"Lee, pupunta ka?" Tanong ni Kim sa akin.
"Saan? May plano pala kayo na hindi niyo sinasabi sa akin ah."
Naiiling na natatawa si Danica. "Sira. Huwag mong sabihin nakalimutan mong birthday ni Chris next week. At saka..." Nilagay ni Danica ang isang niyang kamay sa may tyan niya. Namilog ang mga mata ko noong na gets ko ang gusto niyang sabihin sa huli.
Napasinghap ako. "Talaga? Alam na ba ni Chris?"
Umiling siya. "Kayo pa lang ang sinabihan ko. Gusto ko kasi surpresahin si Chris sa araw ng birthday niya."
"Best birthday gift iyan para kay Chris." Sabi ni Kim.
Masaya ako para sa mga kaibigan ko dahil magkakaroon na sila ng anak. Ako anak lang pero hindi kasal. Malabong makasal sa ama ng anak ko kung may iba na siyang mahal.
"Girls, alam niyo na ba ang balita na may girlfriend na si Tucker ngayon?" Sabi ni Kim.
"Yeah, sinabi nga sa amin ni Chad noong isang araw. Hindi nga ako makapaniwala na maghahanap ng ibang babae si Tucker dahil ang akala ko si – Lee, are you okay?"
Tumingala ako para tingnan si Danica. "Huh? Yeah, I'm fine."
"May problema ba?"
Ngumiti ako ng tipid saka yumuko ulit. "Wala naman. Ayos lang talaga ako."
"Umamin ka nga sa amin, Lee." Tumingin ulit ako kay Danica. "May nararamdaman ka pa ba kay Tucker?"
Tumingin ako saglit kay Kim dahil sa kanya ko pa lang sinabi sa kanya ang lahat maliban sa pagkakaroon namin ng anak ni Tucker. Kahit sinabi niya kay Tucker kung ano ang mga sinabi ko sa kanya noong nasa club kami.
Sinabi ko rin kay Danica kung ano ang sinabi ko kay Kim noong nasa club kami. Halata sa mukha ni Danica ang pagkagulat noong inamin kong may nangyari sa amin ni Tucker bago ako lokohin.
"Kung mahal mo pala siya ay sabihin mo na sa kanya bago mahuli ang lahat, Lee." Sabi ni Danica.
"Pero ayaw ko makasira ng isang relasyon."
"Girl, para sa akin ay mas bagay kayo ni Tucker kaysa doon sa babaeng parang linta kung makakapit sa braso ng ex mo."
"I agree with Kim. Naiinis ako noong unang beses ko nakilala yung babae sarap hilain ang buhok."
"Nagseselos ako kapag naalala kong may girlfriend na siya ngayon. Mas sanay kasi ako na palagi siya nandiyan kung saan ako pumunta para kulitin ako pero noong nagkaroon na siya ng girlfriend ay tumigil na siya."
"We're here for you. Susuportahan ka namin ni Kim kahit ano mangyari." Ngumiti ako kay Danica. Mabuti na lang binigyan ako ng kaibigan kagaya nila.
"May isa pa akong aaminin sa inyo." Mahinang tugon ko sa kanila.
"Ano yun?" Sabay nilang tanong.
"Noong mga panahon na umalis ako ng bansa papuntang US hindi ko alam na buntis pala ako."
Namilog ang mga mata nila. "What?!"
Hindi pa rin mawala ang pagkagulat sa mukha ni Danica. "Alam kong si Tucker ang ama dahil siya lang naman ang naging boyfriend mo. Pero may alam na ba si Tucker tungkol sa bata?"
Umiling ako. "Wala pa. Sasabihin ko na sana sa kanya ang tungkol sa bata pagkabalik ko galing US pero ito ang nangyari ang lahat. Nawala lang ako ng isang linggo may girlfriend siya agad."
"Iyon ang pinagtataka ko wala man lang binabanggit si Tucker sa atin na may nililigawan na pala siya." Ani Kim. Tama siya dahil sa madalas naming magkasama noon ay ni minsan wala siyang binabanggit sa akin na may nililigawan na pala siya.
"Hindi ba madalas rin hindi nakakasama sa atin si Tucker? Baka dinadahilan lang niya ang trabaho pero ang totoo pala ay makikipag kita siya sa babae. Grabe ang ginagawa niya ah. Pwede naman niyang sabihin hindi siya makakasama sa mga pasyal natin magkakaibigan hindi yung magsisinungaling siya sa atin."
"Anyway, Lee." Binaling ko ang tingin kay Kim. "Okay lang na aminin mo kay Tucker ang nararamdaman mo para sa kanya. Ayos lang makasira ka ng isang relasyon dahil kinukuha mo lang ang dapat sayo."
"Wala na kami. Matagal na." Sabi ko sa kanya.
"Once again, I agree with Kim. Tell him or regret it forever." Sabi ni Danica saka ininom ang juice niya. "Sigurado akong pupunta rin si Tucker sa birthday ni Chris at kasama niya yung girlfriend niya."
"Isama mo na rin si Apollo para fair." Natatawang sabi ni Kim.
Naiiling ako saka inom ang hot chocolate. "Hindi maniniwala si Tucker na boyfriend ko si Apollo. Alam niyang wala na akong balak pumasok sa isang relasyon dahil noong kasal nila Nica ay narinig niya ang sinabi ko."
"Speaking of Apollo, hindi ba nabanggit niya na may mahal siyang iba?" Tumango ako kay Danica. "Ano pangalan noong girl?"
"Jenny. Actually, may boyfriend na siya ngayon at 'yon ang hindi alam ni Apollo. Kapag nalaman niyang sinagot na ni Jenny yung mangliligaw niya ay masaktan lang siya. Ayaw kong makitang nasasaktan ang kaibigan ko."
"Too bad for him. Sa daming babae sa mundo. Bakit sa isang babae na hindi naman siya magawang mahalin?"
"Maganda at mabait kasi si Jenny. Kaya siguro nagkagusto si Apollo sa kanya."
"Hi, ladies." Lahat kami ay napatingin sa taong iyon. It was Christian. "Hi, hon."
"Wala ka bang pasok ngayon?" Tanong ni Danica kay Christian. Isa kasing IT consultant kasi si Christian kaya minsan hindi siya kasama ni Danica.
"Meron po pero out of the country ako bukas."
"Nandito ka ba sa birthday mo?"
"Yup." Kinurot nito ang pisngi ng kanyang asawa.
"Tingnan mo ang dalawang ito. Nag-simula sa bangayan pero hindi inaasahan na magkakatuluyan." Mahinang bulong ni Kim sa akin na kinatawa ko.
Binaling ko ang tingin sa kanya. "The more you hate, the more you love nga talaga."
"At hindi lang 'yon. Masyado silang PDA ah." Bulong pa niya sa akin.
"Sus, Kim. Kung naiinggit ka lang nandiyan naman si Henry."
"Eww. Kadiri ka, Lee. Over my gorgeous body hindi ko papatulan ang kalangsay na 'yon."
Isa pa itong si Kim. Ayaw na ayaw niya talaga kay Henry. Ni minsan ay hindi niya kinakausap si Henry. Oo o hindi lang ang sinasagot niya kapag tinatanong siya nito. I don't know why. May past siguro ang dalawa kaya ganoon na lang ang inis ni Kim kay Henry.
I met my friends during high school. Freshmen pa lang kami noon doon ko sila nakilala lahat. Kaibigan ko sina Danica at Kim samantala ang mga boys naman ay mga kaibigan ni Tucker. Dahil madalas rin kami mag-kasama ni Tucker noon ay pinakilala na rin niya sa akin ang mga kaibigan niya at ganoon rin ang akin. Simula noon ay sila na palagi kong kasama. At least hindi lang si Tucker ang kaibigan ko pero siya lang ang best friend at boyfriend ko noon.
"Sige, ladies, papasok na ako. Pumunta lang ako rito para magpaalam kay Nica." Muling hinalikan ni Christian si Danica sa pisngi bago pa siya umalis.
"Ano pala ang plano sa birthday ni Chris?" Tanong ni Kim.
"Sa bahay lang namin. Ayaw ko kasi lumayo pa at gagastos."
"May sponsor na tayo sa cake. Nandiyan si Lee."
"Yeah. Ako na ang bahala sa cake." Sabi ko naman.
"Malaki na ang utang ko sayo, Lee. Noong kasal namin tapos sa birthday pa ni Chris."
"Hindi mo naman kailangan bayaran ako, Nica. Gawin mo na lang akong ninang sa magiging anak niyo."
"Iyon lang ba?"
Tumango ako. "Yep."
Nagpaalam na ako sa kanila dahil bibisitahin ko pa yung pinapagawa naming bakeshop. Kung kamusta na ba ngayon.
~~~
Mali ako ng publish noong isang araw 😂 walang chapter 17. Chapter 18 agad after ng chapter 16 hahaha! Sorry, guys antok na si author noong nag-publish ako ng mga nasa draft ko hahaha at ngayon ko lang napansin.
Eto na yung chapter 17.
![](https://img.wattpad.com/cover/200339731-288-k399694.jpg)
BINABASA MO ANG
Dealing With Mister CEO
RomanceAno ang mangyayari kapag pinagkrus ang landas niyo ng iyong ex? Gaya ng dati na parang walang nangyari sa nakaraan? O iiwasan mo siya sa tuwing magkikita kayo dahil dala mo pa rin ang sakit ng nakaraan? Meet Ryelee Salazar masipag, matalino pero tan...