19 - Birthday Celebration

2.4K 54 0
                                        

Pumunta na kami ni Apollo sa bahay nila Danica pero sa masamang palad ay nakasabay namin si Tucker at ang girlfriend nito. Kung sino pa yung ayaw kong makita ngayong araw pero siya pa talaga ang unang makikita.

"Let's go, Apollo. Kailangan na natin ibigay kay Nica yung cake dahil hinihintay na niya iyan." Sabi ko kay Apollo kaya nauna na kami pumasok.

"Siya ba yung girlfriend?" Tanong nito sa akin habang naglalakad papunta sa kusina nila Danica.

"Malay ko." Sagot ko. Wala akong pakialam kung siya pa ang girlfriend ni Tucker o hindi. Nandito ako para mag-celebrate ng birthday ni Christian.

Pagkarating namin sa kusina ay nakita ko agad si buntis habang abala ito sa mga handa.

"Naku, Nica. Siguro naman binilin sayo ng doctor na bawal ka magpapagod, 'diba?" Sambit ko.

"Nandito na pala kayo. Sorry, Lee. Wala kasi gagawa ng mga handa para sa birthday ni Chris."

Bumuntong hinga ako bago humarap kay Apollo. "Ilapag mo na iyang cake." Binaling ko ang tingin kay Danica. "Puntahan mo na ang birthday boy at kami na ni Apollo ang tutuloy diyan."

Ngumiti sa amin si Danica. "Salamat, Lee. Sa'yo rin, Apollo."

"You're welcome." Sagot ni Apollo.

Pagkaalis ni Danica ay kami na nga ni Apollo ang tumuloy sa mga naiwang pagkain na ihahanda mamaya.

"Bakit mo pala sinabi na bawal mapagod si Danica? May sakit ba siya?"

Umiling ako. "Wala naman. But she's pregnant. Wala pang ideya ang iba maliban sa amin ni Kim."

"I see. I'm happy for them. Ikaw? Kailan mo ba balak sabihin sa kanya?"

"Wala! I mean, hindi ko na muna iniisip ang bagay na iyan ngayon. Tapusin na natin ito dahil malapit na mag-simula."

Nakapag isip na ako doon sa pinagusapan naming tatlo noon. Aamin ako kay Tucker pero hindi ko alam kung paano. Kung kailan. Busy kami sa mga trabaho namin. Mas lalo ako magiging busy starting tomorrow onward. Hinahati ko ang oras ko sa trabaho at kay Aerith. Gusto ko kasing makasama ng matagal ang anak ko.

Nagkatuwaan kaming lahat dahil binabalikan namin ang mga nakaraan na magkakasama kami simulang high school. Ang sasaya namin noon. Wala masyadong problema. Nag-kantahan ng happy birthday bago kumain.

"After this. Let's play truth or dare." Panimula ni Chad. "Para maiba ang mechanics natin ay iinom ng whiskey kapag hindi nagawa ang dare na pinapagawa."

"Ang daming alam." Natatawang sambit ni Henry.

Parang ayaw ko tuloy mag-dare dahil ayaw kong malasing wala sa oras. Kung anu-ano pa naman ang sinasabi ko kapag lasing ako.

Nilapag na ni Chad yung bote na walang laman sabay pinaikot. Sana hindi ako. Kaso sa masamang palad ay sa akin huminto yung bote.

"Ikaw ang unang tatanungin, Lee."

"Sino ang magtatanong sa akin?" Tanong ko sa kanila.

"Ako na lang ang magtatanong." Presenta ni Kim. "Kung may balak ka pumasok sa isang relasyon ngayon may pag-asa ba si Apollo sayo?"

Tumingin ako kay Apollo bago binalik sa kanya. "Wala. Hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko kay Apollo."

Alam ni Apollo kung sino ba talaga ang mahal ko. Kaya nga hindi na ako pumapasok sa isang relasyon dahil sa kanya pero gusto ko na muna pagsisihan niya ang lahat. Ilang araw rin ako umiyak noon sa US.

Masama na kung masama ang gusto kong mangyari sa kanya.

Nagkakatuwaan kaming lahat pero hindi ko maiwasan na lumingon kay Tucker at sa girlfriend nito. Nagseselos talaga ako. Kaya sa sunod na tumapat sa akin ay puro dare na ang sinasabi ko pero hindi ko naman ginagawa.

"Mukhang si Lee na ang mauubos nitong whiskey natin." Sambit ni Chris.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Apollo. Halatang nagaalala siya sa akin.

"I'm fine. Kaya ko pa na—" Humiga ako sa sahig dahil doon kami nakaupo lahat maliban kay Danica.

Nagising ako ay ganoon pa rin ang posisyon ko pero nagkukwentuhan na silang lahat ngayon.

Bumangon na ako kahit masakit ang ulo ko. "Ano nangyari?"

"Sobrang dami na ng ininom mo, Rye. Gusto mo bang sumabay ka na sa amin pauwi?" Inangat ko ang ulo para tingnan siya.

"Huwag na. Nandiyan naman si Apollo para i-hatid ako."

Sa tingin ko ay hindi ako pwedeng umuwing lasing dahil lagot ako sa kanilang lahat. Kahit alam na nilang lahat na hiwalay kami ni Tucker. Baka doon na muna ako sa bahay ni Apollo magpalipas ng gabi.

"Bago pala kayo umalis lahat ay may gusto pa akong sabihin sa inyo. Lalo na sa asawa ko." Tumingin ako kay Danica. Hindi pa pala niya sinabi kanina habang tulog ako.

"Ano 'yon?" Takang tanong ni Christian.

"I'm pregnant. 8 weeks pregnant." Masayang anunsyo ni Danica sa lahat.

Kahit lasing ako ay pumalakpak ako sa magandang balita pero wala akong narinig na kahit anong ingay.
Kahit kay Christian.

"Y-You're pregnant? Ibig sabihin magiging daddy na ako?" Masayang tumango si Danica sa kanya. "Yes!"

"Wow. Congrats, pre." Ani Tucker.

"Congrats sa future parents ng grupo." Sabi naman ni Chad.

Kahit hindi ako nakatigin kay Kim ay pakiramdam ko tinitingnan niya ako. Alam kasi niya na kami ni Tucker ang unang nagkaroong anak pero walang ideya si Tucker na may anak siya sa akin.

"Masaya ako para sa inyo." Sabi ni Henry.

"Thank you, hon." Niyakap ni Christian si Danica sa sobrang saya niya. "Best gift ever!"

Nag-paalam na kaming lahat sa mag-asawa na uuwi na. Gabi na rin at may trabaho pa bukas.

"Apollo, doon na muna ako tutuloy sa bahay mo." Sabi ko sa kanya habang papunta kami sa parking lot. "Alam mo naman hindi ako pwedeng umuwi sa amin na lasing. Sermon ang makukuha ko sa kanila."

"Baka hanapin ka nila kung hindi ka umuwi."

"Ako na ang bahala bukas."

Bumuntong hinga siya. "Kung mapilit ka."

Bubuksanin ko na sana ang pinto ng kotse ni Apollo ay bigla kong nakita si Tucker at ang girlfriend nito. Bakit ko ba nakalimutan na katabi lang pala kung saan sila naka park kanina.

"Tucker." Tawag ko sa kanya.

Humarap siya sa akin. "Yes?"

"Pwede ba tayo mag-kita bukas na tayong dalawang lang? Doon sa park malapit sa amin."

Kumunot ang noo nito. "Why? Sa anong dahilan, Rye? At hindi na lang ngayon."

"May gusto akong sabihin sayo bukas. Kung hindi ka busy. Kung busy ka ay ayos lang."

"Okay." Tumalikod na siya sa akin para buksan ang pinto ng kotse niya. "Hindi ako busy bukas. Text mo na lang ako kung anong oras bukas."

Sumakay na ako sa kotse ni Apollo para makapag pahinga na rin ako.

"Ano ang pinag usapan niyong dalawa?" Tanong ni Apollo habang pinatakbo na niya ang makina.

"Bukas na lang tayo mag-usap. Gusto ko ng matulog habang wala pa tayo bahay mo." Sinandal ko na ang likod at pinikit ko na muna ang mga mata ko para makatulog.

Dealing With Mister CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon