4

3.5K 83 0
                                        

Ryelee's POV

Kainis naman. Hindi pa ako handang makita siya after 2 years. Sabagay kumpanya nila yung pinuntahan ko kanina. Bumabalik na naman kasi ang nakaraan kung paano niya ako sinaktan noon.

Hinawakan ko ang dibdib ko dahil kumirot na naman kapag naalala ko ang nakaraan. Kaya nga ayaw ko makita si Tucker.

"Ryelee, ayos ka lang ba?" Tumingala ako para tingnan si Apollo. Kasama ko rin siya pumunta sa kumpanya pero hindi siya sumama hanggang loob. Hinintay niya lamang ako sa coffee shop. "Why are you crying?" Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako kaya pinunasan na ni Apollo ang luha ko.

"Ang sakit, Apollo. Sobrang sakit." Sabi ko sa kanya.

"Bakit? Ano ang nangyari sayo sa loob?" Tanong niya sa akin.

"Dumating siya kanina. Nag-kita kaming dalawa. Hindi ko alam na pupunta siya ngayon sa kumpanya nila."

"Hush now, Ryelee. He is not worth it." Niyakap ako ni Apollo. Nagpapasalamat ako dahil palagi siya nandiyan sa tabi ko kapag kailangan ko ng karamay. Siya lang kasi nakakaalam ng lahat. Mga pinag daanan ko noon. "Ano na pala ang balita? Pumayag na ba na ibigay sa atin yung lupa? Maganda rito para magpatayo ng bakeshop."

"Hindi ko alam kung kukunin ko. Hanap pa tayo sa iba. Baka may makita pa tayo–" Hindi natapos ang sasabihin ko na may tumikhim sa likuran namin kaya pareho kami napalingon ni Apollo. Kumunot ang noo ko ng makita si Tucker.

"Sino siya?" Mahinang tanong ni Apollo sa akin. Hindi pala niya alam ang itsura ni Tucker.

"Ex ko." Sagot ko sa kanya.

"Hi. Ako nga pala si Apollo Torres." Nilahad ni Apollo ang kamay niya pero tiningnan lang iyon ni Tucker. "Gusto ko lang magpasalamat sayo, pare."

Kumunot ang noo ni Tucker sa kanya. "Para saan?"

"Kung hindi mo sinaktan noon si Ryelee ay baka hindi ko siya makilala ngayon." Hinakbayan ako ni Apollo. "At baka hindi ko rin siya naging girlfriend."

Nakita ko kung paano nag-tiim ang bagang ni Tucker. Ano ang problema niya? Wala siyang karapatang magalit dahil matagal na kaming tapos kung nakalimutan na niya. Umalis na si Tucker na walang pasabi.

Inalis ko na rin ang kamay ni Apollo sa balikat ko.

"Ayos ba?" Nag-thumbs up pa siya sa akin.

Napailing ako. "Susunod huwag mo na ako akbayan dahil naiilang ako kapag may gumagawa sa akin ng ganoon."

"Para makapaniwala siyang boyfriend mo talaga ako."

Kung hindi ko lang alam na may gustong ibang babae si Apollo ay baka iisipin ko sa akin siya may gusto. Kilala ko yung gusto niya dahil kaibigan namin yung girl. Ang kaso may ibang mahal na yung kaibigan namin kaya hindi inamin ni Apollo kung ano ang nararamdaman niya. Torpe kasi itong kaibigan ko.

"Libre na lang kita ng ice cream."

Tumingin ako kay Apollo at biglang sumigla ang mukha ko. "Vanilla?"

Natatawang naiiling si Apollo. "Of course, vanilla flavor ang bibilihin natin para sayo. Favorite mo iyon, eh."

"The best ka talagang kaibigan. Thank you!"

Pumunta na kami ni Apollo sa malapit na ice cream parlor. Bumili na rin siya ng vanilla para sa akin at rocky road para sa kanya.

"Saan na tayo maghahanap ng pwesto ngayon?" Tanong niya habang kumakain ng ice cream.

"Hindi ko alam kung saan na tayo maghahanap."

"Kunin mo na lang kasi yung pwesto malapit sa kumpanya ng ex mo. Isipin mo sayang yung opportunity. Sigurado akong marami ang pupunta sa bakeshop natin sa pagkakataon. Sa sarap pa naman ng cake na gawa mo."

Dealing With Mister CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon