Dalawang taon na rin ako hindi bumabalik sa Pilipinas dahil abala ako sa trabaho ko bilang baker. Ang totoo niyan ay wala na talaga akong balak bumalik dito kung hindi lang mapilit ang kasama ko. He's Apollo. Isa siya sa mga naging kaibigan ko habang nasa US ako pero si Apollo ang pinaka close ko sa lahat nakilala ko doon. Ang akala nga ng iba boyfriend ko si Apollo dahil kami palagi ang magkasama. But no. Apollo is not my boyfriend. Wala na akong balak pumasok sa isang relasyon. Problema lang iyan at masaya na ako kung ano ang meron ako ngayon.
At saka hindi rin naman ako babalik rito kung hindi ikakasal ang kaibigan kong sina Danica and Christian. Hindi nga ako makapaniwala na sila pa talaga ang magkakatuyan. Kapag silang dalawa lang ang mag-kasama ay parang aso't pusa ang dalawa.
Kinabukasan ay pumunta kami ni Apollo sa bahay ni Danica para sa susukatan ako ng damit. Eh, gusto ni Apollo sumama sa akin para makilala daw niya ang mga kaibigan ko.
"Oh my! Lee!" Niyakap ako ni Kim pagkakita niya sa akin.
"Hindi mo ba kasama si Tuck?" Nanigas ang buong katawan ko sa tanong ni Henry. Wala nga pala silang alam nangyari sa amin ni Tucker 2 years ago.
"Actually, guys... We broke up 2 years ago."
"What?!" Gulat silang lahat sa paghiwalay namin ni Tucker.
"What happened, Lee? Alam naming lahat kung gaano ka kamahal ni Tuck." Hindi makapaniwala si Chad sa binalita ko.
"Nangyari ang lahat noong susurpresahin ko sana siya para sa graduation niya. Pagkarating ko sa apartment niya ay nakita ko si Tucker na may kahalikan na babae."
"Ano?! Hayop talaga iyon ah!" Galit na sambit ni Christian.
"Chris, stop!" Pagpigil ni Danica sa kanya.
"Nica, pupunta ba siya sa kasal?" Tanong ni Kim.
"Sinusubukan ko siyang tawagan noon pero palagi naman hindi sinasagot ni Tuck ang mga tawag ko. Nag-email na rin ako sa kanya. Ewan ko kung nabasa na niya ang email ko."
Sana hindi na lang dumalo si Tucker sa kasal nila Danica at Christian. Kapag magkita kaming dalawa ay maalala ko ang sakit pag-traydor niya sa akin.
"Mas mabuti pang huwag na siya dumalo sa kasal natin dahil baka mapatay ko lang ang hayop na yun." Sabay bawi ni Christian ang braso niyang hawak ni Danica.
"Christian!"
Heto na nga ba ang sinasabi ko kaya ayaw kong sabihin sa iba ang nangyari. Kahit mga kaibigan ko sila ay alam ko ang pwedeng mangyari.
"Kaya ba may kasama kang gwapong lalaki ngayon?" Tumingin ako sa likod kung saan nakatayo si Apollo. "Siya na ba ang new boyfriend mo?" Binaling ko ulit ang tingin kay Kim.
"Hindi ko boyfriend si Apollo. Kaibigan ko lang siya at kaya ko siya kasama ngayon dahil gusto niya kayo makilala. Palagi ko kasi kayo nababanggit sa kanya." Sabi ko.
"Hi, I'm Kim."
"Henry."
"Chad."
"Danica. At yung isang iyon ay si Christian."
"I'm Apollo." Ngumiti si Apollo sa kanila. Buti pa itong kasama ko parang walang problema sa mundo. "Nice to meet you all."
"Lee, nakakaintindi naman siguro ng Tagalog itong kaibigan mo, 'no?" Tanong ni Henry sa akin.
"Oo. Sa US lang siya nag-trabaho pero Filipino iyan si Apollo." Sagot ko.
"Mabuti naman. Mahirap na kung ma nosebleed ako kapag kakausapin ko siya." Sabi niya na kinailing ko. Baliw pa rin talaga ang mga ito kahit dalawang taon na.
"Babalik ka ba ng US pagkatapos ng kasal nila Nica?" Tanong ni Chad sa akin.
"Hmm..." Tumingin ako kay Apollo at binaling agad ang tingin kay Chad. "Hindi na muna. Balak kasi namin ni Apollo na mag-tayo ng branch ng bakery shop namin dito."
"Nga pala, Nica, hindi ba namomoblema kayo sa cake?" Tanong ni Kim kay Danica.
"Oo."
"Bakit hindi na lang si Lee ang kunin niyong baker para sa wedding cake?"
"Oo nga, 'no! Lee, please..." Hinawakan ni Danice ang mga kamay ko. "Ikaw na lang ang last chance namin. Wala kasi akong mapiling wedding cake. Halos lahat na bakery sa buong Pilipinas ay pinuntahan na namin ni Chris."
"Sure. Ako ang bahala sa wedding cake niyo." Nakangiting sagot ko.
"Thank you, Lee." Niyakap ako ni Danica. "Hulog ka talaga ng langit."
Pagkatapos ako sukatan ay gusto pa nila kami huwag na muna umalis pero marami pa kami pupuntahan ni Apollo. Maghahanap pa kasi kami ng pwesto kung saan namin ipapatayo ang branch namin dito.
"Bakit hindi mo sinabi sa kanila ang lahat? Even your secret." Tumungin ako kay Apollo. Nandito kami ngayon sa taxi papunta sa unang lugar na pupuntahan namin.
"Ayaw ko. Hindi pa ako handang sabihin sa kanila ang lahat."
"Ryelee, it's better to tell them everything. Mga kaibigan mo sila at sigurado akong maiintindihan naman nila." Pinagkrus niya ang kanyang mga braso at naging seryoso ang mukha ni Apollo. "Kapag nakita natin iyang ex mo–"
"Pretend to be my boyfriend, Apollo." Gulat na tumingin sa akin si Apollo. Hindi niya siguro inaasahan na sasabihin ko iyon sa kanya. "Just in case na makita natin siya. Kahit malaki ang Manila ay may chance pa rin makikita ko ulit siya."
"Oh, sure. Iyon lang pala ang gusto mong gawin para gumanti sa ex mo."
Ang dami na namin napuntahang lugar ni Apollo pero wala sa mga iyon ang magandang lugar para ipatayo ang bakery shop namin dito. Inabot na nga kami ng gabi kaya hinatid na ako ni Apollo sa amin.
"So, bukas na lang ulit."
"Yup. Sana may mahanap na tayong lugar para sa bakery natin."
Nagpaalam na si Apollo sa akin kaya kumaway na ako sa kanya. Ang swerte ng magiging girlfriend ni Apollo dahil sobrang bait niya.
"Rye." Lumingon ako noong may tumawag sa pangalan ko. Si Zack lang pala.
"Bakit, Zack?"
"Narinig ko kanina na naghahanap ka ng lugar para magpatayo ng bakery mo rito." Tumango ako sa kakambal ko. "I know a place."
"Saan? Para mapuntahan namin ni Apollo bukas." Biglang sumigla ang mukha ko. Sana iyon na yung lugar kung saan maganda magpatayo ng bakery.
"Malapit sa Alonzo Corp." Biglang huminto ang oras ko noong sabihin ni Zack na malapit sa Alonzo Corp.
No way! Marami pa naman sigurong lugar basta huwag lang doon.
"Pero sigurado naman papayag si tito Ian na ibigay sayo yung lupa para sa bakery mo."
"Alam mo naman marami siyang ginagawa sa kumpanya nila, Zack. Hindi ako sigurado kung pagbibigyan niya ako para kausapin siya."
"I'm sure he does. Kilala ka naman ni tito Ian at girlfriend ka ni Tucker." Ngumiti ako ng pilit kay Zack. Hanggang ngayon ay ang alam nila girlfriend pa rin ako ni Tucker. Kung alam lang nila na wala na kami. "Ang tagal niyo na ni Tucker ah. Wala ba kayong balak magpakasal? Naunahan pa kayo nina Danica at Christian."
"Zack, magpapahinga na ako ah." Sabi ko. Iniiwasan ko talaga ang tanungin iyan. Kahit anong tanong basta related kay Tucker ay iniiwasan kong sagutin. Ayaw ko talaga marinig ang tungkol sa kanya kahit kailan. Wala na akong pakialam sa kanya.
Pagod na rin ako umiyak dahil noong isang buwan ko sa US ay wala akong ginawa kundi ang umiyak ng umiyak. Hindi ako umiyak bago ako umalis ng Pilipinas dahil ayaw kong malaman nilang lahat ang totoong dahilan kung bakit kailangan ko pumunta ng US.
~~~
Next update on Oct. 6
BINABASA MO ANG
Dealing With Mister CEO
RomanceAno ang mangyayari kapag pinagkrus ang landas niyo ng iyong ex? Gaya ng dati na parang walang nangyari sa nakaraan? O iiwasan mo siya sa tuwing magkikita kayo dahil dala mo pa rin ang sakit ng nakaraan? Meet Ryelee Salazar masipag, matalino pero tan...