Napatingin ako kay mama dahil ang dami niyang inuutos sa mga maids namin. May bisita daw kasi kami na pupunta mamaya sa bahay pero hindi ko kilala kung sino ang mga bisita namin.
"Makikilala mo na siya, Tucker." Napatingin ako kay ate Farrah.
"Sino, ate?" Naguguluhan ako. Sino ang makikilala ko na? Ang nasa isip ko ay isang middle age na lalaki at babae ang bisita namin. May bata rin ba silang kasama? Siguro nga.
"Basta. Mamaya mo malalaman pag-dating nila."
"Magiging girlfriend mo, twin." Sabi ni Noel sa akin.
"What? Ang bata ko pa para diyan, Noel." Sagot ko naman sa kanya. Hello, we're only 7 years old. Ano ba ang alam ko sa girlfriend-boyfriend na 'yan? Si ate Farrah nga 12 years old na ay wala pang boyfriend. Ako pa kaya nasa 7 pa lang.
Dumating na rin ang mga bisita namin at may isang batang babae ang nakatago sa likuran ng kanyang daddy. Ngumiti ako sa kanya at gumanti rin siya sa akin ng ngiti. Ang cute niya.
Lumapit ako sa kanya. "Hi. Ako nga pala si Tucker. Ikaw, ano pangalan mo?"
"Ryelee."
"Rye – what?" Napakamot ako ng ulo. "Ang hirap naman. Pwede bang tawagin na lang kitang Rye?"
Tumango siya sa akin. "Sige."
"Tara, laro tayo." Hinawakan ko ang kamay ni Rye.
Tumingala si Rye sa daddy niya. "Daddy, pwede ba kami mag-laro ni Tucker?"
"Sige, pero huwag kayo lalayo baka hanapin kayo ng mommy mo."
"Okay po."
Pumunta kami sa kwarto ko at nilabas ko ang mga laruan ko para mag-laro kami. Kahit marami akong laruan ay minsan lang ako mag-laro. Puro aral kasi ang ginagawa ko. Kahit weekend ay libro ang hawak ko dahil may tutor pa kami ni Noel. Sa weekdays ay pumapasok kami sa school.
"Puro pang lalaki naman itong laruan mo." Sabi niya. "Babae ako."
"Oo nga pala." Kamot ako ng ulo. "Kaso wala akong laruan pang babae."
"Iba na lang ang laruin natin."
"Okay, ano ang lalaruin natin?" Tanong ko sa kanya.
"Tagu-taguan pero dito lang tayo sa kwarto mo mag-tago. Ikaw, ang taya."
Tumalikod na ako at nag-simula na ako mag-bilang hanggang sampu. Medyo nahihirapan pa ako mag-bilang dahil nakakalimutan ko ang kasunod. Pagkatapos ko mag-bilang ay hinahanap ko na si Rye.
"Nasaan na kaya 'yon?"
Nakita ko si Rye nakatago sa ilalim ng kama ko.
Ang saya nga maging playmate si Rye kahit babae siya kahit iba ang gusto namin. Ang sabi ni daddy ay rerespetuhin at mahalin ang mga babae kung paano namin minahal at nireresspeto sina mama at ate Farrah. Isang araw na bumisita sila Rye sa bahay ay nakaramdam ako ng weird feelings. Hindi ko maintindihan kaya noong kinagabihan ay pinuntahan ko si ate Farrah sa kwarto niya.
"Ate." Tawag ko sa kapatid ko.
"Yes, Tucker?"
"Gusto ko po kayo makausap kasi um, kanina noong nandito sila Rye ay nakaramdam ako ng weird feelings. Normal lang ba 'yon?"
"Weird feelings?"
"Opo. Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko kanina habang nasa harapan ko si Rye."
"Ayiee... May gusto ka kay Ryelee."
Ako? May gusto kay Rye? Inaamin kong maganda siya pero magkaroon ako ng gusto sa best friend ko. At ang bata ko pa para sa ganyan.
Habang lumalaki kami ni Rye ay mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya pero tinatago ko lang dahil ayaw ko masira ang pagkakaibigan naming dalawa. Special sa akin si Rye dahil siya lang ang best friend ko.
Hindi ko alam kung bakit bigla ko naalala kung paano kami nagkakilala ni Ryelee. Dahil siguro sobrang miss ko na siya ngayon.
"Naalala mo pa kung paano tayo nagkakilala? Sa totoo lang, Rye simulang mga bata pa lang tayo ay may gusto na ako sa'yo. Hindi ko lang masabi sa'yo dahil ayaw ko masira ang pagkakaibigan natin pero noong high school tayo ay nilakas ko na lang ang loob ko umamin. Hindi ka naman nagalit o lumayo sa akin." Hinawakan ko ang isang kamay ni Ryelee. Pinayagan ako ng nurse na pumasok sa loob ng ICU sa tulong ng mga magulang ni Ryelee. Sila ang kumausap na papasukin ako. Gusto ko makausap ang girlfriend ko. "Gumising ka na diyan, babe. Hinihintay ka naming lahat kahit si Aerith."
Limang buwan na ang lumipas pero wala pa rin nagbabago sa kalagayan ni Ryelee at halata na rin ang tyan niya. Mabuti hindi nalaglag ang baby namin noong naaksidente kami ng mommy niya.
"Baby, hihintayin ka ni daddy lumabas at hintayin natin magising si mommy. Mahal na mahal ko kayo ng mommy mo."
Lumingon ako na may doctor na pumasok sa ICU. Iyong doctor ni Ryelee sa OB.
"Sir, gusto niyo na po bang malaman ang gender ng baby niyo?" Tanong ng doctor sa akin.
Kahit gusto ko malaman ang gender ni baby pero mas gusto ko na kasama si Ryelee at makikita ang tuwa sa mukha niya. Alam kong hindi pa siya handang sundan si Aerith pero nandito na ang isa pa naming baby.
Mabilis akong umiling. "Mas gusto ko sana malaman rin ng girlfriend ko ang gender ng anak namin. Baka sa pagkapanganak na lang niya."
"Okay po, sir."
Healthy ang baby namin at palaban siya dahil hindi siya bumibitaw sa mommy niya.
"Babalik ulit ako bukas." Pinipilit kong tumayo para halikan siya sa noo.
May appointment pa kasi ako para therapy ko. Habang hindi pa ako nakakalakad ay si dad na muna sa kumpanya pero ayaw ko maging pabigat sa pamilya ko.
Simulang makalabas ako ng ospital ay sa bahay na ulit ako tumutuloy para mabantayan ako nila mama. Tuwing umaga ay dinadala ni tita Luna sa bahay si Aerith. Kahit pa paano ay nakikita at nakakasama ko ang anak ko.
"Lalaban tayo para kay mommy. Hindi tayo susuko." Sabi ko kay Aerith kahit hindi pa maintindihan ng panganay namin ang mangyari sa mommy niya. Kung bakit limang buwan na niya hindi nakikita si Ryelee.
Ipagdadasal ko gabi-gabi sana magising na si Ryelee para maging kumpleto na ulit kami. At yayain ko na siya magpakasal sa akin.
Wala na akong hihilingin pa kapag nangyari 'yon. I'm the happiest and luckiest man alive.
BINABASA MO ANG
Dealing With Mister CEO
RomanceAno ang mangyayari kapag pinagkrus ang landas niyo ng iyong ex? Gaya ng dati na parang walang nangyari sa nakaraan? O iiwasan mo siya sa tuwing magkikita kayo dahil dala mo pa rin ang sakit ng nakaraan? Meet Ryelee Salazar masipag, matalino pero tan...
