore him.
BINABASA MO ANG
Dealing With Mister CEO
RomanceAno ang mangyayari kapag pinagkrus ang landas niyo ng iyong ex? Gaya ng dati na parang walang nangyari sa nakaraan? O iiwasan mo siya sa tuwing magkikita kayo dahil dala mo pa rin ang sakit ng nakaraan? Meet Ryelee Salazar masipag, matalino pero tan...