9 - Family Dinner

2.4K 65 0
                                    

Ryelee's POV

Sobrang busy ko ngayong linggo dahil inaasikaso pa namin ni Apollo yung pinapatayo naming bakeshop. Susunod na linggo kasi ay aalis ako papuntang US. I'm going to attend someone's birthday. Baka mag-tampo iyon kapag hindi ako umattend sa birthday niya. Gusto ko rin sana isama si Apollo pabalik sa US pero walang titingin sa bakeshop na pinapagawa namin. Isang linggo lang naman ako doon tapos babalik ulit rito sa Pilipinas.

"Hindi ba ngayong araw ang family dinner ng ex mo?" Tanong ni Apollo sa akin.

"Yep." Sagot ko. Wala na rin akong choice dahil pumayag na ako kay Tucker na sasama sa kanya sa family dinner nila. Hindi kasi ako makatanggi kung gusto ni tita Priscilla. Sobrang bait pa naman niya sa akin. Hindi ko naman sinabing hindi mabait si mama. Mabait rin siya. The best mom kaya si mama.

"Malapit na mag-alas seis, Ryelee. Hindi ka pa ba tapos diyan sa ginagawa mo? Baka dumating na yung ex mo." Sabi ni Apollo. Hindi ko pa nasabi nandito pala kami ni Apollo sa bahay habang hindi pa tapos ang bakeshop namin. Dito kami nagbe-bake ng cake tapos idedeliver namin.

Ngayon ay gumagawa ako ng cake para dadalhin ko mamaya.

"Eh, mag-hintay siya." Sabi ko. Nilagay ko na yung cake sa oven para maluto.

"Ako na diyan, Ryelee. Maligo ka na at mag-bihis." Tiningnan ko ng masama si Apollo. "Oh? May nasabi ba ako na kinagalit mo?"

"Bakit parang gusto mong kasama ko ang lalaking 'yon ah? Alam mo naman..." Hindi ko na tinapos ang sasabihin ko. Mabuti na nga lang wala sila mama rito sa bahay. May pinuntahan at yung dalawa kong kapatid ay may trabaho.

"Rye!" Lumingon ako sa likod noong may tumawag sa akin. Nandito na si Tucker na may dalang bouquet yata yun. Baka ibibigay niya kay tita Priscilla. "Bakit hindi ka pa bihis? Anyway, for you pala."

Kinuha ko sa kanya yung bouquet. Akin pala 'to. Isa pala itong chocolates at may kasama rin na maliit na panda. "Bakit mo ko binigyan ng ganito? Anong okasyon?"

"Wala naman. Alam ko kasi mahilig ka sa matatamis kaya bumili ako ng chocolates tapos iyan ang nakita ko na may kasama ring panda. Paborito mo rin ang panda, 'diba?"

Mahilig nga ako sa matatamis at iyon ang pinagkaiba namin ni Tucker. Ayaw kasi niya ng matatamis. At saka paborito ko rin ang panda dahil ang cute. Kung pwede nga lang mag-alaga ng panda ay matagal ko ng ginawa.

"Nag-aksaya ka pa ng pera mo para lang dito." Nilagay ko na yung chocolates sa counter noong marinig kong tumunog ang oven. "Tatapusin ko lang ito at magaasikaso na ako."

"May delievery ka pa ba ngayon?" Tanong niya.

"Hindi. Dadalhin ko ito sa family dinner." Sagot ko habang nilalagyan ng icing ang cake.

"Nag-abala ka pa. Hindi mo naman kailangan mag-dala ng kahit ano para mamaya." Tiningnan ko saglit ni Tucker at binalik sa ginagawa ko. "Sige, sa sala na muna ako. Hintayin na lang kita doon."

Pag-dating namin sa bahay nila ay nakaramdam ako ng kaba dahil ngayon lang ulit ako nakabalik rito. Yung mga panahon na magkasama kami ni Tucker.

"Ryelee."

Ngumiti ako. "Hi, ate Farrah."

Sobrang miss ko na si ate Farrah. Close kami niyan dahil wala akong kapatid na babae at pinangarap rin ni ate Farrah na magkaroon ng kababatang kapatid na babae.

"Agad kong kinausap ang asawa ko noong sinabi ni mama na kasama ka rin ni Tucker."

"Hi, Ryelee." Tumingin ako sa isang lalaking bumati sa akin. Siya si kuya Ken, ang asawa ni ate Farrah. May kargang baby si kuya Ken.

"Hello, kuya Ken." Bati ko at binaling ang tingin sa baby. "May baby na pala kayo. Ilang taon na po siya?"

"9 months pa lang ang anak namin." Sagot ni ate Farrah.

Ang cute niya. Kamukha ni ate Farrah pero may nakuha rin kay kuya Ken. Sa tingin ko yung ilong at mata.

Tumingin ako sa kanila. "Ano po pangalan ni baby?" Tanong ko.

"Reid." Sagot ulit ni ate Farrah. Kinuha na niya kay kuya Ken si baby Reid. Masaya nga ako para sa kanila dahil nagkaroon na sila ng anak.

Nagpaalam na muna sa amin si ate Farrah para painumin na muna niya ng gatas si baby Reid.

"Mukhang gusto mo rin magkaroon ng anak ah." Rinig kong sambit ni Tucker.

Tumingala ako sa kanya na may ngisi sa mga labi nito. "Wala akong sinabi na gusto ko magkaroon. Natuwa lang ako sa kanila dahil nagkaroon na sila ng anak."

"Sus. Pumayag ka na kasi sa hiling ko na bigyan ng anak. Isa lang. Kapag nangyari 'yon ay hindi na kita guguluhin pang muli."

"Manigas ka." Iniwanan ko na siya sa sala nila. Pumunta na ako sa kitchen dahil alam ko nandoon si tita Priscilla.

Over my dead body! Hindi na ako papayag na may mangyari ulit sa amin ni Tucker. Nagsisi ako na sinuko ko ang sarili ko sa kanya noon.

"Hi, tita."

Tumigil sa pagluluto si tita Priscilla at lumingon sa akin. "Ryelee." Niyakap ako ni tita Priscilla. "I miss you so much, hija. Ang tagal na yung huling punta mo rito sa bahay."

"Oo nga po, eh. Sobrang busy lang po ako sa pinapagawa naming bakeshop ng partner ko." Nakangiting sabi ko.

"Sabi nga ng tito Ian mo na may balak ka mag-tayo ng bakeshop malapit sa kumpanya. Buti doon mo naisipan mo mag-tayo."

Wala naman talaga akong balak mag-tayo ng bakeshop malapit sa kumpanya nila kung alam ko araw-araw kami magkikita ni Tucker. Wala rin akong choice dahil maganda yung lugar.

"Nag-bake po ako ng cake." Inabot ko kay tita Priscilla yung cake na binake ko.

Agad niyang kinuha yung cake. "Nag-abala ka pa, Ryelee." Binigay ni tita Priscilla ang cake sa maid para ilagay na muna sa fridge.

Nag-simula na kaming kumain ng dinner. Nagkatuwaan dahil proud lola si tita Prisicilla kasi mayroon na silang apo ngayon. May time nga lang na tinatanong kami ni Tucker kung kailan namin balak magpakasal at nasamid ako bigla.

"Are you okay, hija?" Pagaalala ni tita Priscilla.

Inabutan ako ng isang baso ng tubig ni Tucker. "Thank you." Uminom na ako ng tubig. "Okay lang po ako."

"Kailan niyo balak magpakasal na dalawa?" Tanong ulit ni tita Priscilla.

"Um, manang, paki handa po ng cake na dala ni Rye kanina." Pag-iwas ni Tucker sa tanong ni tita Priscilla. Bakit ba kasi hindi na lang namin sabihin wala na kami?

"Okay po."

"Why, Tucker? Nag-away ba kayo ni Ryelee?" Tanong ni ate Farrah.

"What? No. Maybe we're not ready yet." Sagot ni Tucker.

Dealing With Mister CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon