2 - Tucker Alonzo

4.2K 106 0
                                        

Nagising ako noong may tumatawag sa akin. Sino naman kaya ang isturbo na ito? Ang sarap ng tulog ko. But I saw my dad's calling. Kahit ayaw kong sagutin dahil alam kong papauwiin niya lang ako sa Pilipinas. Wala na akong balak umuwi.

"Hello, dad." Sagot ko habang humigikab.

"Are you still sleeping, young man? It's already 11:45 am there if I'm not mistaken." Inikot ko ang mga mata ko dahil sermon na naman ako kay dad nito. Tsk. Naging ganito lang ako simulang nag-hiwalay kami ni Ryelee pero hindi ko naman sinisi si Ryelee dahil kasalanan ko ang nangyari.

"Tumawag ba kayo para pauwiin ako ng Pilipinas? My answer is no. Wala na akong balak umuwi, dad."

"You have to, son. Sabi ni Noel ay ikakasal na daw ang kaibigan mong sina Danica at Christian." Nabasa ko nga yung email na sinend ni Danica sa akin noong isang araw. Iyon din ang dahilan ng mga tawag niya na hindi ko sinasagot kahit isang beses. Hindi ko kasi alam kung paano ako haharap sa kanilang lahat. Sigurado akong alam na nila ang nangyari sa amin ni Ryelee. "Aren't you coming on their wedding?"

"I don't know, dad. Mapapagastos lang ako kung aattend ako ng kasal tapos baba–" Hindi pinatapos ni dad ang sasabihin ko noong magsalita siya.

"No, you aren't coming back in Australia once you're here, son. Alam mo naman sayo ko ipapasa ang kumpanya."

"Dad, alam niyo naman wala akong interest humawak ng company. Nandiyan naman si Noel."

"Napag usapan na natin ito noon, Tucker. Pumayag ako sa Australia ka magaaral ng college pero pagkatapos mo mag-aral ay sayo ko ipapasa ang kumpanya natin."

Kainis naman. Wala akong balak maging CEO ng kumpanya namin. Pumayag lang ako noon sa kondisyon ni dad para pumayag siya na sa Australia ako mag-aral. Pero mukhang nautakan ako ng matandang ito ah.

"Fine. I'll take the position." Walang gana kong sagot kay dad.

"Good. Sabihan mo lang ako kung kailan ang uwi mo para papasundo kita sa airport."

"No need, dad. Maghahanap na lang ako ng condo bago ako umuwi ng Pilipinas para doon ako titira." Wala akong balak umuwi sa bahay, 'no? I want to be free. Ang sarap ng buhay ko rito noon wala sila ni mom.

"Nakita ko pala si Ryelee noong isang araw ah." Natigilan ako noong banggitin ni dad ang pangalan ni Ryelee. I missed her so much! Wala na kasi akong balita sa kanya simulang nag-hiwalay kami.

"Kamusta na siya?"

"She looks fine and still pretty. Pero may kasama siyang lalaki." Kumunot ang noo ko sa huling sinabi ni dad.

"Baka naman sila Henry lang iyan, dad."

"I don't think so, son. Nag-away ba kayong dalawa ni Ryelee?" Bumuntong hinga ako. Walang alam ang pamilya ko tungkol sa hiwalayan namin ni Ryelee at sigurado akong ganoon rin kay Ryelee. Baka masira ang pagkakaibigan ng pamilya namin dahil sa ginawa ko noon.

"Dad, I know sorry is not enough for what I did before. Actually, I cheated on Rye."

"What do you mean cheated?" Kahit hindi ko kaharap si dad ay alam kong kunot noo siya ngayon. "May ibang girlfriend ka ba diyan sa Australia?!" At galit rin siya. I can't blame my own father if he's mad at me. Tinuring na rin nila parang anak si Ryelee.

"Wala akong girlfriend. I was drunk that day–"

"At kailan ka pa natutong uminom ng alcohol, Tucker?"

"Dad, sorry. I know it's my fault. Pinagsisihan ko ang lahat na ginawa ko noon. Pumayag akong sumama sa mga kaklase ko to celebrate dahil nakatapos na kami sa pagaaral at sobrang miss ko na rin si Rye kahit taun-taon naman kami nagkikita but that's not enough."

"Kahit anak kita ay galit ako sa ginawa mo noon, Tucker. Pero pasalamat ka hindi ko babawiin ang kumpanya sayo."

"I know you're mad. Halata sa boses niyo ngayon, dad. Hindi ko kayo masisi kung galit kayo sa akin. I'm a jerk. Pero alam na ba ng pamilya ni Rye ang nangyari?"

"I don't think so. Sa tuwing nagkikita kami ni Edwin ay normal ang pag-trato niya sa akin at palagi ka niya kinakamusta." Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi pa pala nila alam ang nangyari. Ayaw ko masira ang pagkakaibigan ng pamilya namin. Aayusin ko itong pinasok kong gulo. Kailangan kong kausapin si Ryelee kahit ilang beses pa niya ako itulak palayo sa kanya.

"Susubukan kong mag-book ng flight this week, dad at maghahanap na rin ako ng condo na medyo malapit sa kumpanya." Sabi ko. Wala pa kasi akong sariling kotse kaya yung malapit lapit sa kumpanya ang kukunin ko. Sana nga meron akong makitang condo na malapit sa kumpanya namin.

It's good to be back. Wala pa rin nag-bago sa Pilipinas ngayon. Kung ano ang itsura noong umalis ako ay ganoon pa rin ngayon kahit 2 years ako hindi bumalik rito.

Pagkarating ko sa condo ay sumakay na ako sa elevator papunta sa unit ko. Gusto ko na rin ang magpahinga. Nang makababa na ako sa elevator ay may nakita akong familiar na mukha.

"Hey, Ch–" Ang sama ng tingin niya sa akin. Parang kakainin akong buhay. "Chris." Pag-tuloy ko sa sasabihin ko kanina.

Nagulat ako sa biglang pag-suntok sa akin ni Christian sabay hatak sa damit ko. "Hayop ka! Ang lakas ng loob mong magpakita sa akin pagkatapos mong lokohin si Lee!" Alam na pala nila nangyari noon. Hindi ko masisi kung pati sila ay galit sa akin.

"Alam niyo na pala ang nangyari sa amin ni Rye. Pero hindi kita masisi kung pati ikaw ang magalit sa akin."

"Bakit mo iyon ginawa kay Lee ah?! Sagot!"

Sinabi ko kay Christian ang lahat nangyari bago nakita ni Ryelee na may kahalikan akong babae noon at binitawan na rin niya ang damit ko.

"That's why I'm here because I want to talk with Rye." Sabi ko.

Umirap sa akin si Christian habang pinag krus ang mga braso nito. "Hindi kita matutulungan diyan dahil problema mo iyan. Ikaw ang gumawa ng problemang iyan, Tucker."

"I know. Hindi naman ako humihingi ng tulong sa inyo. Kahit ilang beses pa ako itulak ni Rye ay hindi ko siya susukuan. Kailangan maayos itong gulo na pinasok ko."

Nag-iba na ang facial expression ni Christian noong humarap na siya sa akin. "Maiba tayo dadalo ka ba sa kasal namin ni Nica?"

"Nandito na rin ako sa Pilipinas ngayon kaya pupunta na rin ako sa kasal niyo."

Hindi ako makapaniwala na mauunahan pa ako ng kaibigan ko magpakasal. Masaya pa rin siguro kami ni Ryelee kung hindi ko siya niloko noon. Kasal na rin siguro kami ngayon at may anak na rin.

"Sa tagal na natin mag-kaibigan pero hindi ko alam naging girlfriend mo pala si Nica. Kailan nangyari ito?" Hindi talaga ako makapaniwala. Madalas kasi nagbabangayan ang dalawa kapag sila lang ang mag-kasama.

"Nangyari ang lahat 2 years ago. Sinubukan lang namin ni Nica na pumasok sa isang relasyon hanggang sa nagka debelopan na kaming dalawa."

"Dalawang taon pa lang kayo pero ikakasal na kayo agad."

"Huwag mo ko ikumpara sayo, Tucker. Kahit hindi kami magkasundo ni Nica noon ay kontento naman ako kung ano ang meron sa akin."

Masakit ang salita na binitawan ni Christian bago siya umalis sa harapan ko pero tama siya. Sinaktan ko si Ryelee. Kaya gagawin ko ang lahat para patawarin ako ni Ryelee sa kasalanan ko.

~~~~

Next update on Nov. 4

Dealing With Mister CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon