Inabot kami ng ilang minuto rito pero hindi pa rin siya nagsasalita. Inaaksaya lang niya ang oras ko at gusto ko na rin ang umuwi sa bahay.
"Ngayon makikinig ako sa sasabihin mo sa akin. Ano ba yun?"
"Mahal kita. Mahal na mahal kita, Rye. Kaya ako hindi nakapag salita agad dahil iniisip ko pa kung buo na ba talaga ang desisyon ko."
Kunot noo akong tumingin sa akin. "Desisyon saan?"
"Na ako mismo ang lalayo dahil ito naman talaga ang gusto mong mangyari. Simula bukas ay hindi mo na ako makikita pang muli. Magiging tahimik na ulit ang buhay mo." Ngumiti ng pilit sa akin si Tucker. "Salamat dahil pumayag ka na sumama sa akin ngayong araw sa kagustuhan ni mama."
"Alam mo naman hindi ako makatanggi kay tita Priscilla. Tinuring ko na siyang pangalawang ina ko."
"Sa tingin ko ay kailangan ko ng sabihin sa kanilang lahat ang totoo. Matagal na tayong hiwalay. Kahit magalit pa sila sa akin ay tatanggapin ko dahil kasalanan ko naman talaga kung bakit umabot sa ganito." Nakikita talaga sa mga mata ni Tucker ang lungkot. Nakakaramdam ako bigla ng guilt pero ito naman ang gusto kong gawin niya. Ang lumayo siya sa akin.
Noong nakarating na kami sa bahay ay agad akong bumaba sa kotse niya. Pumasok na rin ako agad sa loob ng bahay namin na hindi ko na nilingon pang muli si Tucker.
"Nandito ka na pala. Musta na–" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Apollo sa akin noong tumingin ako sa kanya. "What's wrong, Ryelee?"
Hindi ko sinagot si Apollo dahil niyakap ko siya at doon ako umiyak. "M-Masama ba akong tao?"
"Hindi ka masamang tao, Ryelee. Ikaw ang mabait na nakilala ko. Bakit mo naitanong?"
"Pakiramdam ko kasi ang sama ko. Ngayon na nag-desisyon na si Tucker na hindi na niya ako guguluhin. Ito ang gusto kong gawin niya pero naguguluhan na ako ngayon."
"Sanay ka na palagi siya nandiyan at ginugulo ka. Pero huwag mo na isipin 'yon. Ang isipin mo ay ang pag-alis mo next week."
"Yeah. Bibisitahin ko na rin si Jenny para kamustahin ang bakeshop natin doon."
"Huwag mo sana kalimutan na kamustahin rin ako kay Aerith." Napangiti ako noong banggitin ni Apollo ang pangalan ni Aerith. "Sobrang miss ko na ang batang 'yon. Sayang hindi ako makakapunta sa birthday niya."
"Bumawi ka na lang sa kanya kapag bumisita ka sa US."
Ngumiti ng malawak si Apollo. "Great idea. Sige na. Uwi na ako at babalik na lang ako bukas para sa mga deliveries natin."
"Wait. Ilan pa bang deliveries natin bukas?" Tanong ko sa kanya.
"Hm... Dalawa lang ang delivery natin bukas." Sagot ni Apollo na kinatango ko.
"Okay. Salamat. Ingat ka sa pag-uwi mo ah."
Dahil nga maaga ako palagi nagigising simulang tumira ako sa US. Nag-luto na lang ako ng almusal namin.
"Ang aga mo naman magising, Rye." Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko si mama papasok sa kusina.
"Hi, ma. Good morning." Ngumiti ako kay mama. "Sanay lang po siguro ako magising ng maaga."
"Tulungan na kita sa pagluluto ng almusal."
Tatanggi pa sana ako pero kilala ko si mama na hindi siya papayag kapag tumanggi ako sa gusto niya. No choice.
"Ilang araw ka na rito sa Pilipinas simulang tumira ka sa US pero hindi ka masyado nagkukwento sa amin. Musta ang buhay mo sa US?"
"Okay lang po. Masaya dahil marami rin ako naging kaibigan doon. Yung unang araw ko sa US ay si Apollo ang tumulong sa akin dahil pareho kaming Filipino."
"Inaamin kong mabait na bata iyang si Apollo pero may boyfriend ka na, Rye." Ngumiti ako ng pilit kay mama. Wala silang ideya na hiwalay na kami ni Tucker. "Alam na ba ni Tucker ang tungkol kay Apollo?"
"Yes po. Kasama ko rin siya noong kasal nila Nica at nandoon rin si Tucker." Sagot ko kay mama.
Gising na rin ang gwapo kong daddy at dalawa kong kapatid na lalaki – Well... sige na nga ngayon ko lang tatawaging gwapo sina kuya Anton at Zack. Maganda naman ang lahi namin dahil maganda si mama at gwapo si daddy. Ewan ko na lang kung sino pa ang panget sa amin magkakapatid at baka isa sa mga kapatid ko dahil hindi ako 'yon. Ang ganda ko kaya.
"Good morning, kuya." Nakangiting bati ko kay kuya Anton.
"Aba. May kailangan ka sa akin, 'no?" Kunot noo ako tumingin kay kuya Anton. "Maka ngiti ka kasi wagas."
"Wala ah. Ang kapal ng mukha mo, kuya. Hindi na ako yung Ryelee na palagi humihingi ng pera sayo. May trabaho na ako ngayon."
"Rye, hindi ba babalik ka sa US?" Tanong ni daddy sa akin.
"Yes, dad. Nagpa book na ako ng ticket ko papunta doon."
"Mga ilang araw ka doon?" Tanong naman ni mama.
"Mga isang linggo lang ako doon, ma. Kakamustahin ko na rin kasi yung bakeshop namin doon and the rest siguro lulubusin ko sa ibang bagay habang nandoon pa ako."
Wala pa akong lakas na loob na sabihin sa kanila. Kailangan ko pang kumuha ng tyempo kahit magalit sila sa akin sa araw na iyon kapag inamin ko na ang lahat.
Tatanggapin ko lahat na galit nila sa akin. Kasalanan ko rin naman kung bakit ako nag-lihim sa kanila sa loob ng dalawang taon. Yes, 2 years na! Kahit mahirap sa akin na mamuhay sa US ay kinakaya ko. Sinabi ko nga noon kung hindi lang ako pinilit ni Apollo na bumalik sa Pilipinas ay wala talaga akong balak bumalik. Ayaw ko na kasi balikan ang lahat. Kahit yung mga masasakit na alaala ng nakaraan.
"Rye, ang sabi ni Tucker ay kinuha mo na daw yung lupa malapit sa kumpanya nila." Ani Zack.
"Doon ka magpapatayo ng bakeshop mo, Rye? That's great. Para madalas ang pagsasama niyong dalawa ni Tucker dahil dalawang taon kayo hindi nag-kasama." Ngumiti ako ng pilit kay daddy. Walang problema sa kanila na magkaroon ako ng boyfriend dahil lahat sila ay botong boto kay Tucker at kilala rin nila si Tucker. Kung ibang lalaki 'yan ay panigurado akong bantay sarado ako sa dalawa kong kapatid.
"Matagal na rin kayo, 'diba? Ilang taon na ba kayo ni Tucker?" Tanong ni mama.
"Almost 9 years na po."
Ayaw kong mapalitan ang saya sa mukha ni mama ng galit kapag sinabi ko na sa kanila ang totoo. Natatakot talaga ako sa pwedeng mangyari.
"Ang tagal na rin. Wala ba kayong balak magpakasal?"
"Mama naman. Hindi pa po kami handa ni Tucker." At walang kasalanan mangyayari dahil dalawang taon na kaming hiwalay ni Tucker.

BINABASA MO ANG
Dealing With Mister CEO
RomanceAno ang mangyayari kapag pinagkrus ang landas niyo ng iyong ex? Gaya ng dati na parang walang nangyari sa nakaraan? O iiwasan mo siya sa tuwing magkikita kayo dahil dala mo pa rin ang sakit ng nakaraan? Meet Ryelee Salazar masipag, matalino pero tan...