Tucker's POV
Nandito kami ngayon sa bahay nila Danica habang naglalaro ng truth or dare. Ibang klase kasi ang pakulo ni Chad ngayon. Kapag hindi nagawa ang dare ay kailangan uminom ng whiskey. Isang shot lang. Tumingin ako kay Ryelee noong humiga na siya sa sahig. Lasing na siguro. Sa tuwing sa kanya tumatapat ang bote ay palaging dare ang sinasabi niya pero ni isang dare ay hindi naman niya ginagawa. Lagot siya kapag nalaman ng pamilya niya nag-lasing siya. Masyadong protective sila kay Ryelee lalo na nag-iisang anak na babae at baka atakihin ulit ng antiexy niya. Sana hindi na siya atakihin ulit.
"Chris, saan ang CR niyo rito?" Tanong ko sa kanya.
Tinuro niya sa akin. "Sa kusina may CR. Doon ka na lang."
"Okay. Salamat." Binaling ko ang tingin kay Lisa. "I'm going to comfort room."
"Okay..."
Kailangan kong i-sama si Lisa ngayon para malaman kung nagseselos nga ba talaga si Ryelee. Ang kaso hindi siya masyado lumilingon sa amin at hindi rin kinakausap ng iba si Lisa. Except si Chad.
"Pwede ba kita makausap?" Tumingin ako sa taong nasa harapan ko pagkatapos kong gumamit ng CR.
"Tungkol saan?"
"Pwede bang layuan mo na si Ryelee."
Kumunot ang noo nakatitig sa kanya. "Bakit ko naman gagawin 'yan?"
"Una sa lahat ay may girlfriend ka na ngayon. Dapat sa kanya ka mag-focus hindi sa ibang tao lalo na sa ex girlfriend mo. Siguro nga minahal mo noon si Ryelee pero matagal na kayong tapos at wala ka sa tabi niya noong naghihirap siya sa US."
US? So, for 2 years ay sa US nakatira si Ryelee.
"Sino ka ba para sabihan ako ng ganyan? Hindi ka naman kuya o boyfriend ni Rye."
"Yeah, hindi nga pero ako ang palaging kasama ni Ryelee noong naghihirap na siya. Hindi mo alam ang hirap na dinaranas niya noon."
He's right. Wala nga akong alam sa dinaranas ni Ryelee noong nag-hiwalay kaming dalawa 2 years ago.
"Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ay sana hindi ko siya pinilit na bumalik ng Pilipinas."
Kumunot ang no ko. "What do you mean?"
"Wala ng balak bumalik si Ryelee ng Pilipinas dahil ayaw niyang maalala sa tuwing nakikita ka niya. Pero pinilit ko siyang bumalik."
Kahit rin naman ako. Wala akong balak bumalik ng Pilipinas kung hindi ako pinilit ni dad na umuwi.
"Wala kang karapatan para sabihan ako kung ano ang dapat kong gawin. Kaibigan ka lang ni Rye."
"Tama ka. Kaibigan lang ako ni Ryelee pero sana iniisip mo ang sitwasyon niyong dalawa. Ayaw ko makitang naghihirap ang kaibigan ko."
Tumango ako. "You're right. Mas lalo ko siyang nasaktan sa sitwasyon ngayon."
Ayaw ko rin naman makikitang nasasaktan si Ryelee dahil mas sinasaktan ko rin ang sarili ko sa tuwing nakikita kong umiiyak si Ryelee.
"Tuck-" Lumingon ako noong may tumawag sa akin. "Ay, sorry. Hindi ko alam naguusap pala kayong dalawa."
"It's okay. Tapos na rin kami mag-usap." Sabi ni Apollo kay Chad bago pa niya iwanan kami.
"Ano kailangan mo sa akin, pre?"
"Um, i-tutuloy natin yung laro kahit knock out na si Lee ngayon." Sabi nito na kinatango ko. Ayaw ko rin naman maging kill joy sa birthday ni Christian.
Tinuloy na nga namin ang nilalaro naming truth or dare pero sa katagalan ay nag-kwentuhan na lang kami.
"So, Tucker, saan mo nakilala ang girlfriend mo?" Tanong ni Kim sa akin.
Nilingon ko si Lisa bago binaling kay Kim. "Sa Australia. Isa siya sa mga kaibigan ko doon."
"Akala ko ba si Lee ang mahal mo?" Alam kong may inis sa boses ni Danica. Halata naman, eh. "Bakit bigla ka nagkaroon ng girlfriend ngayon?"
"Yes, I love Rye..."
Sasabihin ko na ba sa kanila na plano lang ang lahat na ito? Wala naman akong balak patagalin ang planong 'to.
"Actually, guys. Plano ang lahat na ito at hindi ko talaga girlfriend si Lisa."
"What?!" Gulat silang lahat sa pag-amin ko at siyempre except si Chad.
"Chad, pare, may alam ka bang tungkol rito?" Tanong ni Henry.
"Yeah. Ako ang nag-bigay ng ideya kay Tucker na gawin ito."
Binatukan ni Christian si Chad. "Baliw ka. Bakit mo naman ginawa 'yon?"
"Para malaman kung magseselos ba talaga si Lee kapag malaman niyang may ibang girlfriend na si Tucker ngayon."
"Mukhang palpak naman yung plano natin. Ni minsan ay hindi tumitingin sa amin si Ryelee." Kibit balikat kong sabi.
"Kailangan mong sabihin kay Lee ang tungkol diyan, Tucker. Hindi pwede sa amin mang galing dahil mas lalo siyang magagalit sayo." Ani Danica.
May balak akong aminin kay Ryelee na planado lang ang lahat na ito pero kumukuha lang ako ng tamang tyempo para sabihin sa kanya. Napansin kong gising na si Ryelee kaya inalok ko siyang sumabay na lang sa amin pauwi pero tumanggi siya. Gusto niyang si Apollo ang mag-hatid sa kanya sa kanila. Nakaka selos dahil ibang lalaki ang kasama niya. Inanunsyo sa amin ni Danica na buntis siya. Natuwa ang grupo sa binalita niya dahil magkakaroon na sila ng anak ni Christian.
Nandito na ako sa tapat ng kotse ko noong gusto akong kausapin ni Ryelee. Actually, marami akong gagawin bukas pero minsan lang magyaya makipag usap si Ryelee sa akin kaya pumayag na ako makipag kita sa kanya.
Kinabukasan ay natagalan ako ng dating sa usapan namin ni Ryelee dahil marami pa akong binilin kay Jun tapos naipit pa ako sa traffic. Pambihira naman itong traffic. Hindi talaga marunong makisama.
Pagkarating ko sa park malapit sa kanila ay nakita ko si Ryelee nakaupo sa isang bench. Hindi siya galit dahil nahuli ako ng dating. Nagulat pa nga ako noong inamin niya sa akin buntis pala siya noong nag-hiwalay kaming dalawa. Ibig sabihin nito ay daddy na rin ako matagal na. Nalaman ko rin babae ang anak namin. Gusto ko siya makita kahit ito ang una at huling makita ko ang anak namin. Hinalikan ko rin si Ryelee pero tumugon siya sa halik ko. Natuwa ako dahil tumugon siya at doon ko rin inamin sa kanya na planado ang lahat na pagkakaroon ko ng girlfriend. Wala na rin kasi akong balak mag-hanap ng bagong girlfriend dahil si Ryelee lang ang gusto kong makasama habang buhay.
Noong makita ko na si Aerith ay maluha luha ko dahil karga ko na siya ngayon. Matagal ko ng pinangarap na i-karga ang sarili kong anak kung magkaroon man ako ng anak. Hindi ko inaasahan na may anak na pala kami ni Ryelee. Dalawang taon niya sa akin tinago ang tungkol kay Aerith pero naiintindihan ko naman 'yon. Kasalanan ko kung bakit niya iyon ginawa. Tinanong ko siya kung ayos lang bang ligawan ko siya ulit at pumayag si Ryelee na ligawan ko siya. Itong araw ang pinaka masaya para sa akin. Marami masasayang alaala nangyari sa buhay ko ngayon. Una, nalaman kong may anak na pala ako tapos mahal pa rin ako ni Ryelee. Hindi na ako papayag lumayo pa sa akin si Ryelee – No, scratch that. Lumayo ang mag-ina ko.
BINABASA MO ANG
Dealing With Mister CEO
RomanceAno ang mangyayari kapag pinagkrus ang landas niyo ng iyong ex? Gaya ng dati na parang walang nangyari sa nakaraan? O iiwasan mo siya sa tuwing magkikita kayo dahil dala mo pa rin ang sakit ng nakaraan? Meet Ryelee Salazar masipag, matalino pero tan...
